When I entered the classroom, I noticed something, lalo na nang salubungin ako ng friends ko. Hindi ko maipaliwanag pero... parang may mali. Why have they got such a long face? Lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ko, si Emerson.
"Hi, Katy," bati niya sa akin.
I wonder... bakit ang sad ng boses niya? Pero nang tingnan ko ang upuan ni Hiro, bigla akong kinabahan.
"Where's Hiro? ", I asked worriedly.
Si Emerson ang naglakas loob na sagutin ang tanong ko.
"Na-kick out siya Katy," sagot niya sa akin.
Na-kick out daw si Hiro? This can't be. Is this for real?
"Nalaman ng school na fake yung documents na ginamit niya para mag-enroll dito. Ginawa daw niya 'yon para makalapit sa'yo," Emerson explained.
But no way!
"Si Hiro?! Fake?! No?! No?! No?!" sabi ko sa kanila.
I felt devastated. Tears welled up in my eyes. Tapos, nakialam pa ang Geeky Classmate ko na si Molly at ang best friend niyang si Clumsy Chelsea na may dalang flask of water.
"Yes! Fake as in untrue. False. Bogus. Isa siyang sociopathic stalker na nagkagusto sa 'yo. And too bad... kasi wala ka nang knight-in-shining-armor, Katy! Wala nang pipigil kung buhusan ka naming ng Erlenmeyer flask of H2O," they mocked.
Pero bago pa maibuhos ni Chelsea ang tubig sa ulo ko, natisod siya at tumapon 'yung tubig diretso sa mukha niya.
But still, this isn't the right time to laugh or smile! Lalo lang akong naiyak!
"Stop it! Please... Molly, Chelsea! Tama na!" I begged them.
Pero pinagtawanan lang ako nila Molly at Chelsea, habang sympathetic na nakatingin lang sina Emerson sa akin. What will I do now? Hiro... bakit ka nagsinungaling?