Dinala ako ni Rosanna at Emil sa isang room para mag-dinner. The dining room looked very elegant and stylish. Parang feast ang nakahain sa mahabang glass table. Sa gilid, naka-hilera naman ang maids at butlers. Then, I saw a huge painting on the wall... si Hiro at ang parents niya.
I'm not sure kung naihanda ko ang sarili ko sa gabing ito. But one thing is for sure, I'm excited to meet Hiro's parents, the Duke and Duchess of Amorea...
Akala ko, sa fairy tales ko lang mababasa ang mga ganitong eksena. Hindi pala. It also happens in real life. And in real life, real din ang concerns.
Nang makaharap ko na sila... as a lady, I curtsied to show respect...
"I am honoured to meet you both, Sir... Ma'am," bati ko sa kanila pero...
"Address us properly, hija. We are the Duke and the Duchess!" the Duchess exclaimed.
OMG! Ang taray ng boses ng nanay ni Hiro. But she's right. My mistake. Hindi dapat Ma'am, Sir.
"Oh, I'm sorry, my Duke and Duchess," I said in an apologetic tone.
Then, Hiro's parents looked at me sternly. Grabe! Nakaka-tense! I don't know... but for the first time, habang kaharap ko ang parents ni Hiro, kinabahan ako. I mean, it's not like me to be nervous. I usually know what to do in front of people... Pero with them, I didn't know what to do... or even what to say.
Suddenly the duke spoke...
"Pasensya ka na, hija. We don't usually invite commoners para kumain kasabay namin."
Commoner? Ouch... From being a queen bee to just being a "commoner." Pero hindi pa tapos ang Duke, dahil may karugtong pa iyong sinabi niya...
"Labag sa tradisyon namin ang makipagkaibigan at makipagmabutihan ang isang royal sa mga commoner na katulad mo. Hindi ko nga alam kung bakit inimbitahan ka rito ng anak ko," the Duke continued.
Even the Duchess had something to say...
"Mabuti nang magkaintindihan na tayo ngayon pa lang... If you think may future kayo ni Hiro, nagkakamali ka. Ang Royal ay bagay lang sa isa pang Royal!" the Duchess exclaimed!
Bigla akong nanliit sa sarili ko. Para akong yelo na unti-unting natutunaw... Sana nilamon na lang ako ng lupa! Pero honestly, tama sila. Langit at lupa ang agwat namin ni Hiro. Parang Romeo and Juliet lang. Ibig bang sabihin, magkakaroon din kami ng "Sad Ending"?