Nakakahiya mang aminin pero, at 17, NBSB pa rin ako, as in No Boyfriend Since Birth! OMG lang talaga! Minsan nga, 'di ko maiwasang maging affected kapag tinutukso ako ng mga friends ko dahil wala pa rin akong boyfriend. Nakakainggit nga eh. My friends started having their sweethearts since they were like... twelve! Lahat taken na. Because of this, I will ask this very important question...
Mortal sin na ba talaga ngayon ang maging single?!
If I were to answer that right away, hindi naman 'di ba? Pero inaamin ko, malungkot ngang mag-isa. Walang karamay 'pag may problema. Walang kasamang mag-celebrate 'pag masaya. Hindi ba, mas okay ang maging Queen, kapag merong King? 'Yun lang naman ang gusto ko... to feel complete.
I am happy to be here at the beach, seeing the beautiful sunset, smelling the salty sea breeze, walking at the fine, white sand, throwing pebbles in the water, pero siguro mas magiging masaya kapag may kasama ako... kasamang mamasyal... maglakad... at...
"Oh no!"
Madapa. OMG! Natapilok ako! Sa sobrang sakit, napaupo na lang ako sa sand, crying in pain.
"Help!!! Anybody please?! Tulungan niyo 'ko!" This I shouted at the top of my lungs.
Pero walang tumutulong. Walang tao sa beach. Parang end of the world na. I can't help but cry. Paano na lang ako? Who will help me? Who will save me?
Patuloy lang ako sa pag-iyak, nang biglang matakpan ang shadow ang mukha ko. I lift my gaze to the sea, and behold! A miracle happened! Isang lalaki... a young man in Speedo trunks emerges from the water. Hindi ko pa siya tuluyang makita dahil sa maliwanag na araw, pero para siyang Roman God!
"OMRG! As in oh... my... Roman God!", I whisper to myself.
Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. As he reaches me, agad niya akong binuhat. Para akong princess sa isang fairytale. I saw his face, at ang masasabi ko lang. Grabe, ang gwapo niya! Nakaka-speechless. Ako na. Ako na talaga! But first things first... I have to ask his name.
"Sino ka?", tanong ko sa kanya. At ang sabi niya sa 'kin...
"Wag kang matakot. Nandito ako para tulungan ka. Ako si Hiro."
Siya pala si Hiro. Nang kargahin ako ni Hiro, biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko. All I felt was pure joy habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko napigilang haplusin ang kanyang handsome and chiseled face. And then I realized, 'yung cross tattoo na pala sa dibdib niya ang hinahaplos ko.
At last! Dumating na ang savior ko... ang hero ko!