3

1 0 0
                                        



"Sabay ka na sa'min kumain Zach. Kasama namin si Zhade sa lamesa" anyaya sa akin ni Silab. Kakatapos lang ng dalawa naming subject. Isang major na halos dalawang oras at minor na isang oras ang klase.

"Okay. Baka maissue nanamn tayo niyan ha" paalala ko sa kanya.

"Pabor naman sa'kin yun" parang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Bukod sa mga kaibigan ni kuya ay wala na akong kahit na sinong kinaibigan. Nakakadala lang kasi. Mahirap ng magkaroon ka ng kaibigan na tunay. Tanggap ka sa kahit na ano at susuportahan ka sa mga gusto mo. Limited edition lang yung mga kaibigang tunay.

"Epal mo" sagot ko sa kanya at tumingin ako sa dalawa pa naming kasama na sina Kydron at Awi.

Habang naglalakad kami ay napapatingin sa amin ang mga estudyante at bigla bigla na lang bubulong sa katabi. Magbubulungan tapos rinig din naman ano pa use diba? Karamihan sa kanila ay kinukuhanan pa kami ng litrato ni Silab ng patago. Mukhang bagong issue nanaman ito mga kababayan!

"O! Ayun sila!" tinuro ni Kydron sila kuya at ang isa niya 'pang kaibigan na si Lincoln. Parang gusto 'kong umatras bigla ng makita si Leyn doon sa may tabing table nila kuya. May mga kasama pa siyang dalawang kuto--este dalawang friends niya ata iyon.



Nang makita niya kami na magkasama ni Silab ay kita ko ang inis sa mga mata niya. Napa smirk na lang ako dahil sa reaksyon niya. Hanggang ngayon ay nakikipag kumpetensya pa rin siya sa akin.  Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang sa lamesa nila kuya.


"Hi kuya!" bati ko sa kanya sabay kuha ng burger niya.


"Hey!" sita niya sa akin pero nakagatan ko na kaya no choice na siya.


"May babae ka pa lang kapatid boss Zhade?" tanong ni Kydron kay kuya.


"So?" mataray na tanong ni kuya.


"Luh! May period ka nanaman Zhade ha" pabirong sabi ni Kydron. Parang sobrang close na nila.


"Leche" sabi ni kuya. Mukhang nabadtrip siya simula pa nung sa kotse ah. Hays bakit pa kasi tinopic ko pa 'yun e. 'Yan tuloy.


"Training tayo mamaya Ky sabi ni Coach" pag iiba ni Awy ng usapan.


"Mag tetraining pa mananalo din naman" Proud na sabi ni Silab.


"Wow nagsalita ang Gold Medalist ng National Championship" natatawang sabi ni Kydron. Kumagat pa siya ng burger niya sabay uminom ng juice niya.


"Napaka humble mo naman. Baka kunin ka 'niyan ng langit ah"


"Nagsasabi lang ng totoo pre"


"Magkakaklase ba kayo'ng apat?" biglang tanong ni kuya sa amin.


"Oo pre. Swerte nga ng section namin eh. Dalawang sikat nasa iisang room lang" masayang sabi ni Awy.


"Bantayan niyo 'tong babaeng 'to ha" seryosong sabi ni kuya. Sinaamaan ko naman siya ng tingin dahil kung makaturo sa akin, wagas.


"Ano akala mo sa'kin bata? Tss" mataray na tanong ko sa kanya.


"Hindi. Pero ang dami umaaligid sa'yo e. Ang daming wild animals na gusto kumain ng fresh meat kaya makinig ka na lang" sabi ni kuya sa akin.


"Napaka over protective mo naman kuya Zhade" loko ni Kydron kay kuya.


"Oo nga, college na yan si Zach. Hayaan mo'ng mag boyfriend" sambit ni Silab.


INVIGORATE  (Circle Of Love Series #1)Where stories live. Discover now