Chapter 4

753 113 0
                                    

"I'm sorry, darling." 'Yon lang at iniwan niya ako at padabog na isinara ang pinto.

Maya maya rin ay tumayo na ako. Naghanap ako sa closet niya ng pwedeng maisuot. Nang makapili ay dahan-dahang lumabas ako takot na baka ay nasa loob parin siya at mapansin ako. Ngunit nakabalas na ako ng opisina niya ay wala parin siya. Napabuntong-hininga nalang ako.

Bumalik muna ako sa classroom at kung sinusuwerte ay walang guro kaya malaya kong nakuha ang bag ko saka dumeretso sa parking lot. Nasa daan palang ako ay nakasalubong ko ang manyak na hinahangaan ko 'noon.' Napatigil ako sa paglalakad ng nasa harap ko na siya.

Sobrang bilis ng tibik ng puso ko at walang mapaglagyan ang galit ko. Naikuyom ko ang aking kamao sa paraang halos mapunit na ang balat sa palad ko. Gigil na gigil ko siyang tinignan, pinaparamdam yung galit ko.

Naibaba niya ang kaniyang paningin sa aking nakakuyom na kamao at dahan-dahang ibinalik ang paningin sa aking mukha. Nginisihan niya lang ako, isang ngising mapanuya.

Napahinga ako ng maluwag pagkatapos niya akong lampasan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang hindi na ako makahinga. Hindi ko na rin napigilan ang isa-isang pagtulo ng aking mga luha.

Patakbo kong pinunta ang pagitan ng aking pwesto kanina at ang parking lot. Nang makita ko na ang kotse ko ay hinanap ko ang susi nito sa aking bag. Nang makita ko na ay pinatunog ko ito at binuksan ang driver's seat at pinaharurot ang aking sasakyan.

Hindi ko napigilang tapakan ang gasolina nito kaya ganon nalang kabilis ang takbo nito. Dala iyon ng galit at pagkamuhi.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aming bahay. Ipinarada ko sa garahe ang aking sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"Ang aga mo naman yata ngayon baby?" Tanong sa akin ni mommy nang makasalubong ko siya sa daan paakyat sa aking kuwarto.

"Wala ako sa mood, mommy. I'm sorry." Nakatungong sabi ko, nagui-guilty. Walang pasabing niyakap ako ni mommy kaya napayakap na rin ako sa kanya.

"Dalaga na talaga ang baby ko, nagkakaproblema na." Sinabi iyon ni mommy sa paraang naglalambing kaya hindi ko napigilang ang pagyakap sa kanya ng mahigpit.

"Oh, bakit iba na itong suot mong damit? At pang lalaki pa." Patataka na may halong panunudyong saad ni mommy. Matagal niya nang gustong magkaboyfriend ako kaya ganon nalang ang saya niya ng makita akong naka damit panglalaki.

"Ugh! It's a long story mommy, natapunan kasi ako ng hot chocolate." Walang ganang saad ko. Napatango-tango naman si mommy pilit na pinaniniwalaan ang sinabi ko. Sa tingin ko ay hindi siya naging kombinsido sa naging sagot ko.

"Mommy!" Sigaw ko kaya napatawa naman siya.

"Oh, siya sige. Pagpahinga ka na doon sa kuwarto mo gigisingin nalang kita kung hapunan na." Natatawa paring sabi ni mommy pero hinalikan ko nalang siya sa labi saka dumeretso sa kuwarto ko. Hindi na ako nag-abalang magbihis at humiga nalang sa kama ko. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.

Naalimpubgatan ako sa bahagyang pag-alog ng aking paa. "Mmm," ungol ko pa at pinalitan ang puwesto ngunit hindi parin natigil ang bahagyang pag-alog sa aking paanan.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napangiti ng makita si mommy na nakangiti rin.

"Bangon na nakahanda na ang pagkain sa ibaba," saad ni mommy saka ako tinulungang tumayo. Napahikab ako at yumakap kay mommy.

"Malaki na talaga ang baby ko," saad ulit ni mommy at inamoy-amoy pa ang leeg ko. Napatawa naman ako dahil sa kiliti. Umalis sa pagkakayak si mommy at ipinatong ang kamay sa ulo ko.

Taming The Dragon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon