- 2 d a y s l a t e r -
I looked up ahead and sighed as I stood before our school's large and wide gates. Ayaw na ayaw ko sanang pumasok at marami pa akong mas mahalagang gagawin sana sa bahay. But then again, papagalitan ako nina mom if I skip the first day of school.
Kakabwisit!
Napairap nalang ako tsaka tinakpan yung ulo ko gamit ang hoodie at nagsuot ng mask. Kinuha ko na din sa bag yung headphones ko at sinuot ito bago nagpatugtog ng mga kanta ni Taylor Swift. Siniguro ko naring full yung volume.
Bahala na yung mga mag-aakmang makikipag usap sakin. Kahit guro man yan o kahit sino. Wala na akong pake. Bahala na rin kung mabibingi na ako dito. Mas mabuti na din yun.
I never saw it coming, No one was expecting it ~ ♪
I underestimated just who I was dealing with ~ ♪Pagkapasok ko sa first building, bumungad kaagad saakin ang napakaraming estudyante na naglalakad, nagku-kuwentuhan, o di kaya'y may kinuha o inilagay sa kani-kanilang mga locker.
Pero sa dinami dami nila, isang tao lang ang agad na nakakuha ng atensyon ko. Yung babaeng may-ari ng locker na katabi lang sa akin.
Khristel Delos Reyes...
Tsk. First day pa nga lang ngayon, dapat masaya o excited ako diba? But everytime I see her face, agad nawawala ang sigla ko. Ano pa kaya kung bad mood pa akong pumunta dito?
This is the worst.
Napatigil nalang ako ng sandali nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko at tinitigan ako. I stared back and slowly made my way to her.
Bakit pa kasi magkatabi ang locker namin. Bwesit!
Pagkarating ko sa tapat niya, bigla nalang bumuka ang bibig niya, looks like she's telling me something pero wala naman akong naririnig. Mukha siyang tanga tuloy. May pa tawa tawa pang nalaman yung mga alepores na nasa likod niya.
Napatawa ako ng konti sa mga ginagawa nila at lumingon para buksan ang locker ko.
She's not the same, and she's not what you think,
She's an actress ~ Woah ~ ♪Yeah, this bitch is an actress. A very bad actress, I must say. More like a puppet.
I froze as I felt a hand on my shoulder, squeezing tightly na para bang gusto niya akong itulak. Nilingon ko ang may-ari ng kamay and of course, wala nang iba kundi si Khristel. Muling bumuka ang bibig niya para magsalita, dahilan para tumawa ako ulit.
Di ko na kaya, nakakatawa talaga siya tignan. Galit na galit na parang ewan. Mukha talaga siyang tanga na nagsasalita, ni wala nga akong marinig na kahit konti sa mga sinasabi niya eh. Napailing-iling ako sa kanya at nilagpasan siya.
Nabigla nalang ako nang bigla niyang hinubad ang hoodie ko. Agad kong tinanggal ang headphones ko at napasigaw nalang sa sakit nang bigla niyang hinila ang buhok kong medyo basa pa.
"ARGGHHH! WHAT THE HELL—!!"
"Bwesit ka talagang bruha ka no?! Ang kapal mo! Ikaw na nga ang nagnakaw ng mga gamit ko, ikaw pa ang naglakas loob na tumawa!!"
Huuhhh?!
I winced as she pulled harder and started to shake my head, dahilan para unti-unting makaramdam ako ng pagkahilo.
"ARAY—ANO BANG PINAGSASABI MO?!" inis kong sigaw.
"HAH! ANG KAPAL MO TALAGA—" inis niya ring sigaw sakin at tinulak ako sa sahig. "LOOK AT MY LOCKER! ALL EMPTY! EH ANO YANG MGA GAMIT NA NASA LOCKER MO?! DIBA AKIN YAN?!"
BINABASA MO ANG
Dimension M
Viễn tưởngDreghim Alexander... He was a boy living his normal life as he walked to the future with a mighty glow, leaving the shadows of his past. Just as his life was getting better, a news about a certain person had spread across their land. A certain perso...