[03] ♥ 10 Condition

160 5 3
                                    

*SECRET 03*

Kim's POV

{Soo-Dee University}

Nandito na ako sa SDU, maaga kami ni Jaye na pumasok, nandito kami sa bench.

Hindi muna kami pumunta sa room kasi masyado pang maaga, pahangin nalang muna kami ni Jaye dito sa bench.

"Kim.." Biglang nagsalita si Jaye.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ba nawawala sa isip mo si Kurt?" Tanong ni Jaye, agad namang nanlaki ang mata ko.

"Wag kang maingay, baka may makarinig sayo.." Sabi ko ng tumitingin-tingin pa sa paligid.

"Oo na.." Sabi nya at tumahimik na.

(Silent for a second...)

Okay, segundo pa lang naman eh, hindi muna ako magsasalita..

(Silent for a minute...)

Minute pa lang naman eh, baka magsasalita na sya..

(Silent for an hour...)

Hala! Grabe naman ata to! Ako na nga lang ang magsasalita!

"Jaye, wala kang planong magsalita? Tahimik mo ah.." Sabi ko sakanya ng naiirita konti.

"Oo, bakit? Masama?" Sabi ni Jaye ng nakatingin na sakin ng seryoso.

"Oo masama! Kasi, kanina pa kita hinihintay na magsalita!" Sabi ko sakanya ng naiirita.

"Diba sabi mo, wag akong maingay! Tapos ngayon nagrereklamo ka! Ano ba talaga?" Sabi ni Jaye ng naiirita na rin yata.

"Sinabi ko, wag kang maingay, hindi ko sinabi na wag kang magsalita! Magkaibang-magkaiba naman yata yung dalawang yun!" Sabi ko sakanya, nakakainis na sya ah!

"A-ah, s-sige.." Sabi nya ng nauutal pa, kala mo ah! Sino ngayon ang naging Speechless?

"Tss.." Ayan na lang ang sinabi ko at tumahimik na.

(Silent for a minute...)

Maya-maya nagring na yung bell, ibig sabihin, kailangan na naming pumunta sa mga Room namin.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko pero itong kasama ko mukhang walang balak tumayo.

"Jaye, wala sa plano mong pumasok ah?" Sabi ko sakanya.

"Wala talaga, hindi ako papasok! Ayoko!" Sabi nya, nanlaki naman ang mata ko.

"Isa lang ang ibig sabihin nyan Jaye, gusto mong magcutting o may tagos ka sa palda..." Sabi ko ng serious.

"Tanga! Meron kasi akong iniiwasan sa Room.." Sabi nya na parang may iniisip. Ano kaya? Ay mali! Sino pala?

"Tss, sino naman?" Tanong ko sakanya ng nakapamewang pa.

"Si,.. Carlo.." Sabi nya na parang baliw na nakatingin sa langit.

"Ano bang nangyari?" Sabi ko sakanya, pag ako nalate.. Lagot ka sakin Jaye.

"Kasi..." Sabi ni Jaye at nagkwento na ng talambuhay nya.

---

Jaye's POV

[Flashback]

Naglalakad ako ng biglang...

"Carlo?" Sabi ko, nagulat ako kasi hinawakan nya ako.

"Oh! Bakit gulat na gulat ka? Parang nagalaw ka lang eh.." Sabi ni Carlo ng nakangiti.

Tumingin yung dalawang babae samin at biglang nagbulungan.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon