[04] ♥ Meet her brother?

94 3 0
                                    

*SECRET 04*

Kim's POV

Pagkatapos ng makabagbag damdamin naming pag-uusap sa park eh naunawaan ko na rin ang gustong ipahiwatig netong kapatid ni Kurt.

"Simula po kasi talaga nung nakita kita sa picture sa fb eh nagandahan na po talaga ako sayo, gusto ko po talaga kayong maging friend.." Sabi ni Hannah.

Ngayon ko lang nalaman na marunong pala sya magtagalog.

Pinapahirapan nya pa akong humanap ng tissue sa school para punasan yung ilong kung dumudugo.

"Marunong ka pala magtagalog, bakit ka pa nag ienglish?"

Sabi yan ng isip ko, not me!

"Ano pong sabi nyo?" Sabi ni Hannah.

"Just ignore it, okay?.." Sabi ko, makapagenglish nga, ikaw naman ang inose bleed ko.

"Okay.." Sabi nya ng nakangiti.

"Before we proceed, katulad nga ng sinabi mo, idol mo ako dahil maganda ako, paano mo ako nakilala?" Sabi ko.

---

Hannah's POV

"Before we proceed, katulad nga ng sinabi mo, idol mo ako dahil maganda ako, paano mo ako nakilala?" Sabi ni Ate Kim.

OHMYCHOCOLATIEBUDDIE..

Anong sasabihin ko? Nakilala ko lang naman si Ate Kim is because First Love sya ni Kuya Kurt.

"A-ah.." Sabi ko, Gosh! Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko, sasabihin ko ba na sya yung First Love ni Kuya Kurt?

"What?" Sabi nya, what can i say?

"Kasi si Kuya Kurt......"

---

Kurt's POV

Kanina ko pa hinahanap si Carlo pero hindi ko talaga sya mahanap.

"Alam nyo ba girls, yung kapatid ni Kurt nandito sa school natin! Diba sa Jellyace University yun nagaaral? Kalaban natin ng University yun ah?!"

"We hindi nga?"

"Oo nga, kausap nga ni Kim sa park eh, ano kayang pinagusapan nila?"

"Baka tungkol kay Kurt.."

Lumapit ako sa tatlong (3) babaeng naguusap...

"Ayun ba yung kapatid ko?" Sabi ko, ano nanaman bang gusto nito ni Hannah?

"Opo, diba sya po si Hannah Claire Clifford, kasama nya po yung mga friends nya papunta sa park, kasama si Kim at Jaye, pati yata si Carlo." Sabi nung babae na kinikilig-kilig pa, hindi ko na sya sinagot at tumakbo na papunta sa park, kaya pala hindi ko mahanap si Carlo, kasama nya lang pala sila Kim.

---

{Park}

Naglakad ako papunta sa Park at nakita ko nga silang naguusap, si Kim at Hannah ay nandun sa gilid naguusap.

Habang yung mga kaibigan ni Hannah, Jaye at Carlo ay nasa gilid rin naguusap.

Lumapit ako kay Carlo na may galit sa mga mata.

"Carlo..." Tawag ko sakanya, agad naman syang tumingin sakin at nakita nya akong galit.

"Kurt.." Sabi nya.

"Magusap tayo.." Sabi ko at naglakad malayo sakanila, sumunod naman si Carlo.

"Carlo bakit hindi mo naman sakin sinabi na nandito ka? Kanina pa kita hinahanap eh!" Sabi ko na may konting galit sa boses.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon