PROLUGUE

9 0 0
                                    

Zachea's POV


"Zach baby, 'eto ang gift ng mommy sa iyo! Happy birthday baby!" masayang binigay sa akin ni mommy ang isang kwintas kung saan merong naka ukit sa pendant na ZK.

"Wow mommy thank you dito!" masaya kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh kain ka na rito. Binake ko ang cake na 'to" hinila ako ni mommy sa may kusina. Napa 'wow' na lang ako ng makita ko na parang nag karoon ng fiesta dito sa bahay dahil sa dami ng handa.

"Nasaan si Daddy?" tanong ko sa kanya. Nawala ng saglit ang ngiti sa labi ni mommy pero agad din siyang
ngumiti.

"Nasa work pa Zach" sabi niya habang nagsasandok ng spaghetti sa plato.

"Wow ang bango naman!" napalingon ako sa may pintuan ng kusina ng marinig ang boses ni kuya.

"Zhade, nandito ka na pala. O kumain ka na rin dito sabay na tayong tatlo bili! Ihihipan pa ni Zach ang kandila!" excited na sabi ni mommy.

Umupo na si kuya sa may lamesa at nilapag naman ni mommy ang cake sa harap ko at sinindihan. Kumanta sila ng happy birthday at bago ko hinipan ang kandila ay pumikit muna ako bago ay nagwish. Sana maging masaya ang pamilya namin at palaging magkakasama. Pumalakpak pa sila kuya at mommy at nagsimula na kaming kumain.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa 'dyan ha. Pupunta lang ako ng office" paalam sa amin ni mommy. Nagbeso siya sa aming dalawa ni kuya bago umalis.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ng mga kasambahay ang pinag kainan namin at ako ay umakyat na sa aking kwarto. Nagpalit ako ng komportableng damit at nilagay ang uniform ko sa labahan. Habang nasa higaan ako ay tinitignan ko isa isa ang mga bati sa akin ng mga fans ko at ng mga not so true friends. Yung iba at nirereplyan ko ng thank you pero yung iba binibigyan ko na lang ng heart react kasi naman sa dami nito ay mapupudpod yung mga hinlalaki ko e.

"Hi mga Zk's! So gusto ko lang mag thank you sa lahat ng bumati sa birthday ko! Hindi ko na kayo marereplyan lahat but nabasa ko ang lahat ng pagbati niyo! So today's vlog, mag cocover tayo ng isang bagong kanta na marami sa inyo ay nirerequest itong kantang ito" parang taong kinaka usap ko ang aking camera kahit wala naman talaga akong kausap.

"Hey Zach, O gift ko sayo" inabot niya sa akin ang isang t-shirt na malaki. Pinatay ko muna ang camera ko bago ko tinapon sa kanya pabalik yung t-shirt. Kulay black ang shirt na iyon.

"Ang pangit naman ng regalo mo sa akin!" reklamo ko sa kanya.

"Aray ko naman! Baka kapag nalaman mo kung kanino galing itong t-shirt e, bayaran mo pa ako para makuha ito" binuklat niya ang tshirt at sa may kaliwang dibdib ng t-shirt ay may nakasulat na maliliit na letra kaya naningkit pa ang mga mata ko para lang mabasa ang nakasulat roon pero nanlaki rin bigla ng mabasa iyon.

"Shit! Swimmer! O!M!G! kuya akin na 'yan! Binabawi ko na yung sinabi ko" hindi niya pa inaabot sa akin ay hiblot ko na sa kanya yung t-shirt. Inamoy ko pa ito at halos mahimatay ako ng maamoy ko ang pabango ni Silab doon.

"Patay na patay ka talaga kay Silab 'no? Hoy babaita, ireremind lang kita na crush lang ang pwede sa kaibigan ko ha" dinuro niya pa ako pero binelatan ko lang siya.

Silab Alejo. Isang athlete sa school namin. Kaibigan siya ni Kuya Zhade kaya malapit rin ako sa kanya. Maraming nag kakagusto kay Silab at isa na rin ako roon. Kumpleto ko ang lahat ng competition niya sa iba't-ibang lugar. Wala akong pake alam kung malayo yun dahil may kotse naman at may driver kaya hindi ako yung napapagod.

"KJ mo kamo kuya! Umalis ka na nga! Magvivideo pa ako" piang tulakan ko pa siya hanggang pintuan.

"Oo na! Basta tandaan mo yung sinabi ko ha! 3rd year highschool ka pa lang! Wala munang lovelife, lovelife na 'yan!"

"Luh! Nagsalita ang hindi malandi!" sigaw ko sabay pinagsarhan siya ng pintuan. Panigurado ay gagantihan niya ako kung hindi ko pa siya pagsasarhan ng pintuan.

"IKKK! ang bango talaga ni Silab" niyakap ko pa ang damit at inimagine ko na kayakap ko siya. Matipunong katawan, matangkad, mabango. "My gosh! nababaliw na ako sa kanya peste" nilapag ko ang damit sa aking kama at binuksan na ulit ang camera ko para ipagpatuloy yung video na ginagawa ko kanina.

I am a famous vlogger. Dati noong nagsisimula pa lang ako sa youtube industry ay 2st year highschool pa lang ako. Kung ano anong kaek ekan lang ang ginagawa kong content dati pero ngayon ay gumagawa na ako ng mga cover ng kanta, travel vlogs at kung ano ano pa 'ring kaek ekan sa buhay.

Dati ay tutol pa ang aking daddy sa pagiging vlogger ko dahil nangangamba siya na baka may kung anong kabalastugan akong gawin at masira ang pangalan niya. Isang mayor si daddy kaya bawat galaw namin ni kuya ay may limitasyon. Minsan ay parang ninja pa si kuya kapag gagala at pupunta sa isang bar. Gumagamit siya ng ibang pangalan kapag makikipagkilala sa kung sino. Ganoon kahigpit si daddy sa amin.

"So mga Zk's! nagbabalik ako at sisimulan na natin ang ating--"

"Zach! Buksan mo 'tong pinto!"

"Peste naman! Nagvivideo yung tao eh!" sigaw ko at pumunta na sa pintuan at piangbuksan si kuya. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga mata niyang namumula.

"Z-Zach si m-mommy" hindi maituloy ni kuya ang sasabihin niya. Bigla akong kinabahan ng banggitin niya si mommy.

Si mommy ang pinaka close namin ni kuya kesa sa kay daddy. Dahil si mommy ay palagi kaming sinusuportahan sa mga gusto namin basta hindi nakakasama sa amin. Hindi katulad ni daddy na parang lagi kaming kinokontrol.

"Anong nangyari kuya?" tanong ko sa kanya.

"Si mommy Zach. Patay na"

INVIGORATE  (Circle Of Love Series #1)Where stories live. Discover now