*SECRET 02*
Kurt's POV
"Kuya..." Sabi ni Hannah, nasa kotse na kami at papasok na sa school.
"Bakit?" Tanong ko, siguro tungkol na naman sa paglakad nila ng friends nya na sila Katharina.
"Wag ka mag-alala Kuya, hindi tungkol sa mga friends ko.." Wow! Nabasa nya yung iniisip ko? Astig, parang Divergent Series lang ah!
"Tungkol kay Ate Kim, bakit ayaw mo pa sakanya sabihin yung feelings mo sakanya?" Seryosong sabi ni Hannah, tumingin naman ako sakanya ng seryoso..
"Hannah, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong magtapat sa isang tao, humanap ka ng tyempo, baka ikaw rin ang masaktan sa huli.." Sabi ko at hinaplos ang buhok nya at ngumiti.
"Ok..." Sabi nya at tahimik na kami na naghihintay na makapunta sa school namin.
---
{Jellyace University}
"Kuya una na ako." Sabi ni Hannah.
"Wait!" Sabi ko, meron lang akong importanteng sasabihin sakanya.
"Bakit?" Tanong ni Hannah.
"Wag ka munang magboboyfriend ah! Pag nalaman kung may Boyfriend ka, masusuntok ko yung lalaking yun!" Sabi ko.
"Wag kang mag-alala Kuya! Wala pa sa plano ko yun!" Sabi ni Hannah.
"Study First okay? Hindi naman kita sinasakal but, kailangan yun. Papayagan naman kita kapag kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa, okay? Study First! Gets?" Sabi ko sakanya.
"Opo Kuya, sige na una na ako, baka malate ako, ayoko ng Detention slip!" Sabi ni Hannah at umalis na.
"Driver, halika na po.." Sabi ko sa Driver namin at umandar na, haaay, makikita ko nanaman si Kim..
---
{Soo-Dee University}
Nandito na ako sa school at naglalakad, pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko nalang iniintindi, masyado akong maraming iniisip.
"Kurt, bro!" Sabi ni Carlo at tinapik yung likod ko.
"Oh, Carlo! Nandyan ka pala!" Sabi ko ng nakangiti.
"Syempre hihintayin kita, crush kaya kita!" Sabi nya sabay yakap sakin.
"Kadiri ka Carlo, lumayo ka nga sakin!" Sabi ko at pilit na inaalis yung yakap nya sakin.
"Joke lang! Alam ko naman na may Kim ka eh..." Sabi ni Carlo, sinundot naman nya yung tagiliran ko.
"Hoy! Masakit!" Sabi ko ng nakangiti.
"Ayie! Kilig ka lang eh!" Sabi nya.
"Shhh, wag kang maingay! Baka may makarinig sayo!" Sabi ko sakanya.
"Oo na! Lika na sa Room!" Sabi nya at naglakad na kami papunta sa Room.
---
{ROOM 401}
Nandito na kami ni Carlo sa Room, nakita ko si Kim na nagrereview habang si Jaye naman ay dak-dak ng dak-dak pero hindi naman pinapansin ni Kim, natatawa tuloy ako kay Jaye.
"Pfftttt..." Pagpipigil ng tawa ni Carlo.
"Tss, nakita mo lang si Jaye eh.." Sabi ko kay Carlo, First Love kasi ni Carlo si Jaye eh, hehe.. parehas kami.
"Oo na, ikaw rin naman eh, nakita lang si Kim eh..." Sabi ni Carlo ng nakangiti.
"Shhh, sabi ko sayo wag kang maingay eh.." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
Fiksi Remaja-----oOo----- All the people have its own destiny but they don't know who is, malay mo nasa tabi mo lang pero hindi mo napapansin... -----oOo----- Original Story of: SimpleKimmy Allright Reserved®™2015