"Will you still love me tonight?", I asked Hiro as the sun completely sets. Malapit nang dumilim. As I wait for his Yes, bigla na lang nagbago ang lahat. Habang tinitingnan ko siya, at habang nagsasalita siya, wala akong marinig. It's like he's blurting out words, pero walang sound. What is happening? Is my world falling apart? Is this even for real?
I slowly opened my eyes. Nang magising ako, si Hiro ang unang-unang hinanap ng mga mata ko. Kaya lang, wala na sa tabi ko ang knight in shining armor ko.
"Hiro? Hiro, nasa'n ka?!! Hiro!!", I shouted. Pero walang Hiro sa paligid.
Then I realized... Yes! It was a dream. Sunset pa rin, kagaya ng nangyari kanina. The only difference is... wala si Hiro. All I found was a tacky blanket na hinigaan ko. But wait! May benda 'yung paa ko! May benda 'yung pilay ko! So that means... hindi ako nananaginip.
I slowly stood up while testing my balance. I'm glad na nakakalakad na 'ko. And as I turn around to look for my one true love, hindi ko siya nakita. Instead, I saw a cute dog.
"Hi, cutie pie!", I smiled at the dog as I bend down to play with him. "Ba't mag-isa ka dito sa beach? Naliligaw ka ba?"
Isang tahol lang ang sagot ng aso sa 'kin. Malamang, 'di ba? Pero ba't siya tumatakbo palayo? Pati ba naman 'yung aso, iiwan ako? Ganito na ba talaga? Is this how you treat the Queen Bee?!
"Hey! Wait for me!" Hindi ako masyadong mahilig makipaglaro sa mga animals, but something tells me na kailangan ko siyang sundan. I don't know what I'm up to, pero... bahala na!
Sa hinaba-haba ng tinakbo ko para habulin ang aso, dito lang pala niya ako dadalhin... sa isang old, and abandoned lighthouse. Grabe, hingal na hingal ako! And this is not even a fun run!
"Why did you bring me here? Dito ka ba nakatira?", tanong ko sa aso. As usual, bark lang siya nang bark. As if naiintindihan ko siya. Pero deadma na naman siya. Tinakbuhan na naman niya ako. He ran towards the back portion of the lighthouse. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako sunod nang sunod.
"Cutie pie! Sa'n ka pupunta? Lumabas ka na d'yan!" Sigh. Pasaway 'tong asong 'to. Pero pagdating naman sa likuran ng lighthouse, I saw a bench... and a guy is sleeping on it.
Dahan-dahan pa akong lumapit sa guy na natutulog, hoping na sana siya nga si Hiro. But as I start touching his hair, he suddenly turned around. Nagising siya, and finally... I saw his face! It's him!
"Ako ba 'yung cutie pie na tinatawag mo? Na-miss mo 'ko 'no?" Hiro smiles at me. He was just pretending to be asleep. Aww. Kakainis. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko'ng kurutin siya.
"Kainis ka! You almost gave me a heart attack!", I said to him. Tawa lang siya nang tawa.
"Kumusta ang pilay mo? Masakit pa ba?", tanong ni Hiro habang nakatingin sa paa ko.
"Hindi na. Magaling 'yung nag-alaga sa 'kin eh. Thank you for taking care of me, Hiro.", sabi ko habang nagpapa-cute. "Pero next time... sana... 'wag mo na ulit akong iiwanan nang mag-isa, ha. Napagod ako kakahanap sa 'yo."
Hiro stopped laughing. Agad siyang tumayo and lumakad papalapit sa 'kin. As he nears me, I can smell his minty breath habang sinasabi niya sa 'kin ang...
"Hinding-hindi na kita iiwanan ulit, Katy... pangako!"
He crossed his heart and stroked my soft, wavy hair. Aww. Now I know how a romantic movie female lead feels. Ang sarap talagang ma-in love. Perfect!
Love life... check! Now that I've met my one true love, I'm sure, marami pa kaming pagdaraanang kilig moments. I can't even wait for our first date. Saan niya kaya ako dadalhin?