"Damn it! Baka ma-issue akong pulubi nito dahil sa taxi na sinasakyan ko." Inis na sabi ko. Papalapit na nang papalapit ang sinasakyan ko sa gate ng aking pinapasukang eskuwelahan.
"Kailan pa po naging 'nakakapulubi' ang pagsakay ng taxi, ma'am?" Pasiring kong tinignan si manong dahil sa naging puna niya.
"Seriously manong? I'm not talking to you kaya shut up!" Umirap pa ako sa salamin na tinitignan ni manong para maramdaman niyang naiimbyerna ako.
Ilang metro pa ay pumarada na si manong sa harap ng gate, 'buti nalang at wala masyadong estudyante kaya walang nakakapansin. Kumuha ako ng five hundred pesos sa pitaka at ini-abot iyon kay manong.
"Bayad po and sorry po sa mga nasabi ko o kung na-offend man kayo. Anyway, thank you for driving me all the way here safe and sound." Bumaba na ako ng taxi pagkatapos sabihin ang mga iyon, hindi na rin ako nag-abala na kunin pa ang sukli ko.
I confidently walk through the hallway na para bang maraming lalaki ang nagkakandarapa makita lang ako kahit lahat ng iyon ay sa imahenasyon ko lang. Bigla akong napatigil sa pagrarampa nang makita ang ninanais kong lalaki sa dulo ng corridor. Hudyat niyon ang pagkapa ko ng salamin sa aking bag upang matignan kung maayos ba ang itsura.
When satisfied, malaki ang ngiti sa labing nilapitan ang crush ko. Hawak sa likuran ay ang kahapon ko pa binili na heart-shape chocolate na para lamang sa lalaking gusto ko.
Tumikhim ako at nakuha ang kanyang atensyon, "Chocolate para sa pinakagwapong lalaki sa mata ng isang pretty Karylle!" Masiglang wika ko at inilahad ang hawak na chocolate.
Ilang years na rin akong nagkakagusto sa lalaking 'to, halos tanang buhay ko na siguro? At araw-araw niyon ay walang palya ako sa pagbibigay ng mga regalo, tsokolate, at liham maiparamdam lang na gusto ko siya ngunit taliwas palagi ang kinalalabasan.
Seryoso ang mga matang tinignan niya ako. "Kailan ka pa ba magsasawa sa mga pakulo mo ha? Kasi ako, sawang-sawa nang tanggihan ka. Paulit-ulit nalang!" Unti-unting nawala sa aking labi ang masiglang ngiti at napalitan ng isang mapait.
Binalewala ko ang kanyang sinabi, "Goodluck for the rest of your day! I'm rooting for you!" Saad ko at sapilitang pinahawakan sa kanya ang hugis pusong tsokolate.
Bagsak ang mga balikat na tinahak ko ang pinakamalapit na CR kaya hindi ko namalayang may nabangga na pala ako. "I'm sorry!" Hinging patawad ko.
Nginitian lang ako ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Tumuloy na rin akong pumasok sa CR.
"Walang kwentang simula para sa isang ibang klaseng araw," ani ko habang pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin.
Biglang bumukas ang pintuan ng isa sa mga cubicle kaya napalingon ako roon. "Ang aga pa tapos nagsesenti ka na ghourl." Sabi ni Shainah, kaibigan ko, habang naghuhugas ng kamay sa katabing gripo ng sa akin.
Tinahak namin ang daan papuntang silid habang nag-uusap tungkol sa mga walang kwentang bagay. Sa daan ay may nakikita pa akong naglalampungan kahit tirik na tirik pa ang araw. May mga halos magsihubad na ng damit, 'di alintana ang mga matang tumitingin sa kanila.
'Buti nalang at hindi ito isang Christian School dahil baka imbes na magrosary ay ungol ang maririnig mo. Hindi narin naman bago sa akin ang mga tanawin na ito dahil napaka-liberated na talaga nitong school. Na sa'yo na kung paano mo iiwasan o kakaharapin ang mga gano'ng bagay.
Pagdating namin sa classroom ay wala pang guro kaya umupo muna ako sa aking upuan. Napasimangot nang makitang wala pa ang aking katabi.
BINABASA MO ANG
Taming The Dragon's Heart
ChickLitR-18: READ AT YOUR OWN RISK! This is a work of fiction. A product of the author's imagination. Teaser: I confidently walk through the hallway na para bang maraming lalaki ang nagkakandarapa makita lang ako kahit lahat ng iyon ay sa imahenasyon ko la...