ZACHEA'S POV
"Let's all welcome! Your favorite famous vlogger! Zachea Kim!" pagkatawag sa akin ng host ay pumunta na ako ng stage para sa performance ko.
"Hi mga ZK's! Hello po tita girl!" bati ko sa isang sikat na host. Umupo na kami sa dalawang sofa. Magkaharap kami ngayon at iinterviewhin niya ako.
"Hello Zachea. Kamusta ka naman na ngayon ay sikat ka na talagang youtuber at lumalabas na sa mga tv show?" matamis na ngiti na tanong sa akin ni tita girl.
"Eto masaya dahil unti unti ko ng natutupad ang pangarap ko" sagot ko sa kanya.
"Good to hear that! Pero maiba tayo, ano ang masasabi mo sa kumakalat na isyu ng isang sikat na swimmer na si Silab Alejo? Nakita kayo ng netizen na magkasama sa isang mall at nagde date daw kayo?" parang kinikilig pa ang host ng itanong niya sa amin 'yun. Syempre ako din kinilig! Pero hindi ko pinahalata dahil ayokong ma isyu ang bebe Silab ko.
"Naku hindi po, magkaibigan lang kami ni Silab. At kaya kami nakita na magkasama sa mall ay dahil kaibigan niya po ang kuya ko at pupuntahan po namin si kuya sa mall" paliwanag ko sa kanya.
"So single ka pa?"
"Yes naman po" sagot ko sa kanya.
"Ano naman ang nararamdaman mo at hindi mo kasama ang iyong ina sa mga milestones na ito. Isa ka nang social media influencer" parang may kumirot naman sa puso ko bigla. Bakit ba ang insensitive ng interviewer? Makapag tanong parang alam nila ang buong buhay mo. Pilit ang ngiti ko siya sinagot.
"Masaya. Dahil alam kong masaya din siya para sa akin" sagot ko. May ilan pa siyang tinanong sa akin at lahat 'yon sinasagot ko hangga't maari.
~Kinabukasan~
"Zach ano ba! Malelate ako niyan eh, bakit kasi kailangan sa akin ka pa sasabay!" mula sa sa labas ng kwarto ko ay naririnig ko ang sigaw ni kuya. Hindi makapag hintay!
Ngayon ang first day ko sa college. Tourism ang kinuha kong course dahil iyon naman talaga ang gusto ko high school pa lang .
"Pababa na!" sagot ko pabalik sa kanya. Inayos ko lang saglit ang uniform ko at ang scarf na nasa leeg ko. Kulay maroon ang blouse ko na may kulay white na guhit sa may kwelyo, pati na rin ang scarf sa may leeg ko. Pencil cut naman ang palda ko at tulad sa blouse ko ay kulay maroon din ito. Tsineck ko din kung suot ko ang kwintas na binigay sa akin ni mommy bago ko kinuha ang bag ko at bumaba na. Naka lugay ang buhok ko na hanggang bewang at sa dulo ay may kulot.
"Napaka tagal mo talagang kumilos" reklamo sa akin ni kuya ng makababa.
"Sorry naman na! Ang hirap kaya mag suot ng stockings 'no!" reklamo ko pabalik sa kanya. Naglakad na kami sa parking ng mansyon at pinatunog naman ni kuya ang susi ng Porche Mecan niya.
"Gusto ko na rin magka kotse" parinig ko kay kuya ng makasakay na kami ng sasakyan niya.
"Edi bumili ka" nakakalokong ngiti ang pinakita niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Habang nasa byahe kami ay binuksan ko muna ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng may nagpop up na notification sa facebook ko.
Gov. Hanre Kim ay tatakbo bilang congresman ngayong taon.
"Tatakbong congresman si Daddy?" tanong ko kay kuya. Pero parang gusto ko ng bawiin ang tinanong ko dahil nakita ko ang paglabas ng mga ugat niya sa braso dahil pinang gigilan ang manibela. Kawawa naman yung manibela.
Siguro ay hindi pa rin nawawala ang galit si kuya kay daddy dahil sa nangyari 2 years ago.
"I"m home--" napatigil ako ng marinig ko ang isang malakas na lagabog mula sa office ni Daddy.
Patakbo akong umakyat agad para malaman kung anong nangyayari pero napatigil rin ako ng marinig ang garalgal na boses ni kuya.
"Ano sumagot ka dad! Sino 'yang kasama mo ha? kabit mo ba 'yan?" sigaw ni kuya mula sa office ni daddy. Sino yung pinag uusap nila? Mas lumapit pa ako sa pintuan para marinig ng malinaw ang pinag uusapan nila.
"Sinabi ko sa 'yo kapartido ko lang ang babaeng 'yan Zhade! Ano ba?"
"Kapartido? Sinong niloko mo? Kapartido pero kahalikan sa loob ng opisina mo? Ah!" napatakip ako ng bibig ng marinig ang malakas na lagabog sa loob ng opisina ni Daddy. Mukhang isa sa kanila ay natumba. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero nung narinig ko ang sinabi ni daddy ay bigla akong napa atras.
"Huwag na huwag mong sasabihin kay Zachea yung nakita mo naiintindihan mo ba!?"
"Bakit? Natatakot ka'ng malaman niya? Huwag 'kang mag alala hindi ko sasabihin ito sa kanya dahil ayokong maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. Wala 'kang kwentang asawa" hindi na pasigaw si kuya pero ramdam mo ang galit niya. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Akala ko naubos na ito nung nilibing si mommy.
Bago pa ako maka alis sa tapat ng pintuan ay biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si kuya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya, tumingin ako sa loob ng office ni daddy, nakasambulat lahat ng mga papel niya roon. Nakita ko rin ang gulat ni daddy ng makita niya akong nasa tapat ng pintuan ng office niya. Pero ang hindi ko inaasahan na may babae na nakatayo sa may sulok ng office ni daddy. Nang ibalik ko ang tingin ko kay kuya ay nakita ko na may dugo sa may kanang labi niya. Namuo ang galit sa puso ko ng makita ko iyon.
"Z-Zach kanina ka pa dito?" nag aalalang tanong ni kuya.
"Yes, and...I heard it all" sagot ko sa kanya.
"Hey don't cry" hinawakan ni kuya ang balikat ko at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.
"That's not what you think Zachea anak"
"Don't call me anak! Who are you?" galit ko'ng tanong sa isang babae sa sulok. Tinuro ko pa siya para alam niya na siya ang kinaka usap ko.
"Zach tara na" hinila ako ni kuya kaya hindi ko na siya nakumpronta. Pumasok si kuya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya doon.
"Are you okay kuya?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang mukha niya para mas makita ang sugat niya roon.
"I'm fine" iniwas niya ang kanyang mukha at pumunta sa kama niya para humiga doon. Tinakluban niya ang kanyang mata gamit ang mga braso. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo at huminga ako ng malalim bago ay kinuha ang first aid kit niya sa may malapit sa pintuan niya.
"Dapat hindi mo na ginalit si daddy. Ayan tuloy, nasapak ka"
sabi ko sa kanya habang binubuksan ang ointment na para sa sugat. Nilagay ko iyon sa cotton buds at dahan dahang dinampi sa sugat niya. Napapangiwi pa siya kapag dinadampi ko ang cotton buds sa labi niya."Aray naman! Dahan dahan naman" reklamo niya. Wala na ang mga braso niya sa mata niya. Nakatitig na lang siya sa kisame ngayon at parang ang lalim ng iniisip.
"Who's that girl?" tanong ko sa kanya ng matapos ko nang gamutin yung labi niya. Hindi agad siya sumagot sa akin.
"Step-mother, may... anak sila Zach"
YOU ARE READING
INVIGORATE (Circle Of Love Series #1)
Teen FictionSi Zachea Kim. Isang famous vlogger sa murang edad pa lamang. Pero ang lahat ng saya na ipinapakita niya sa kanyang nilalabas sa mga video niya ay kabaliktaran sa tunay 'niyang buhay. Pinapatay ng kanyang ama ang ang mommy nila Zach para matakpan an...