CHAPTER 11: Bestfriends

7 0 0
                                    


JESSICA POV:

Lumabas ako ng office ni lolo para umuwi na sa bahay. Dinahilan ko na lang na masama yung pakiramdam ko.

Pagkadating ko sa bahay ..

"Good Evening Ma'am Jessica" bati sa akin ni manang.

"Manang, hindi pa po ba bumaba si Sam?"

"Hindi pa po ma'am. Simula po kanina." Aish.

"Pakidala na lang po sa kwarto ko tong gamit ko manang"

"Sige po ma'am"

Dumiresto ako sa kusina para magluto. Anong tingin niyo sa akin? Hindi marunong magluto? Tinuruan yata ako ni MoM.

Nagluto lang ako ng Favorite ni Sam. Sinigang na baboy. Panigurado ako gutom na yun.

Umakyat ako sa kwarto niya. Kumatok ako.

"Manang sinabi nang ayoko ng istorbo eh!" Sigaw niya. Pumasok naman ako. Nagulat siya sa akin.

"Jess? Nandito ka na? Mamaya pa uwian ah?"

"Sinabi ko kay lolo na masama yung pakiramdam ko"

"Ahh. Magpahinga ka na" hihiga na sana ulit siya. Nang bigla akong magsalita..

"Hanggang kelan mo balak hindi kumain?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong balak kumain" genern?

"Talaga? Sayang nagluto pa naman ako ng paborito mo" napalingon naman siya sa akin.

"Ikaw nagluto?" Tumango naman ako.

"Sayang naman. Ako na lang kakain. Sige magpahinga ka na" lalabas na sana ng kwarto niya kaso ...

"Jess! .." Sabi ko na nga ba eto lang katapat mo eh.

"Ohh?"

"P-patikim N-nga K-ko N-nyan…" whahahahah. I win ^__^ maasar nga toh.

"Akala ko ba wala kang balak kumain?" ^_~ Hahahah.

"Tss. " Lumapit ako sa kanya.

"Ano bang nangyari? Lahat kami nag-aalala na sayo, lalo na si tita margot"

"Sorry .." sorry? Tss. Yan lang ba sasabihin niya?. Pero siguro nga ayaw talaga niyang sabihin sa amin.

Di ko na lang siya pipilitin ..

"Jess .." tawag niya sa akin

"Hmm?"

"Babalik na muna ako sa bahay namin .." seryoso siyang sabi.

"Ahhhh" yan na lang yung nasagot ko.

"Okay lang kung aya-" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Noh ka ba! Okay lang!. Nandyan lang naman sa tabi ng bahay namin yung bahay niyo eh"

Yes, magkatabi lang yung bahay namin. Sa right side yung bahay nila sam.

Sa left side naman bahay nila Lex. Bali nasa gitna yung house namin. Nagsama pa kami sa iisang bahay kung magkakatabi lang naman yung bahay namin. Weird right? Haha.

Long story ..

"Hahahaha. Oo nga noh" -Sam

Nagtawanan lang kami ni Sam habang kumakain siya. Nagutom siguro talaga toh. ^____^

----------------

ALEXA POV:

Nasa room ako ngayon. Pero wala si Jess. Nalaman ko na lang na umuwi pala siya.

Masama daw ang pakiramdam. Naguguilty tuloy ako :(

Ano ba kasing pumasok sa utak ko at hindi ko pinapansin si jessica eh -_____- ..

After one hour, natapos na yung lecture ng boring kong teacher. Tss. Science ang subject namin ngayon.

Ewan ko ba kay Jess. Kung bakit gustong-gusto niya ang science -____-.

Uuwi na nga lang ako. Magsosorry pa ko kay jessica eh.

-----------------

@BUENCAMINO'S RESIDENCE

"Good Evening Ma'am Alexa"

"Good evening po manang, asan po ba sila Jess at Sam?"

"Nasa kwarto po ni Ma'am Sam." Pagkasabi nun ni manang dumiretso na ako sa room ni Sam.

Nasa tapat pa lang ako ng pinto ng kwarto ni Sam, naririnig ko na ang tawa ni Samantha.

Mukhang masaya sila ahh? Binuksan ko yung pinto, masayang nag-uusap yung dalawa.

Nang mapansin ako ni Sam ..

"Ohh! Lex! Kanina ka pa dyan?" -sam

"Hmm .. hindi naman. "

"Buti dumating ka na Lex kanina ka pa namin hinihintay eh" nakangiting sabi ni Jess.

Bakit ang bait bait mo jess?parang wala lang sayo yung nangyari? Bakit hindi ka magalit sa akin?

"Ah .. ano .. kasi .." tumayo yung dalawa sa kama at hinila ako papasok sa kwarto ni Sam.

"Hahahaha .." sabay naming tawa. Ang weird ba namin? Ganyan talaga kami. Pagpasensyahan.

"Kumain ka na ulit Sam, kaw Lex? Gusto mo kumain na rin?" Tanong ni Jess.

"Hmm .. busog pa ko."

"Si Jessica nagluto Alexa!" -sam

Minsan lang kasi magluto si Jess. Pero masarap tong magluto. Magaling rin kasi magluto si Tita Janine.

"Talaga? Patikim nga!" Sabi ko sabay tikim ng niluto ni jess.

"Ang Sarap di ba?" -jess at Sam. Tumango lang ako. Bigla na lang tumulo yung luha sa mata ko. Sobrang bait talaga ni Jessica ..

Lalo tuloy akong naguguilty. Napansin nilang umiiyak ako.

"Uy! Alexa b-bakit ka umiiyak?" Natataranta nilang tanong ..

"W-wala .. N-namiss ko lang si Mommy .." Yung na lang yung dinahilan ko. Nagulat ako ng yakapin nila akong dalawa ..

"Shhh .. tahan na Lex" -Jess

"Wag ka nang umiiyak Lex, di bagay sayo!" Biro ni Sam.

"Che! Ewan ko sayo !"

"Hahahaha. " -Sam at Jess.

"Nga pala Lex, babalik na ko sa bahay namin. Namimiss na daw ako ni mom eh" -Sam

"Talaga? Babalik na rin sana ako sa Bahay eh. Uuwi kasi si Mom"

"Talaga? That's great" -Sam.

Napansin naming biglang tumahimik si Jessica.

"Jess. Nalulungkot ka ba kasi babalik na kami sa bahay namin?" -Sam

"Tangek! Nasa kabila lang naman mga bahay niyo eh" Eh bakit siya umiiyak? Praning ka ba tong si Jess?

"Eh bat ka umiiyak?" -ako

"Masaya lang ako sa inyong dalawa ^___^" nakangiti siyang sagot.

Niyakap na lang namin siya ni Sam. Ang galing talaga magtago mg nararamdaman nitong ni Jess.
Alam naman naming nalulungkot yan eh. Tss.

-------------------

Are True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon