Chapter 12

365 11 1
                                    

A/N: Wazzup, darling! Miss me? Charot >_< HAHA Kailangan pa bang itanong 'yon? BTW, hope you enjoy this UD. Start reading!
-------------------

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasilayan ang isang kulang ang 'gwapo' para ilarawan ang matipunong ginoo na katabi ko. Napangiti ako ng makitang halos hindi man lang nagalaw ang posisyon niya mula kagabi at nakayakap parin ako sa kanya, ang nadagdag lang ay dantay na ng isang binti ko ang kanyang mga paa.

Walang hikab, hikab na nangyari dahil agad akong napabalikwas nang maalala na inaapoy nga pala ng lagnat si Ethan kagabi. Kinapa ko ang kanyang noo at napahinga ng maluwag ng hindi na ito mainit. Ikinumpara ko rin ang temperatura ng aking noo sa kanya, hindi mo na mababatid kung sino ang mas mainit. Tumayo ako at nilapitan ang emergency kit. Hinanap ang thermometer at inipit sa kanyang kili-kili para makumpirma kung may lagnat pa ba si Ethan.

Habang hinihintay na tumunog ang thermometer ay hinanap ko ang aking callphone na nakacharge sa tabi ng bedside table.

"Alas otso-trenta na pala," wala sa 'wisyong bulong ko.

*titit* *titit* *titit* *titit*

Tinignan ko ang thermometer, "36.9°C, normal temperature na ba 'to?" Feeling ko, oo.

Iniligpit ko na ang emergency kit at ibinalik kung saan ito kinuha. Lumapit ako sa bagpack na dala ni Ethan at hinanap ang nakitang bluetooth speaker kagabi.

"Hindi naman siguro magagalit si Ethan kung hihiramin ko ito diba?"

Sumilip muna ako sa bintana bago lumabas, "Hala, ang lakas ng ulan!" Malabo na ang daan sa labas dahil sa makapal na buhos ng ulan. Medyo nalungkot ako dahil hindi namin ma-eenjoy ang Britania ngayon.

"Sana nga ay maagang tumila ang ulan." Inayos ko ang kurtina.

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kitchen, "Hmm, ano kayang lulutuin ko for breakfast?" Binuksan ko ang refregirator at nakita ang mga pinamili namin sa mall.

"Inarrange na pala ni Ethan."

Kumuha ako ng dalawang itlog at apat na hotdog. "Ito nalang siguro ang lulutuin ko, hindi naman siguro kami kukulangin dito."

Kinuha ko ang frying pan at ipinatong ito sa electric stove. Nilagyan ng mantika at biniak ang itlog.

"Muntik ko nang makalimutan!" Kinuha ko ang bluetooth speaker at kinonect ito sa cellphone ko. Pinatugtog ang 'Sweetest Feeling' ni Bella Thorne.

🎶I put my hair up, I slap my lipstick on, I can't decide what to wear🎶

Sinabayan ko ang kanta habang tinatali ang aking buhok at nagsuot ng apron.

🎶I try my clothes on about a hundred times, I wanna get it right
But as long as I got this perfect feelin' I know that everything will be right
As long as I got this sweetest feelin' my troubles will be out of my sight
La da da da da da da da da da da da, my troubles will be miles away
La da da da da da da da da da da da, my troubles will be miles away🎶

Sinabayan ko pa rin ang kanta at medyo sumayaw-sayaw pa. Dahil sa pagka-aliw ay muntikan ko nang makalimutan ang pinipritong itlog. Nagmamamadaling inalis ko ito sa kawali at inilagay sa plato, 'yon nga lang ay halos umitim na ang kulay ng pwet nito.

🎶I slip my shoes on, take a spin or two, tell me, "how does this look to you?"🎶

"Hindi naman siguro maarte si Ethan, choks na 'to!"

🎶In the mirror, I blow a kiss and scoot 'cause I'm runnin' late for you
But as long as I got this perfect feelin' I know that everything will be right
As long as I got this sweetest feelin' my troubles will be out of my sight
La da da da da da da da da da da da, my troubles will be miles away
La da da da da da da da da da da da, my troubles will be miles away🎶

Taming The Dragon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon