Abala si Leira sa pag aayos at paglalagay ng mga gamit niya sa loob ng kanyang bag nang may tumikhim.
Awtomatikong napangiti siya nang makita si Martyn, pati puso niya, automatic nang nagwawala sa rib cage niya. Pumasok ito sa loob ng classroom at naupo sa bakanteng arm chair habang nagliligpit siya.
"Uuwi ka na ba?" Tanong nito sa kanya.
"Hindi pa, dadaan muna ako sa bookstore may bibilhin ako. Bakit?"
"Ihahatid sana kita, pero kung ganyang may dadaanan ka pa, samahan na lang kita. Tsaka ihahatid na rin, gano'n." Nakangiting sabi ni Martyn sa kanya.
Nangiti uli siya, hindi na bago ang paghatid-hatid nito sa kanya sa bahay nila. Pati mga pagsama-sama nito sa kanya, magmula nang ligawan siya nito.
Yup-- finally, niligawan din siya nito, at talaga namang nagulat siya noong umpisa. Kasi naman, noong una niya itong makita sa office ni Jennierose--three months ago, nakakunot noo na nga ito--nakasimangot pa, habang nakatingin sa kanya. At kapag nagkukrus ang mga landas nila sa kahit saang parte ng paaralan nila, bigla na lang sumasama ang mood nito. Kaya imbes na kausapin niya ay nginingitian na lamang niya ito.
Kaya naman noong party ng student council, hindi niya inaasahang ngingitian siya nito, much more, ang kausapin. At doon na nga nagsimula ang friendship nila, hmm... that was almost two months ago. And he's been courting her for almost a month now, nice!
Gustung-gusto na nga niyang sagutin ito eh, kaya lang kasi, kapag naaala niyang engaged na ito, natitigilan siya. Engaged yes! But that wedding would take place three years from now! Anong problema do'n? Tanong ng tinig na kakampi kuno ng puso niya. Malay mo naman, magbago pa ang isip ng Daddy ni Martyn at bawiin nito ang kasunduan. Patuloy ng tinig, ngunit agad itong kinontra isa pang tinig.
Paano nga kung hindi bawiin? Eh di nasaktan pa itong si Leira? Pahayag niyon at buong kaluluwa namang sinang ayunan ng isip niya. Pero syempre, sa huli, siya pa rin ang magdedecide.
At ang desisyon niya, hayaan ang sarili na mag enjoy sa pag aasikaso ni Martyn sa kanya. Wala naman sigurong kokondena sa kanya. Nagmahal lang siya, kaya kung dumating man ang panahon na masaktan siya, walang dapat sisihin kundi siya. Gaya nga ng madalas niyang sabihin, I'll just cross the bridge when I get there.
With a contented smile, "sige, samahan mo ako para may manlibre sa akin." Biro niya rito, she heard him chuckle. Nang tingnan niya ito ay nakangiti ito sa kanya. And when he's smiling at her like that, feeling niya ay siya si goddess Aphrodite.
Hay! Ang mga nagmamahal nga naman, hindi lang nagmumukhang tanga! Nagiging ilusyunada pa! Banat na naman ng malditang tinig sa isip niya. Hindi na lamang niya pinansin 'yon.
"Sure, let's go." Ani Martyn.
Habang naglalakad sila palabas ng campus ay panay ang biruan nila. Malapit na sila sa gate ng matigilan si Martyn, binalingan niya ito at napansing nakakunot noo na naman ito habang nakatingin sa dalawang babae sa tabi ng blue na kotse. Nakilala niya ang isa, si Jennierose, hinila siya ni Martyn palapit sa mga ito. Nakapamaywang si Jennierose habang matalim ang tingin sa matangkad na babaeng kakikitaan ng amusement sa mukha.
"Ate, anong nangyayari dito?" Tanong ni Martyn sa mga ito. Biglang nawala ang amusement sa mukha ng matangkad na babae, nakataas ang kilay nito nang balingan si Martyn.
"Aren't you going to introduce me to this young lady, you're with, Martyn?" Tanong ng matangkad na babae imbes na sagutin ang naunang katanungan sa mga ito.
"Ate naman eh.." narinig niyang reklamo ni Martyn sa kanyang tabi.
"Ate, siya nga pala si Leira," nilingon muma siya nito bago nagpatuloy, "Leira, this is my Ate Louisse." Pagpapakilala ni Martyn sa kanila ng babae.
"My pleasure to meet you, Miss Sarmiento," sabi niya sabay lahad ng kamay dito for a hand shake.
"Same here, Leira." Sabi nito na ngayon ay nakangiti na sa kanya, tinanggap rin nito ang kamay niya and squeezed it a little.
Tumikhim si Jennierose, "ano nga uli ang ginagawa mo dito?" Tanong nito kay Louisse.
"Susunduin ko sana si Martyn eh, kaso..." her voice trailed off nang sulyapan siya na tahimik lang sa tabi ni Martyn. "Mukhang may lakad siya, este--sila pala." Patuloy nito na nakangiti, pinamulahan siya ng pisngi.
"Bakit naman kasi hindi mo ako tinawagan, ate?"
"I did call you, mga five times. I also sent you messages, mga, six messages. Pero busy ka yata masyado, kaya hindi mo napansin yang cellphone mo".
"Sign na yan," sabad ni Jennierose. Matangkad ng di hamak si Louisse kaya madali para dito ang takpan ang bibig ni Jennierose.
"Hindi ikaw ang kausap ko, kaya manahimik ka!" Gigil na wika nito kay Jennierose na walang nagawa kundi ang umirap na lamang.
"Sorry ate," Martyn said with a sheepish smile on his lips that made him even more cuter.
"It's okay, no problemo." Nakangiti nang wika ni Louisse. "Why are you so nice today, Louisse? May pinaplano ka na naman ano?" Nagdududang tanong ni Jennierose, hinarap ito ni Louisse. Nagkatinginan na lamang sila ni Martyn.
"Oy! sa ating dalawa Jennierose, ikaw lang itong mukhang leader ng mafia na wagas makapagplano ng mga bagay-bagay. Mabuti nan sana kung bonggang maganda ang resulta."
"And what are you trying to say?"
"Sinasabi ko lang naman, na sa sampung planong inilatag mo, siyam at kalahati do'n palpak!" Sa sinabing iyon ni Louisse ay hindi na napigilan nina Martyn at Leira ang mapabunghalit ng tawa.
"Siyam at kalahati? Nag-iwan ka pa talaga eh, aysus! Lahatin mo na, nahiya ka pa eh!" Asar namang sabi ni Jennierose, sumabay sa halakhak ni Louisse ang tawa nina Leira at Martyn.
"Kayong dalawa, kung may lakad kayo, umalis na kayo at nang hindi kayo gabihin masyado." Nakasimangot na sabi ni Jennierose, sabay abot ng susi ng kotse nito sa nakababatang kapatid.
He kissed his sisters on their cheeks before leaving them, arguing, again.
"Pasensiya ka na kina ate ha, lalagnatin kasi mga 'yon kapag hindi nag asaran eh." Natatawang hinging-paumanhin ni Martyn.
"Okay lang 'yon, nakakatuwa nga silang panoorin eh. Ang kukulit lang." Natatawa ring sagot ni Leira.
That incident involving Martyn's sisters was two weeks ago. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwing maaalalaang pangyayaring iyon. Habang magkasama kasi sila ni Martyn noon ay nakapag isip na rin siya ng matino, atlast! Nakapagdecide na rin siya, and her decision? Ang sagutin na si Martyn after their finals. At ang finals nila, well, malapit na.
*************
Napahaba yata itong chapter na ito. Sarreh! Yung chapter five nga po pala, hehe. Hindi dapat yun ang laman ng chapter na yun, kaso, nawili na naman ako sa panonood ng animè kaya, ayun. Inspired by Fushigi Yuugi ang labas ng chapter five. Hehehe. Yung kissing scene nina Tamahome sa shrine ng seiryu. You guys know that? Hahaha.
BINABASA MO ANG
This Love is Mine
Teen FictionThis is my very first try to write, so, I hope you guys would take a little of your time to read this. Comments, criticisms are very much welcome. Offensive comments and criticism, please, keep them to yourselves. Ahmm... thank you, in advance. :)