Chapter 2

37 4 0
                                    

Drake's POV

Nandito ako sa aking kwarto kasama ang dalawa kong kaibigan, si Kiefer at Ryan, kasalukuyan kaming naka upo sa sahig habang nakasandal sa kama ko habang nag lalaro ng video games, nang biglang may kumatok kaya napatigil kami.

Tumayo ako at pumunta sa pinto upang buksan ito, hahawakan ko palang ang doorknob ay bigla na itong bukas siya namang ikinagulat ko.

Iniluwa nito ang rebulto ni mommy na may dala dalang isang box of cake, at Tuluyan itong pumasok.

"Have some snacks, kanina pa kayo nag lalaro mag miryenda muna kayo" sabi nito saka inilagay ang cake sa table malapit sa kama ko.

"Ipapasunod ko na lang kay Yaya yung plato at juice" pag ka sabi nito ay agad din itong bumaba.

Pag kababa ni mommy ay kasunod na nito ang pag akyat ni yaya na may dalang juice at tatlong plato para sa amin.

Lumapit ako sa table upang buksan na ito. Inalis ko ang ribbon at box nito. Kinuha ko yung cake at inilapag sa sahig kung saan kami nakaupo kanina.

Kumuha ako ng isang slice at inilagay ito sa aking plato, at sumubo ng isang beses.

Gaya ko kumuha rin ang dalawa ng tig isa nilang slice of cakes.

Habang seryoso kaming kumakain ng cake ay biglang nag salita si Kiefer.

"Nakapagpa register na kayo sa TOMSK?" biglang tanong nito.

Sumagot si Ryan "Oo nung first day palang ng registration" sabay subo ng cake.

Excited talaga to kahit kailan first day palang ng registration nag pa register na siya.

Tumawa ako ng malakas at pinagtinginan ng dalawa.

"Nababaliw kana ata, pre" saad ni Kiefer.

"Panong hindi ako matatawa first daw palang ng registration nag pa register na agad si Ryan" sabay tawa ko. "Ang oa mo talaga pre kahit kailan" dugtong ko pa.

"Hulaan ko pre hindi ka pa nakakapag pa regiser no" pabirong sabi ni Rye.

"Hindi pa nga" saka ako tumuwa.

Yung dalawang ugok pala na yan ay nakapag paregister na hindi man lang nag aya.

Nayari kaming kumain ng cake at mag kuwentuhan, tumayo ako upang tignan ang oras sa cellphone ko.

Alas siyete na nang gabi, sinabihan ko yung dalawa na umuwi na baka hinahanap na sila.

Tumayo na yung dalawa at sumunod sa akin bumaba.

Nakita namin si Mommy na nag p-prepare na ng dinner.

"Ready na yung dinner, tara na maupo na kayo." Nakangiting pag alok sa amin ni mommy.

"Hindi na po, Tita" sabay na sagot ng dalawa.

"Dito na kayo kumain, ako nag luto nito."

"Busog na papo kami sa cake na kinain namin, Tita, saka baka hinahanap na rin po kami sa amin" pag angal ni Rye.

"Sige mag ingat kayo sa pag uwi nin'yo ah dahan dahan lang sa pag d-drive" pag papaalala ni mommy sa kanila.

She's Inlove with a GayWhere stories live. Discover now