Chapter 7

564 65 0
                                    

This chapter is dedicated to: unknownymously18

A/N: Waahhh sorry sobrang late na yung update! Sad to say na short update lang po ito pero sana po ay magustuhan ninyo! Enjoy reading, darling!

Pagkadating namin sa venue ay nagulat ako ng madatnan doon ang aking lolo, lola, mommy, at iba pa na hindi ko kilala. Isa-isa ko sila tinignan. Tingin na nagtatanong.

Nakipagbeso ako sa lahat ng nasa right side at nagulat ng ganoon rin ang ginawa ni Gio sa mga taong nasa left side. Nang makipagbeso naman ako sa left side ay si Gio naman sa right side. Mas lalo akong naguluhan sa sitwasyon. Malayong kamag anak ba namin si Gio? Kaanu-ano nina lolo ang mga taong nasa left side? Malayong kapamilya din ba namin?

Puno ako ng katanungan ng, "Take your seat." Wala nang ibang upuan maliban doon sa dalawang upuan na magkatabi. Napatingin ako kay Gio ngunit nakangisi lang siyang nakatingin doon sa dalawang upuan. Parang may mga kabulastugan na nangyayari sa kanyang imahenasyon.

'Ano na naman kaya ang binabalak ng walangya?'

'Papatayin ko talaga ang taong 'to pag may ginawa siyang masama!'

'Ghad! He's capable of doing anything even if those are beyond the limits.'

Iiling-iling akong umupo sa tabi ni Gio. Pinapakita ang pagkadisgusto na makatabi siya.

Hindi nagtagal ay nagdatingan na rin ang mga pagkain. Lahat 'yon ay masasarap lalo na ang mga seafoods na gusto ko pasayan, alimango, ulang, at iba't ibang klase ng kabibi. Mayroon ding isang putahe na Mixed Seafoods kung saan lahat ng paborito ko ay naghalo-halo sa iisang lalagyan. Kaya napahawak ako sa sikmura nang makaramdam ng takam.

Sinimulan na namin ang pagkain. Nais ko sana tikman yung Mixed Seafoods ngunit malayo at nasa banda ito ni Gio. Ayaw ko siyang utusan dahil alam kong may kapalit iyon kaya pinilit ko nalang ang sarili na maging kontento sa kung ano ang nasa plato ko.

Alam kong hindi maipinta ang mukha ko dahil sa pilit na pagkain. Andito nga ang paborito kong pagkain pero hindi ko naman maabot. Langya'ng buhay naman oh!

"What's wrong?" Mahina at malumanay na tanong ni Gio sa paraang ako lang ang nakarinig.

'What's wrong your face!' Hindi ko siya sa pinansin at mabigat ang kamay na kinain ang nasa plato ko. Buti nalang at walang napapatingin kung minsan ay napapalakas ang bagsak ng kutsara sa plato ko.

Ganito talaga ako 'pag hindi ko nakukuha ang gusto ko, parang batang nagmamaktol.

"Hijo, can you get that Mixed Seafoods for my granddaughter? It's her favorite." Nakangiting baling ni lolo kay Gio.

'Lolo!' Ano ba! 'Thank you!' Nagngising tagumpay ako sa loob ko.

Napatingin naman sa akin si Gio bago kunin ang sinabi ni lolo. "You didn't tell me," matamis na ngiti sa akin ni Gio.

'Bakit ko sasabihin?!' Irap ko sa loob ko.

Kinuha niya ang Mixed Seafoods at mas lalo akong natakam ng papalapit na ito sa akin. Nilagyan niya ako ng konti sa plato ko at inilapag 'yon sa harap malapit sa akin.

"They look good together," nakangiting anang ng isang babaeng tingin ko ay kaedad lang din ni mommy.

"I agree," sang-ayon naman ng lalaking kanyang katabi.

Nakangising binalingan ako ni Gio. "We really look good together. Even my parents noticed it." Bulong niya na ipinahalata pa talaga ang paglapit niya sa aking tenga. Ngunit hindi ko inintindi ang kanyang sinabi.

Taming The Dragon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon