CHAPTER 9: Her HeartBreak

6 0 0
                                    


SAMANTHA POV:

Papunta sana ako sa garden para puntahan si Jess. Dun ko kasi siya iniwan eh. Sabi ko bibili lang ako ng foods namin ..

Nang malapit na ko sa garden, nakita ko na si Jess pero hindi siya nag-iisa ..

Kasama niya si Chad?

Mukhang close na talaga sila ahh. Sa di kalayuan, nakita ko naman si .. EDWARD? O____O

nakita ko siyang nakatingin kila Jess at Chad na masayang nag-aasaran.

Pero teka, Umiiyak ba siya? Nilapitan ko siya pero sa sobrang pagtitig niya kila Jess hindi niya namalayan na nasa likod na niya ko.

"Edward?" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. Pero hindi ko inaasahan yung makikita ko ..

Umiiyak nga siya .. :(

"Samantha .." Nagulat ako ng bigla na lang niya kong niyakap.

"Samantha .. *singhot* ang sakit .. sobrang sakit *singhot*" sabi niya habang umiiyak pa rin.

"Shhh.. tahan na edward" wag ka nang umiiyak, nasasaktan rin ako eh lalo na kapag nakikita kang umiiyak.

------------------

@ROOFTOP

Nasa rooftop kami ngayon ni edward. Tumigil na siya sa kakaiyak. Tahimik lang kami.

"Sorry .." mahina niyang sabi

"For what?"

"Sorry .. kasi naabala kita. Sorry kasi sinamahan mo pa ko dito para lang umiyak." Nakayuko niyang sabi.

"Wala yun, magkaibigan tayo di ba? Para san pa yung ilang years nating pagkakaibigan di ba?"

Silence ..

Silence ..

Silence ..

Silence ..

"Dahil ba kay Jess?" Pwede pa lang pangunahan ka ng bibig mo noh?

"Huh?" Tanong niya. This time, nakatingin na siya sa akin.

"Si Jess ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Ulit kong tanong sa kanya.

Silence ..

"*sigh* Bakit ko pa nga ba tinanong? Ang tanga ko rin eh noh?" Naiiyak na ko. Pero ayokong umiiyak sa harap niya.

"Sorry .."

"Sorry? Bakit ka naman nagsosorry?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko rin .." ^_~ mabatukan nga toh..

"Aack! What's that for?" Inis niyang tanong.

"Nagsosorry ka ng walang dahilan? Tanga lang?"

"Tss. -__-"

Silence again ……

A-W-K-W-A-R-D >_

"ang sakit pala noh? .. makitang masaya yung taong mahal mo kasama ng taong mahal niya" oo masakit talaga alam ko yang pakiramdam na yan.

"Bakit?" Tanong ko. Halatang nagulat siya sa tanong ko.

"Bakit si Jess pa?" Bakit siya pa edward?

"Hindi ko rin alam" sagot niya sabay iwas ng tingin.

"Mahal mo ba talaga siya?" Samantha Smith! Bat pinapahirapan mo pa yung sarili mo.?

"Oo .." Ouch

"Gaano mo ba siya kamahal?" Sam, bakit mo sinasaktan yung sarili mo? :(

"Sobra .. to the point na kaya kong ipaubaya siya sa iba para lang sumaya siya"

"Kaya mo siyang ipaubaya? Kahit na masaktan ka? Kahit masakit para sayo?" ganun mo ba talaga kamahal si jessica?

"Oo .. ganun ko kasi siya kamahal. Kaya kong magsakripisyo para lang sumaya siya" Naiiyak niyang sabi.

"Hmm .. A-ang S-swerte Pala ni Jess"

Naiiyak na ko. Ang sakit. Sobrang sakit marinig yan mula sa taong mahal mo. Sobrang sakit na makitang nasasaktan siya para sa taong mahal niya. T_____T

"Alis na ko, baka hinahanap na ko nila alexa at jessica" Naiiyak na talaga ako. Ayokong umiiyak sa harap niya. Ayokong maging mahina sa harap niya.

Bago ako umalis, nagsalita siya ..

"Thanks Sam .." Nakangiti niyang sabi. Fake smile.

"Marami pang iba dyan edward. Wag mong isara yung puso mo para sa iba. Minsan nasa harap natin yung taong mahal tayo, pero hindi lang natin napapansin kasi nakatuon yung buong atensyon natin sa taong hindi naman tayo kayang mahalin" 

Tumakbo ako pababa ng Rooftop at dumiresto sa bahay.

Gusto ko munang mapag-isa ..

------------------

Are True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon