CHAPTER 16:Goodbye for now..

9 0 0
                                    


SAMANTHA POV:

@SCHOOL

6:30 AM nandito na ako sa school samantalang 8:00 pa naman yung pasok ko.

Dahil sa maaga akong pumasok, eto kaunti pa lang yung mga students dito sa school. Hindi naman kasi napasok ng maaga sila Jess at Lex eh.

Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Edward ..

"Hi .." Nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"aga natin Ms. Sungit ahh"

"Ang aga aga aasarin mo ko?!. Tsk." Kaasar toh >_

"Hahahaha. Sige, see you na lang sa room. Bye" paalam niya sa akin.

"Samantha !" Nagulat ako nung tinawag niya ko. Lumingon naman ako agad sa kanya.

"Thanks" nakangiti niyang sabi. Tsaka tuluyang umalis.

Thanks? For what?

Bakit parang wala lang sa kanya yung nangyari last night? Nakamove-on na ba siya?

Ano ka ba Samantha,

Halata naman sa kanya na ..

Nagpapanggap lang siya na masaya siya eh. Aish. Ewan.

Magkaibigan nga talaga sila ni jessica, parehas silang magaling magtago ng nararamdaman nila.

------------------

EDWARD POV:

5:45 AM pa lang nasa school na ko,hindi ko kasi feel yung atmosphere sa bahay eh.

Walang magawa sa bahay eh kaya pumunta na lang ako sa school ng maaga nang makasalubong ko si Sam ..

"Hi .." nakangiti niyang bati sa akin. Ang cute niya.Pero mas cute siya kapag naasar Hahaha.

"Aga natin Ms. Sungit ahh!"

"Ang aga aga aasarin mo ko?!. Tsk."

"Hahahaha. Sige, see you na lang sa room. Bye" Actually, gusto ko muna talaga mapag-isa eh.

Ayoko naman istorbohin si Samantha, nakakahiya na sa kanya eh. Ay! Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.

"Samantha !" Sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya agad.

"Thanks " sabi ko sa kanya sabay talikod na. Kita sa mukha niya na nagtataka siya hahaha. ^__^

--------------

@Room

Pagkapasok ko sa room wala yung iba, umupo ako sa upuan ko at nagsoundtrip na lang ..

Maya-maya lang dumating na si Chad. Umupo siya sa tabi ko.

"Good Morning" bati ko sa kanya.

"Morning .." sagot niya. Actually, Gusto ko talaga makausap si chad eh.

"Hmm .. chad ..?" Lumingon naman siya sa akin.

"Can i ask favor?"

"Sure. Ano yun?"

"Pwede ko bang hiramin si Jess?" Halata sa kanya na naguguluhan siya. Nakakunot yung mga kilay eh.

"Hiramin? Bat ka naman nagpapaalam sa akin? Ano namang karapatan ko na pagbawalan siya?" Sagot niya.

Tsk. Nagdrama ang loko.

"Aaaaayuuun .. drama mo pre ! Haha. Bat di mo pa kasi ligawan?"

"Ligawan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Are True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon