It was an exclusive get-together party for the newly elected officers of the student council, held in the school's auditorium. Doon din unang nakausap ni Martyn si Leira.
Nakita na niya si Leira sa office ng ate Jennierose niya, at sa unang pagkakataon, hindi niya makalimutan ang magandang mukha nito. Maganda naman kasi talaga si Leira, matangkad at mestisa, hindi man siya kinausap nito nang una silang magkita, nginitian naman siya nito. At sa unang pagkakataon sa buhay niya, naniwala siya na ang LOVE AT FIRST SIGHT, ay nag eexist sa mundo. Napansin ni Jennierose ang kakaibang reaksyon niya sa tuwing nasa malapit lang si Leira, kaya sa tuwina ay tinutukso siya nito. Na hinahayaan na lamang niya. Totoo naman kasing may gusto siya sa magandang auditor nila.
Nasa buffet table si Martyn at kasalukuyang namimili ng makakain nang aksidenteng mabunggo siya ng kung sinong nasa likuran niya.
Kunot noong nilingon niya ang bumunggo sa kanya, ngunit agad ding napalis ang kunot ng noo niya nang makitang si Leira ang nasa likuran niya.
Alanganin ang ngiti niti habang nakatingala sa kanya, "uhmmm... s-sorry, h-hindi ko s-sinasadya, na-nasaktan ba kita?" Kandautal na paumanhin at tanong nito.
"Okay lang ako, don't worry". Anito, "ikaw, okay ka lang ba?" Tanong ni Martyn.
"O-okay l-lang ako". Nauutal pa rin sagot ni Leira, pasimple siyang huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili, at ang puso niyang nagwawala sa di malamang kadahilanan.
Ngumiti uli si Martyn at iniabot ang kamay sa kanya, kasabay ng pagpapakilala nito sa sarili.
"I'm Martyn Sarmiento", anito. Atubiling inabot niya ang kamay nito at kiming sumagot, "Leira... Leira Mendoza".
"Pleasure to finally meet you", sabi sa kanya ni Martyn. "Same here", sabi naman niya at pasimpleng hinila ang kamay na ayaw na yatang bitawan ni Martyn.Pasimple na rin niyang hinarap ang pagkuha ng pagkain niya upang maiwasan ang nakakailang na titig ni Martyn sa kanya.
At dahil magkasunod sila sa pila, aware na aware siyang maya't maya ay pinag mamasdan siya nito. Kaya naman laking pasasalamat niya nang lumapit si Jennierose, ang adviser ng student council at isa sa mga professor nila.
"Mart, we have to leave before six", anito kay Martyn.
"Bakit, kailangan kong sumabay sa 'yo?" Tanong ni Martyn dito.
"Dahil 'yon ang sabi ni ate Louisse", sagot nito at tumalikod. Ngunit bago humakbang palayo ay lumingon uli ito sa kanila, rather, sa kanya sa ito ngumiti.
"Hello, you're Leira Mendoza, right?" Tanong nito sa kanya.
"Yes, ma'am". Tipid na sagot niya at ngumiti.
"Congratulations". Anito, "thank you po", tipid pa ring sagot niya. "By the way, this is Martyn, my brother-"
"We've met!" Putol ni Martyn sa sinasabi nito. "I see", nakangiting sabi ni Jennierose, halata sa kislap ng mga mata nito ang panunukso sa kapatid.Nang sulyapan niya si Martyn ay nakakunot noo itp habang nakatingin din sa ate nito. Bongga ang pagtataka niya ng mag walk out ito. Ngingiti ngiti naman si Jennierose nang sundan ito, sumunod sa magkapatid ang nagtatakang tingin niya, at sa di kalayuan, mukhang nagtatalo na ang mga ito.
What was that all about? Tanong ni Leira sa isip.*********
There goes chapter one! Please, wag po kalimutan magbigay ng opinyon about this one. Tatanggapin ko po mga comments, wag lang po sanang sobrang ahmmm..... nakakamatay ng mga pangarap sa buhay. :D
GAMSAHAMNIDA! :)
BINABASA MO ANG
This Love is Mine
Teen FictionThis is my very first try to write, so, I hope you guys would take a little of your time to read this. Comments, criticisms are very much welcome. Offensive comments and criticism, please, keep them to yourselves. Ahmm... thank you, in advance. :)