The day we met, frozen I held my breath. Right from the start, I knew that I found a home for my heart, beats fast. Colors and promises, how to be brave, how can I love when I'm afraid to fall, but watching you stand alone, all of my doubt, suddenly goes away somehow. One step closer.
Forgive me, I just have, what they call, LAST SONG SYNDROME!! HEHE
********
"Sa office na lang tayo mag-usap sa Monday." Ang naabutan ni Martyn na sinabi ni Louisse sa kausap nito sa cellphone paglapit niya rito. Nang makita siyang bihis na bihis ay tumikwas ang kilay nito pataas.
"Saan ka pupunta, wala ka namang klase, ah?" Tanong nito sa kanya.
"May meeting ngayon ang student council, ate," sagot niya.
"Bakit walang nabanggit si Jennierose tungkol dito?" Nagdududang tiningnan siua nito, "sigurado kang sa school ka pupunta? Baka naman, makikipagdate ka lang?" Patuloy na tanong nito.
"Ate naman!" Reklamo niya, "bakit naman ako makikipagdate pa, eh, may fianceé na ako?" Nakasimangot niyang sagot, with question mark. His sister's face, suddenly became serious.
"Pumapayag ka na sa gustong mangyari ni Daddy?" Tanong nito.
"Syempre hindi! Pero wala na rin naman akong magagawa diba?" Tanong din niya.
"Jennierose told me something about you, last night." Nananantiyang sabi nito, "you and a certain Leira." Patuloy nito, looking at him intently. Umiwas siya ng tingin.
"Bakit hindi ka pumasok sa office mo ngayon, ate?" Sa halip ay tanong niya.
"Do you like her, or not?!" Diretsang tanong nito, ignoring his question. Tumitig siya sa singkit na mga mata ng ate niya, "and what if, I'd say, YES?! I like her, a lot." Sagot niya.
"Ano'ng gagawin mo, ate?" Tanong niya.
"Nothing." His sister's now smiling, her chinky eyes were now twinkling with mystery.
"Don't worry, I'll make every possible way to ruin their plans." Sabi nito at tumayo sa kinauupuang garden chair, lumapit ito sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi.
"Sige na, lumakad ka na bago ka pa ma- late." Sabi nito at pumasok na sa bahay. Hmmmmm........nice!! Sambit niya.
Pagdating sa school ay nagmamadali sa paglakad si Martyn, dahil may kalayuan ang office nila. Pagliko niya ay nabangga niya ang isang babae, na-out balance ito kaya paupong bumagsak sa sementadong sahig. Pagyuko niya upang tulungan itong makatayo ay natigilan siya ng makilala ang babae.
"Rashida? Dito ka pumapasok?" Nabiglang tanong niya, tumingala ang babaeng nakangiwi tanda na nasaktan ito sa pagkakabagsak sa sahig.
"Martyn? Ah.... eh.. o-o-oo, kakatransfer pa lang namin." Nabigla yata ito sa tanong niya kaya nautal sa pagsagot. Inabot nito ang nakalahad niyang kamay, dahil napapatingin na sa kanila ang ibang estudyanteng naroon sa corridor. Pinagpagan nito ang uniform pagtayo, "aray!" Mahinang sambit nito nang mapadako ang kamay nito sa nasaktang pang-upo.
"Sorry, malelate na kasi ako sa meeting kaya nagmamadali ako." Hinging paumanhin niya, "nasaktan ka ba?" Tanong niya.
"Okay lang naman," nakangiting sagot nito.
"Sigurado ka? Baka kailangan mong magpunta sa clinic, sasamahan kita." Alok niya.
"Hindi, ok lang talaga ako, tsaka pauwi na rin ka---------"
"Rashida, kanina pa kita hinihintay sa la------" Putol ng bagong dating na si Sheryl sa sinasabi ni Rashida, nang mapansin siya nito ay bigla nitong itinikom ang bibig. Umiwas ito ng tingin, siya man ay hindi na rin malaman ang gagawin. Bigla na lang naging tensyonado ang atmosphere sa kinaroroonan nilang tatlo. Tumikhim si Rashida, sabay naman sila ni Shé na napatingin dito."Nagkabanggaan kasi kami ni Martyn kaya medyo naantala ang paglabas ko, sorry." Paumanhin ni Rashida.
"It's okay, ahm..... hello, Martyn." Sagot ni Sheryl kasabay nang pagbati nito sa kanya.
"Ah... hi." Tipid na sagot niya.
At para matapos na ang nakakailang at tensyonadong sitwasyong iyon nagpaalam na si Rashida sabay hila sa pinsan nito, lumingon ito sa kanya at tahimik na humingi ng paumanhin, tumango na lamang siya upang iparating dito na okay lang.
Paalis na siya sa corridor nang may mapansin sa sahig na kinabagsakan ni Rashida. He picked it up, blow up picture 'yon ni Rashida. Ginawa nito iyon na book marker, napangiti siya nang titigan ang larawan, her hair in braided pigtails, ang bilog na mga mata nito kulay hazel ang may malalantik at makapal na pilik mata, small pointed nose, and small heart shaped red lips. Bumagay ito sa maliit na almond shaped na mukha ng dalagita. Beautiful,she reminds him of someone. Napangiti siya sa naisip. Umiling siya at iniipit ang picture sa loob ng organizer na dala.
Malapit na siya sa office nila nang makita niyang palapit si Leira. With a smile, "hi," bati niya rito. Nagulat yata ito kaya medyo natigilan pa.
"Oh, hi," nakangiting bati nito sa kanya nang makabawi sa pagkagulat. Sabay silang pumasok sa loob ng opisina, as usual, wala pa ang ibang kasama nila. Ngunit si Jennierose ay andoon na at nakaupo sa isang sulok.
"Good afternoon, Miss Sarmiento," bati ni Leira dito. Nang makita silang magkasama ay agad sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito at kumislap ang mga mata nito na parang tuwang tuwa na magkasama sila.
"Good afternoon, Miss Mendoza," sagot nito. "Ikaw, hindi mo ako babatiin?" Baling nito sa kanya.
"Bakit, kailangan pa ba kitang batiin?" Sagot niya, ngunit ngumiti siya rito at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati. Sabay silang napatingin kay Leira, nakangiti ito habang pinagmamasdan sila. Ngunit nag iwas ito ng tingin nang mapansing nakatingin din sila rito.
"Pretty, isn't she?" Pasimpleng bulong ni Jennierose sa kanya na ikinangiti niya nang malapad at bahagyang tumango.
Naulinigan ni Leira ang "bulong" kuno ni Jennierose, napatingin siya kay Martyn na nakatingin din pala sa kanya at nakangiti. The first time she saw that smile of his, she noticed her heart skipped a beat. At habang nakangiti ito sa kanya sa mga sandaling iyon, parang gumagaan ang pakiramdam niya. At parang nagugustuhan na rin niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Weh! Ano daw?!!!
*******
Pagpasensiyahan niyo na po sana ang chapter three. :D
BINABASA MO ANG
This Love is Mine
Teen FictionThis is my very first try to write, so, I hope you guys would take a little of your time to read this. Comments, criticisms are very much welcome. Offensive comments and criticism, please, keep them to yourselves. Ahmm... thank you, in advance. :)