CHAPTER TWO

82 5 5
                                    

For vernaliusa, Ppeogigayo, batteredshoe, especially to JeanyJ. Thank you so much for helping me fix this chapter. Hehe.

*******

"Bakit nga pala tayo pinauwi ng maaga ngayon ni ate Louisse, ate?"

Tanong ni Martyn kay Jennierose habang nagbibiyahe sila pauwi.

Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot, "nasa bahay daw sina daddy at tita Mau, may mga kasama daw silang bisita." Sagot nitong nakatutok sa kalsada ang paningin at nagcoconcentrate sa pagdadrive.

"Ah," tanging naisagot niya at nanahimik. Then his mind drifted to somewhere else.

Their mother Heleana Natividad- Sarmiento, passed away when he was ten years old. After a year, their father re-married, si tita Maureen or Mau, mabait at maunawain ang step mother nila, kaya kasundung-kasundo nila ito. Ang problema, kung sino pa ang kadugo nila 'yon pa ang hindi nila masyadong makasundo. Sala sa lamig sala sa init ang relasyon nilang tatlo sa ama. Their father, Antonio Sarmiento, has always been a workaholic monster, a very good judge of character, as what other people often say, may pagkapakialamero din ito at super strict. Mabuti na lang at ang pagiging workaholic at pagiging good judge of character lang nito ang namana ng ate Louisse niya rito. Oh, and being super strict din, isa pang namana ng ate niya sa ama nila. Neverthless, he loves her dearly. The house where he and his siblings lives in, belongs to their mom, isa pang reason why their father has to build his own house and he just pays them visit once in a while. Their step mom's different though, she atleast pays them visit almost everyday. Nitong nakaraan lang hindi nakabisita ito sa kanila dahil isinama ito ng daddy nila sa business trip nito sa Austria.

"We're here," anunsiyo ni Jennierose na ikinagulat pa niya. Paglabas nila ng sasakyan ay naririnig nila ang malamyos na musikang nanggagaling sa loob ng bahay. The music was coming from a violin, mahusay ang kung sinomang tumutugtog niyon. Sa isip ni Martyn.

Pagpasok sa bahay ay agad silang sinalubong ni tita Mau. "I missed you both," anito habang yakap silang magkapatid. "We missed you too, tita." Sabay na sabi nila.

"Come, nasa den silang lahat," akay nito sa kanila. "How's your trip in Vienna, tita?" Tanong ni Jennierose habang naglalakad sila sa pasilyo papunta sa den ng bahay. "It's fun visiting malls, and strolling around the city, ALL BY MYSELF," pabuntong-hiningang sagot nito na ikinatawa nilang dalawa. "Anyway, marami akong pasalubong for you three," patuloy nito.

"Dank u vel," pasalamat ni Martyn sa wikang Dutch.

Pagdating sa den ay muntik nang bumunghalit ng tawa si Martyn sa nakitang ayos ni Louisse, nakatukod ang siko nito sa armrest ng sofa habang nakapangalubaba at namumungay ang mga mata sa antok, habang tumutugtog ng violin ang maliit na babae sa gitna ng umpukang inabutan nila. Wala kasing hilig sa music si Louisse kaya natural na lang ang reaksyon nito. After the girl played the instrument, tita Mau gave her round of applause, that made everyone's attention turn to their direction.

"Bravo," sabi nito, "nice one,"sabi ni Jennierose, "you're good," sabi naman niya. "Thank you very much po," came the shy and soft reply from the girl.

Ipinakilala sila ni tita Mau sa mga bisitang nalaman nilang business partner ng daddy nila, Mr. Mariano Espinosa was their father's highschool buddy. His wife, Mrs. Enya Arevalo-Espinosa was their late mother's college friend. The two girls, one was Sheryl Espinosa, the other one who played the violin was Rashida May Arevalo. Mrs. Espinosa's niece. Nalukot ang magandang mukha ni Jennierose dahil sa huling ipinakilala sa kanila. Walang iba kundi si Winston Espinosa Rosario, hindi siya makapaniwalang kamag-anak ito ng bestfriend ng Daddy niya.

After dinner, saka pa lang pinasabog ni Antonio Sarmiento ang bombang dala nito sa gabing 'yon para kay Martyn.

"Son, three years from now, you are going to marry your tito Mariano's daughter Sheryl."

"What?!!!" Sabay-sabay na bulalas ng magkakapatid na Sarmiento, shock was visible on She and Rashida's faces. "Bakit kaya hindi na lang kayo ni tito Antonio ang magpakasal, 'pa?" Came Sheryl's sarcastic words.

"Sheryl!" Babala ng ina nito na ikinatahimik ng dalaga. "Pasensiya na kayo sa anak ko, nabigla lang siya." Hinging paumanhin ng ginang.

"Oh, don't worry tita, kapag nagkataong ako ang nalagay sa sitwasyon niya, baka magbigti pa ako". Jennierose's sarcastic reply.

"Sweetheart, kung ayaw mong ikaw ang ipakasal ko sa pamangkin nitong si Mariano, tumahimik ka!" Malambing na banta ng ama nila sa kanya. Jennierose gritted her teeth, but held her tongue.

"Tito Antonio, don't worry, I'm more than willing to marry your daughter anyway." Sabad ng walanghiyang si Winston. Tinitigan ito ni Jennierose nang pagkasama-sama, harinawang bumulagta ito at mamatay na. Hehe. Asa pa siya.

Tumingin siya sa ate niya at lalong napasimangot nang makitang nagpipigil ito ng ngiti. Napatingin din siya kay Martyn, tahimik lang na naupo sa tabi ng ate nila.

Pagka-alis ng mga bisita at ng mga magulang ay nagtuloy si Martyn sa kwarto niya, si Louisse naman, sa study room. Sumunod si Jennierose.

Hindi mo man lamang ba tutulungan si Mart na makawala sa kalokohan ni daddy?" High pitch na tanong ni Jennierose sa ate niya.

"And risk my freedom, no thank you," sagot nito at umupo sa swivel chair. "How could you be so selfish!" Sigaw niya rito, matalim ang mata ng tumingin sa kanya.

"Hindi ako makikialam sa kasunduang 'yon, dahil noon pa man sinabi ni daddy ang tungkol dun. Hindi ko lang akalaing ngayon na nila iaanounce 'yon."

Kalmanteng sabi nito, na lalong nagpainit sa ulo niya, how could her sister remain so calm, when she, at the moment feels like the Mayon volcano na malapit nang sumabog, agh!

"Louisse, may ibang gusto si Martyn!" Gigil na sabi niya.

"Ows," tanging sabi nito. Tinitigan niya ito bago nagpatuloy, "Yes! At sisiguraduhin kong bago matapos ang semester na ito, girlfriend na ni Martyn si Leira." Buong giting na sabi niya, tinitigan lang din siya ni Louisse bago humalakhak ng malakas. Kung hindi lang ito gaganti ay sasabunutan na niya ito sa sobrang asar.

"At paano ka nakakasigurong magtatagumpay ka, aber?" Natatawa pa ring tanong nito. "I'm not going down without putting up a fight!" Nabubwisit na sagot niya, at sa ikalawang pagkakataon, humalakhak ito. Pinanood na lamang niya ito sa pagtawa habang pinipigilan ang sariling sakalin ito.

When she stopped, "wanna bet?" She asked, tumingin ito sa kanya na parang sinasabing, ako pa talaga hinamon mo! She smiled, "ok, so, ano ang consequence na ipagagawa mo sa akin kung sakali at magtagumpay yang plano mo, kung anoman yan." Pagpayag nito.

"Kapag nagawa ko ng maayos ang plano ko, hanapin mo si Mr. Soldier at kausapin tungkol sa lovestory ninyong hindi natuloy". Nakatitig ditong sabi niya. Nanalim uli ang mga mata nito tumayo at naglakad patungo sa pinto, pagdating nito roon ay nilingon siya.

"Fine, sige, pero kapag pumalpak ka, pakasalan mo si Winston Rosario, ora mismo!" Nanggigigil na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya, "ano, hindi mo kaya?" Hamon nito nang hindi siya makasagot.

"Fine, pakakasalan ko ang lamang lupang 'yon, kapag pumalpak ako!" Asar na sagot niya, inismiran siya nito at tuluyang lumabas ng study room.

"Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa plano mo!" Narinig niyang sabi nito bago lumapat pasara ang pintuan.

Uh-oh! Bakit hinamon mo sa pustahan 'yon, eh napakatuso nun pagdating sa mga ganyang bagay. Lagot ka na, Jennierose. Sabi ng malditang tinig sa isip niya.

Sumimangot siya, "tumahimik ka nga!" Asar na sagot niya.

This Love is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon