Naglalakad ako sa hallway nang biglang may bumangga sa akin. Napa-upo ako dahil doon at napakapit sa aking palda at doon na ako nagsimulang pagtinginan ng mga estudyante, ang iba ay kinukuhanan pa ako ng mga picture.
Mga nag hihiyawan ang ibang kababaihan.
"Ang Gwapo."
"Ang Pogi."
Hiyaw ng mga ito. Inangat ko ang ulo ko upang tignan kung sino ang tinutukoy nila. Tinitigan ko yung isang matangkad na lalaki na nasa harapan ko na naka lahad ang kamay, hindi ko maisip na may isang gwapong lalaki ang nakatayo sa harapan ko, inabot ko ito at dali-dali akong tumayo, at nag pagpag ng aking palda.
" Are you okay?" tanong ng gwapong lalaking tumulong sa akin.
Hindi ko na s'ya pinansin sa sobrang inis at sinugod ang bwisit na lalaking bumangga sa akin.
"Hey, you!" sigaw ko rito.
Then he replied, "What?" nakabusangot na sagot nito.
"Ang galing mo rin, no, lakas mong mang bangga ah!" mataray na sabi ko.
Nag cross arm s'ya at tinaas ang kabilang kilay n'ya
"Pake mo?" pag tataray nito sabay talikod at umalis na.
Aakmain ko na sana s'yang habulin at sabunutan ngunit may pumigil sakin, napaaray naman ako.
"Tandaan mo, lintik lang ang walang ganti!" sigaw ko rito.
YOU ARE READING
She's Inlove with a Gay
Novela JuvenilDweia Leigh is model from a famous Modeling Agency. Her manager, gave her an opportunity to study in a famous school which she later on accepted. Unexpectedly, he encounter a boy... wait no... a gay, rather, that turns to be her enemy. Could enemy...