Dweia's POV
Maliliwanag na ilaw, puting background at tunog ng camera ang makikita at maririnig sa loob ng studio.
Nandito ako ngayon sa loob ng aking dressing room, tumitingin ng update sa Twitter at Instagram gamit ang aking cellphone, habang nilalagyan ng foundation ang aking mukha at nang blush on at iba pa ng aking makeup artist. Nang matapos s'yang ayusan ang aking mukha ay pinatayo ako nito at pinasuot ang damit na kailangan ko at sinunod naman n'yang ayusan ang aking buhok. Kumuha s'ya ng pang plantsa ng buhok at plinatsa ito.
Habang nag ce-cellphone ako ay biglang pumasok ang manager ko.
"Labas kana, it's your turn." pagkasabi nito ay agad rin siyang umalis.
Lumabas na ako at umayos na.
*smile*
*click*
*post*
*click*
*fears*
*click*
Pag katapos ng photo shoot ay rumampa pa kami isa isa, binigay ko ang aking best dahil madaming nanonood.
Nang matapos na ako ay bumalik na ulit ako sa aking dressing room, hindi ko namalayan na nakasunod pala ang aking manager.
"Goodjob, Dweia." pag puri nito.
"Thank you po." sagot ko at nag bow.
"Uhm, I have an offer. Do you want to study in TOMSK University?" tanong sa n'ya sa akin.
Wait, tama ba rinig ko? TOMSK University? A private school only those for rich students?
"Eh, Kuya Charlie, gusto, pero wala akong pang bayad ng tuition." namamalipit kong sabi sa sobrang hiya.
Ang kinikita ko kasi sa pag momodeling ay sakto lang para sa sarili ko at pang bayad ng condo .
"Ako bahala sa tuition mo tutal parang kapatid na kita." sabi n'ya ng nakangiti.
Nagulat ako sa sinabi n'ya "Totoo po, Kuya Charlie pag aaralin mo ako ron?" halos gusto ko nang tumalon sa sobrang saya.
Kumunot noo s'ya "Mukha ba akong nag bibiro?"
"Sabi ko nga." ngumisi ako saka tumawa ng malakas.
"Tomorrow will be the registration for the TOMSK University, siguraduhin mong makakapag pa register ka at siguraduhin mo ring hindi ka ma l-late, understood?" sabi nya.
"Opo." napa yakap ako sa kanya sa sobrang tuwa "Thank you Kuya Charlie hanggang ngayon tinutulungan mo parin ako."
Bumitaw na ako sa pag kakayakap sa kan'ya at tinanong siya "Kuya, bakit mo pala ako naisipang pag aralin don? May mas murang private school naman." nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Mas gusto ko kasing doon ka mag aral saka nag promise ako sa mommy mo na susuportahan kita sa mga pangangailangan mo," tugon niya.
"Pero hindi po ba nakakahiya?" sabi ko sa kanya pero sa loob loob ko wala nang hiya hiya, TOMSK yun.
"Wag kang mahiya parang kapatid na kita eh!" sabay tawa saka ginulo yung buhok ko. "O sya, mauna na ako mag ingat ka sa pag uwi mo at yung sabi ko ah wag kang mag papalate sa pag paparegister dahil last na 'yon bukas hanggang 10 am lang sila." pag papaalala nito saka lumabas na ng dressing room.
Pag labas ni Kuya Charlie ay nag tatalon ako sa tuwa "TOMSK, here I come!" napahinto ako sa kakatalon dahil muntikan na akong matapilok, nakalimutan ko naka heels pa pala ako saka ako tumawa ng malakas "Muntik na ako ron ah." sabi ko sa sarili sabay upo ko sa upuan.
YOU ARE READING
She's Inlove with a Gay
Novela JuvenilDweia Leigh is model from a famous Modeling Agency. Her manager, gave her an opportunity to study in a famous school which she later on accepted. Unexpectedly, he encounter a boy... wait no... a gay, rather, that turns to be her enemy. Could enemy...