CHAPTER 12: Chad Kilig Moments Part I

9 0 0
                                    


CHAD POV:

Nandito kami ngayon ni Charles sa Kwarto ko. Busy sa kung anong ginagawa niya sa Laptop ko -____-

Meron naman siya nanghihiram pa sa akin. Tss.

"Tanda!" -siya

"Yah! Sabi ko sayo wag mo tong tatawaging tanda eh!" Kahit tahimik yang si Charles pasaway din yan. May pinagmanahan eh.

"Bakit? Matanda ka naman talaga ah? Mas matanda ka sa akin di ba?"

"Parang isang minuto lang eh. Tss." Oo, isang minuto lang KAMBAL po kasi kami eh. Di ba halata?

"Okay. Iiyak ka na eh!" Natatawa niyang sabi. ANO?! Sapakin ko kaya toh >_<

"Hahahaha. Joke lang. ^_^" joke mo mukha mo Tsk.

"Tinawag mo ba ko para asarin lang?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi" eh?

"About kay Jess .." napatayo naman ako sa pagkahiga ko sa kama ng marinig ang pangalan niya.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Anong About sa kanya?"

"Tsk. Inlababo ka noh?"

"Pwede ba sagutin mo na lang yung tanong ko!" Kainis toh. Palibhasa siya may gusto kay Alexa eh. Hihihi. Secret lang yun ah.

"Aish. Nagresearch lang naman ako about sa kanya .." research? Stalker ba siya?

"Oyy! Di ako stalker ahh! Yang mga tingin na yan ! Alam ko ibig sabihin niyan!!!"

"Defensive. Tsk. Ohh, ano nang tungkol sa kanya?"

"Mayaman pala talaga ang family niya. Ang Daddy niya si Mr. Johnny Buencamino, The CEO ng Buencamino Group of Companies."

"Tapos? .."

"Mommy si Dr. Janine Buencamino, ang head Doctor ang Buencamino hospital na pagmamay-ari ng Lolo niya .."

"Then ..?"

"Lolo niya si Mr. Steve Buencamino, ang owner ng School natin. At eto pa Si Jessica lang ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya niya."

"Wala siyang kapatid?"

"Nag-iisa nga di ba? Tanga lang talaga?" Sarkastikong sagot niya.

"Kung batukan kaya kita di ba?" Tss.

"Pero teka lang,Hindi lang pala kilala si Jess bilang anak at apo ng Buencamino Company. Kilala rin siya dahil sa pagiging matalino niya. She's the Valedictorian nung elementary at high school siya."

"Wow! Ang talino pala talaga niya!"

"Kilala rin siya bilang model sa Fashion industry ng Family nila Alexa. And Magaling siyang Kumanta at mag gitara, natutunan niya daw sa Lola niya."

"Ang daming achievements pala ang nadadala niya sa pamilya eh."

"Ang swerte pala talaga ni Jessica"

Nagresearch pa si Charles pero about naman kay Alexa at Sam. Stalker ang lagay niya eh. Avid Fan? Hahaha

Isang oras din ang lumipas at naisipan nang umalis ni Charles sa kwarto ko.

Nag-open muna ako ng Fb. Ma-add nga sila Jessica.

Pag sign-in ko WoW! Ang daming notif. At friend request. Iba ng gwapo Whahahah.

Hinahanap ko yung profile nila Sam At Alexa Friend na pala sila nila Charles at Rovic eh.

Nung hinahanap ko na yung account ni Jessica. May nakita akong Fanpage. Sikat talaga siya.

Nagtingin tingin lang ako. Ang dami niyang pic. Karamihan stolen shots.

Nung nahanap ko na yung Account ni Jess. Inadd ko na. Tapos tinignan ko yung mga albums niya.

Ang daming pic. Di naman siya mahilig magselfie noh. May mga albums na kasama niya yung parents niya.

Albums kasama sila Sam at Alexa at albums kasama Si ..

Edward ..

May mga pictures sila nung mga bata sila. Magbestfriend nga talaga sila.

Maglolog-out na sana ako kaso may Notification na nag-appear. Tinignan ko,

Jessica Buencamino Accepted your Friend Request. You can now see what she shares with her Friends..

O_____O

O_____O

^___________^

Inaccept niya talaga? ^_______^ 

-------------

Are True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon