"Wow! Si Zachea ba 'yan, dito ba siya mag aaral?"
"Ang ganda niya grabe"
"Sa Tourism department siya! Bagay na bagay sa kanya yung uniform grabe! Sana all!"Ayan ang mga naririnig 'kong sinasabi sa akin ng mga estudyante. Kapag naririnig 'kong pinupuri nila ako ay nginingitian ko sila. Baka isipin nila na suplada ako mahirap na.
Habang papasok ako ng classrom ay nanlaki ang mga mata ko ng may biglang lumipad na itim na bag papunta sa akin. Natumba ako dahil sa lakas ng impak ng pagkaka landing ng bag sa mukha ko.
"Hala! Sorry miss" habang hinihimas ko ang mukha ko ay napatingin ako sa lalaki sa harapan ko.
"No, it's okay" sabi ko habang minamasahe ang noo ko. What a welcome first day!
"Tulungan na kita. Sorry talaga" nilahad niya ang kaliwang kamay niya sa harap ko. At dahil hirap ako makatayo dahil nakaheels ako at palda ay tinanggap ko na ang kamay niya. Hinila niya ako patayo pero ng makatayo ako ay nawalan naman ako ng balanse kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Napahawak naman siya sa bewang ko kaya parang nagkayakap kami. Ang tigas naman ng dibdib nito, tao ba itong hinahawakan ko?
"Uy Dron ano yan ha?!" napahiwalay ako sa lalaki ng sitahin siya ng kaibigan niya siguro.
"T*ng* mo kasi sumalo ayan tuloy natamaan siya. Tinulungan ko lang" turo niya sa akin. Kinuha ko na lang ang bag ko at ng nilibot ko ang buong classroom ay lahat sila nakatingin sa amin dito sa harapan.
Hindi ko na kinausap yung Dron, 'yun kasi ang tinawag sa kanya. Umupo na lang ako malapit sa may bintana. Habang papunta ako sa may upuan ko ay nagbubulungan pa ang mga classmate ko. Nang maka upo ako ay chamba na umupo naman sina Dron at ang kaibigan niya sa likod ko. Nagulat pa ako ng biglang magtilian ang mga classmate kong babae at ng tignan ko ang pintuan ay nakita ko ang seryosong si Silab papasok ng classroom. Shocks! magiging classmate ko pa ata 'to ah.
Nilibot niya ang mata niya sa classroom at ngumiti siya nang makita ako at tumabi sa akin. Nakita ko ang dismayadong mga mukha ng mga nagsipag tilian sa kanya. Akin na siya mga classmates! 'Wag na kiligin, masasaktan lang kayo. Chareng!
"Uy! Zach, Tourism din pala ang course na kinuha mo?" masaya niyang tanong sa akin ng maka upo siya.
"Uh, Yes" nahihiya ko'ng sagot. Pakipot tayo ng medyo bahagya!
"Silab pre!" napalingon ako sa likod ko ng tawagin ni Dron si Silab.
"Uy! Kamusta? Nandito pala ang champion ng swimming, Provincial Division diba?" Proud na sabi ni Sibal.
"Ah oo" nahihiyang sabi ni Dron, kumamot pa siya ng ulo niya.
"Ay si Zachea nga pala, Zach si Kydron ka team ko sa swimming" pakilala ni Silab sa akin. Tumingin ako sa lalaki at pilit ko siyang nginitian. Nakakunot ang noo niya sa akin habang tinititigan niya ako. Ang awkward tuloy kasi titig na titig siya sa 'kin.
"Alam mo, familiar ka" nagdrawing pa siya ng bilog sa hangin.
"Sikat siyang vlogger pre" sabi ni Silab. Natawa naman ako ng mag form ang bibig niya ng 'O'.
"ZK'S! Ahh ikaw yung naiissue dito kay pareng Silab!" tinuro niya pa ako.
"Yeah, pero hindi totoo yun ah" tanggi ko agad sa kanya.
"Okay sabi mo eh, sorry nga pala ulit kanina ah. Eto kasing si Awy eh. Tangek sumambot" tumatawa niyang sabi.
"Okay lang. Hindi naman ganoon kasakit. Konti lang" pinakita ko pa ang sukat sa kanya na 'konti' gamit ang daliri.
"Bakit? Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Sibal.
"Hi Sibal!" napalingon kami sa babaeng lumapit sa pwesto namin. Nang makita ko ang babaeng iyon ay napairap na lang ako. Pati ba naman dito? Tss.
"O, dito ka din ba Leyn?" tanong ni Sibal sa kanya.
"No, I heard kasi na you are here so I visit you" malanding sabi ni Leyn.
Maleyn Quinco. Anak ng isang sikat na may ari ng hotel sa pilipinas. Siya ang bestfriend ko dati noong mga bata pa lang kami. Pero simula nang sumikat ako ay naging magkaaway kami.
Zachea Kim na isang famous vlogger. Ginagamit ang pagiging sikat para makapag landi sa mga lalaki sa kanyang eskwelahan.
"Ano ito Leyn? Bakit ka gumawa ng isang dummy account para lang iback stab ako? Ano kasalanan ko sa'yo?" galit na tanong ko sa kanya. Hindi na siya makatingin ng daretso sa akin habang hawak ko ang cellphone niya kung saan naka post ang isang issue sa akin.
"SAGOT!--"
"Kasi lagi na lang ikaw! Nasa'yo na ang attention ng mga classmates natin tapos pati si Sibal? Alam mo naman na gusto ko siya tapos aaligid aligid ka pa purkit kaibigan siya ng kuya mo!" mangiyak ngiyak na sabi niya sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata niya ng sabihin niya sa akin iyon. Sobrang nakakadissapoint.
"Dahil lang doon? How pathetic you are to do this shit! Bakit hindi mo na lang ako kinompronta!? Bakit kailangan mo pa magkalat ng walang kwentang story! Kaya ko namang lumayo kung sasabihin mo sa 'kin e" binato ko ang cellphone niya sa lapag. Nagulat siya sa ginawa ko pero dahil sa galit ko ay inapakan ko pa 'yon at dinurog pa lalo. Hayop ka Leyn.
"Hey! Anong ginagawa mo!? Itigil mo 'yan!" tinulak niya pa ako. Umiiyak na siya ngayon. Putek, naawa ako sa'yo pero nangingibabaw yung galit e.
"Ano feeling na inapakan ko ang bagay na mahalaga sa'yo?" nanggigil na tanong ko sa kanya. Pinulot niya ang cellphone niya durog na.
"Gusto kita saktan Zach" matapang na sabi niya.
"Sa tingin mo? Anong nararamdaman ko ngayong maraming tumatapak sa pagkatao ko? Malandi na ako sa paningin ng mga tao Leyn. Cellphone lang 'yan pero gusto mo na ako saktan? Ako? na kaibigan mo. Hindi mo manlang naisip yung mga pinag samahan natin tapos dahil lang sa mga kagutuhan mo, sinira mo ng gano'n gano'n lang. Sana maging masaya ka sa ginawa mo" sabi ko sa kanya at nilayasan na siya. Pagkaalis ko ay doon na bumuhos ang mga luha ko. Napasandal na lang ako sa pader ng cr namin at doon umiyak ng umiyak.
Sobrang tagal na nati'ng magkaibigan Leyn. Para na tayong magkapatid dahil sa sobrang close natin pati na ng pamilya natin. Tapos dahil lang sa lalaki at atensyon ng mga tao, nagkalat ka ng ikakasira ng pangarap ko. Hindi ako papayag na ikaw ang makakasira Leyn. Ayokong gantihan ka dahil kahit na trinaydor mo ako ay kaibigan pa rin kita. Fake Friend.
YOU ARE READING
INVIGORATE (Circle Of Love Series #1)
Fiksi RemajaSi Zachea Kim. Isang famous vlogger sa murang edad pa lamang. Pero ang lahat ng saya na ipinapakita niya sa kanyang nilalabas sa mga video niya ay kabaliktaran sa tunay 'niyang buhay. Pinapatay ng kanyang ama ang ang mommy nila Zach para matakpan an...