Chapter Five

29 2 1
                                    

"Will you be my girl, Leira?" Muntik nang bumaligtad si Leira sa kinauupuan sa tanong na 'yon ni Martyn.

Nasa mataas na bahagi sila noon ng Mines View, mangilan-ngilan lang ang mga turista nang mga sandaling 'yon. Katatapos pa lang kasi ng ulan, kaya wala pang masyadong umaakyat sa bahaging iyon ng lugar. From where they are, the view is really breathtaking, mababa ang mga ulap, you could almost hug them. Ang mga ilaw na nagmumula sa mga establishments ay parang mga bituing nagkalat sa kalangitan. Ah, no wonder Martyn took her there, romantic nga naman ang atmosphere doon, lalo at ang ilan sa mga naroong nakikita niya ay puro magkakaparehang magkaholding hands. Napapangiti siya habang iginagala ang mga mata sa paligid, nang bigla siyang tanungin ni Martyn ng ganoon. Tumingin siya rito, kitang kita niya ang pag aalala sa mukha nito dahil hindi siya umiimik.

Sheez! Paano ba ito? Tanong niya sa isip, "ah.. kasi.. ano.. ahm." Ahhhhhhh! Syet! Ano baaaaaaaa?! Tili niya sa isip. Gosh! Hindi siya makapag isip ng matino.

Ngumiti ng malungkot si Martyn na lalong nagpaumid ng dila niya. Ano ba? Makisama naman kayo. Kausap niya sa mga bahagi ng katawan niya. "Mart, ano.. eh.."

"It's okay, Leira." Sabi nito, "ha?" Okay? Anong okay? Tanong niya sa isip niya. Mag inarte ka ba naman kasi ng wagas eh. Natural, mag iisip yan na nahihirapan kang sumagot. Ano ba kasi ang mahirap sa tanong niya? Oo, hindi lang isasagot, eh ang tagal mong magsalita. Kastigo ng malditang tinig sa isip niya.

Balak mo naman na talagang sagutin yang isang yan diba? So, ano ngayon ang pinoproblema mo at hindi ka makapagsalita? Patuloy na sermon ng tinig sa kanya. Eh kasi naman eh. Reklamo niya sa isip, tumigil ka nga sa kaartehan mo babae! Sagutin mo na yan, tutal naman doon din kayo pupunta.

Sabi mo nga, wala naman sigurong kokondena sa iyo kasi nga nagmahal ka lang. So, hayaan mo ang sarili mong maging masaya sa piling ng taong mahal mo. Kung dumating ang araw na masaktan ka, aba eh, sarili mo ang sisihin mo, nang dahil sa pagmamahal na yan hindi ka na nakinig sa mga payo.

Kaya kung ako ikaw, sumagot ka na. Litanya ng kontrabidang tinig sa isip niya. Pinagtakhan niya ang tinig na 'yon, sumang ayon kasi ito sa kanya.

Nagulat pa siya ng ipitik ni Martyn ang daliri sa tapat ng mukha niya, kunot noo niya itong nilingon.

"Akala ko kung saan ka na nagpunta, ang lalim ng iniisip mo eh. Pasensiya na kung nabigla kita."

"Eh.." Hindi pa rin siya makapagsalita dahil sa nakikitang lungkot sa mukha ni Martyn. Bumuntong hininga ito at tumanaw sa magandang tanawin sa harap nila.

Bahala na si Darna, nakapagdesisyon na siya. Sasagutin na niya ito, with that thought. Tumayo na siya mula sa kinauupuan at naglakad pabalik sa direksyong pinanggalingan nila.

Nilingon ni Martyn si Leira, he sighed. Oh well, mabait lang talaga siguro ito kaya pinakitunguhan siya ng maayos. Siya lang ang nag isip na maaaring may gusto rin ito sa kanya kaya malakas ang loob niyang tanungin na ito. Ang masakit lang, ni hindi na nga siya sinagot ng diretso, naglakad pa ito palayo sa kanya, hay! Ano ba ang magagawa niya kung talagang hindi siya mahal nito.

Nang lumingon ito sa kanya ay ngumiti siya, ngunit alam niyang hindi 'yon umabot sa mga mata niya.

Nakangiti si Martyn nang lumingon siya, but his smile didn't reach his eyes. She sighed, then with a smile, she nodded and then she added, "yes."

Nangunot na naman ang noo nito sa iginawi niya.

"What?" Tanong niya kay Leira, "I said, YES! Tayo na." Sagot nito at naglakad na ulit palayo, "Leira, wait!" Pasigaw na tawag niya rito.

Tumigil naman ito at nilingon uli siya, nilapitan niya ito. "What's the "yes" for?" Tanong niya paglapit, "tayo na", sagot nito and started walking away from him, again.

Napapangiti si Leira sa mga pinaggagagawa niya, geez! Ano kayang parusa ang ibibigay nito sa kanya sa kalokohan niyang iyon dito.


Nagtataka na talaga siya sa ginagawa ni Leira, para saan ang "yes" na 'yon? Oh, brother! Hindi ba at tinanong mo siya kanina kung puwede mo na ba souang maging girlfrien? Oh, ngayong sinagot ka na, para ka namang sira na hindi magets ang sinabi niya! Ano ba! Umayos ka nga! Sermon sa kanya ng tinig sa isip. Bigla siyang natauhan sa panenermon na yun kaya hinabol niya si Leira at hinawakan sa braso.

"What?" Nakataas ang isang kilay habang nagpipigil ng ngiti na tanong nito sa kanya. Siya man ay hindi na rin mapigil ang pagngiti, instead of answering her question, he just lowered his head towards her and claimed her mouth, for a brief sweet kiss.

Nang mag angat ng mukha si Martyn ay kitang kita ni Leira ang kakaibang kislap ng mata nito, she couldn't help smiling. "Wala nang bawian yan ha, you're my girl now."


Nakahalik ka na nga eh, babawiin ko pa. Sabi niya sa isip.

Wala na talagang bawian, at wala na rin siyang pakialam kung engaged na ito. Kung sabagay kahit naman noon ay wala na siyang pakialam sa sitwasyon nito, sabi nga nila, ALL IS FAIR IN LOVE AND WAR, at sa kaso nilang 'yon, lamang siya dahil siya ang mahal ni Martyn.

Lahat ng karapatan na manampal ng mga bruhang mang aagaw dito sa kanya, natural, nasa kanya. Kung sakali at makikipag away sa kanya amg fianceè nito, sorry na lang ito, mahal siya ni Martyn at mahal niya ito.

Kaya, walang masama kung pati ito ay masampal niya. Ahehe, pero syempre, hindi niya gagawin yun malibang maunang magpakita ng kabayolentehan ang isang yun. Aba eh, lintik lang ang walang ganti. Hehe! Tiningala niya ito at sumagot nang nakangiti, "wala nang bawian, promise."

He answered her with another beautiful smile, before claiming her lips again, for another sweet and longer kiss.

***************


Aw!! Hayaaaaan! Kinikilig na ang writer kaya, hanggang dyan na lang po ang chapter five. ;)

Insipred by Miaka and Tamahome's kissing scene. Ahehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Love is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon