Clyde’s POV
“Via bilisan mo kaya diyan, ano bang sinisilip mo diyan?” tanong k okay Via. Napadaan kasi kami sa CSR may kinuha lang kaming supplies. Sa ER na kami na-assign ngayon. Laking pasasalamat ko kasi nga matapos nung elevator accident, natrauma na ako. Ayoko na yatang makita yung doctor na yun.
“Ano ka ba Clyde, baka nandito yung prince charming mo.” Sagot niya Via.
“Huh? Prince charming?”
“Oo, si Dr. M.” tugon ni Via. Ganyan na siya magmula nung nangyari yung elevator incident. Walang araw na hindi niya pinaalala sa akin yung nangyari. Eish. Gusto ko na ngang ibaon sa kasuluksulukan ng utak ko yun.
“Pwede ba, wag mo nang ipaalala sakin yung doktor na yun. Nakakatrauma kaya yun.” Reklamo ko.
“Oh really? Sigurado ka bang walang nangyari?” natatawang tanong niya.
“Anong nangyari?”
“Alam mo na.” tugon niya. Hinampas ko nga siya.
“Hoy bakla ka, anung akala mo sa akin? Basta basta? At saka hello. Kahit siya pa ang huling lalaki sa mundo hindi ko siya papatulan no.”
“Really?” tanong niya ulit. Nakakairita na itong babaeng ito.
“Pwede ba, tara na baka madami nang pasyente sa ER.”
“Kung bakit ba naman kasi sa ER pa tayo na-assign. Napaka-toxic doon. Mas maganda sa OR, nandun pa si dok.”
“Hay naku, mas gusto ko naman sa ER no. Mas maganda ang ambiance doon.”
Pagdating naming sa ER ay nadatnan naming yung doctor na yun sa nurse’s station. Tsk.
“Nurse, ilan ang temperature nung bed 4?” tanong niya habang nakatutok sa chart. Tapos tumingin ako sa paligid. Ako ba kausap niya?
“A-ako ho dok?” tanong ni ko. Kakarating ko lang tapos ako ang tatanungin niya.
“Bakit, may iba pa bang tao dito? Alangan namang sa pasyente ko tinatanong?” tugon niya.
Binaba ko ang mga dala ko trying not to drop them. Napabuntong-hininga nalang ako. Relax Clyde, patience, patience. “Ah, t-teka lang ho dok, I’ll just take the vital signs” wika ko and took the thermometer. Agad kong nilapitan ang pasyente at kinuha ang temperature niya. Pagkatapos nun ay agad akong bumalik sa nurse’s station. “38.5 dok.” Wika ko na hindi nakatingin sa kanya.
“Okay, you know what to do TSB. Then pag di parin bumaba, give him paracetamol.”
“Y-yes dok.” Sagot ko nalang.
“Pag di parin bumaba, just call me, I’ll just be in my clinic.” Wika nito at tumayo siya. Then narinig kong nag-ring ang phone niya. Agad niya iyong sinagot.
“Hello.” Wika niya habang naglalakad palayo. Tsk. Kung makapagsungit akala mo kung sino. Ihahanda ko na nga lang yung mga gamot.
“Anette, I told you I’m not going home.” Bumilis tibok ng puso ko sa narinig ko. Tumingin ako sa kinaroroonan niya. Tama ba yung narinig ko? Anette? Tinignan ko siya. Pero nakalayo na siya. Anette? Yan din yung pangalan nung kausap niya sa loob ng elevator noon eh. Pero bakit ba? Bakit si ate Anette lang ba ang nagngangalang Anette? Pero, as I’ve said, I’m not taking any chances for granted. Any chance I get, kailangan kong alamin. Kahit kakaunting pag-asa lang ang meron ako, I’ll hold onto it.
“Bakla, bakit ang sama na naman ng tingin mo kay dok?” tanong ni Via nang lapitan ako sa nurse’s station.
“Alam mo Via, hindi ko alam pero. Yang doctor na yan, lagi siyang may kausap na Anette sa phone.
“My God Clyde. Hanggang dito ba naman sa trabaho si ate Anette parin iniisip mo?” tanong ni Via.
“I swear Via, noong nasa elevator kami Anette din yung kausap niya. Tapos kanina narinig ko Anette yung kausap niya.”
“Eh ano naman ngayon kung Anette nga yung kausap niya?” tanong ni Via.
“May possibility na siya si ate Anette.”
“Clyde, ilang milyon ba ang populasyon ng Pilipinas? At sa tingin mo sa ilang milyon na yun, ilan dun ang may pangalang Anette?”
“Pero malay mo sa ilang may pangalan ng Anette baka siya na nga yung kausap ni Dok kanina?” tugon ko.
“Clyde, hindi naman sa dini-discourage kita. Ang akin lang naman, nakita ko na noon kung paano ka nasaktan dahil sa kakaasa na mahahanap mo pa si ate Anette. Ayoko lang namang umasa ka tapos masasaktan ka lang ulit. Tapos, pati yung kuya mo at si Ash, umaasa din.”
“Yun na nga Via eh, sanay na akong nasasakatan. So there’s nothing to lose kapag umasa ako dito.”
“Hay, ewan ko ba sayo. Sa tigas ng ulo mong yan wala naman akong magagawa kundi suportahan ka nalang.”
Ngumiti nalang ako. “So anong plano mo?” tanong ni Via. I looked at her. Bahala na, basta I’ll do anything to know the truth.
“Via, alam mo ba kung anong address ni dok?” tanong ko.
“No way.” Wika niya shaking her head.
“Please.”
Matapos ng duty nagpasya akong puntahan ang address na binigay ni Via, hindi ko alam kung paano niya iyon nakuha. Hindi na yun importante. I have a bad feeling, I just want to make sure. I ended up sa isang bahay sa isang exclusive village. Maya-maya ay may dumating na kotse. Tapos lumabas ang isang babae. Ngunit nagulat ako at pinagmasdang mabuti ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Si ate Anette yun. Pero bakit? Paano? Ang dami kong tanong. Di kaya si Dr. Madrigal yung sinasabi nilang lalaki ni ate? Kung totoo nga yun, si Dr. Madrigal ang dahilan ng paghihirap ni kuya at Ash? Gusto kong lumabas sa taxi pero nanginginig ako. Si ate Anette yun, kahit sa malayo alam kong siya iyon. Pero para akong nakapako sa loob ng taxi. Biglang nag-ring ang cellphone ko.
“Hello anak, ang kuya mo dinala ko sa ospital.” Nag-aalalang wika ni inay. Sapat na iyon para magmadali akong bumalik sa ospital. Napano na naman ba si kuya? Ilang beses na nitong tinangkang magpakamatay kaya laging nag-aalala si inay sa kanya. Nadatnan ko ang kuya sa ER. Puno ng pasa ang kanyang buong katawan.
“Inay, ano na naman ba to?” tanong ko kay inay.
“Nakipag-away na naman siya sa mga kainuman niya. mabuti nalang at hindi nagdemanda yung mga nakaaway niya. Siya na naman ang nagsimula ng away.” Tugon ni inay.
“Si Ash po?”
“Nasa eskuwelahan pa siya anak.” Tugon ni inay. Alam ko pati si inay pagod narin kay kuya. Pero hindi namin siya pwedeng sukuan. Hindi ito ang tamang panahon para sumuko.
“Sige ho inay, ako na pong bahala kay kuya. Ako na po ang mag-uuwi sa kanya.” Agad ding umalis si inay. Nilapitan ko naman si kuya.
“Kuya, hanggang kailan ka ba ganyan? Kuya tama na parang awa mo na.” naiiyak kong wika.
“Si Anette, mahal na mahal ko si Anette. Babalik pa siya di ba?”
“K-Kuya.”
“Alam ko babalik pa si Anette. Mahal niya ako. Kaya babalikan niya kami ng anak ko. Babalik siya. Mabubuo din ang pamilya namin.”
“Kuya, magpahinga ka muna. Para makauwi na tayo. Gagamutin ko pa yang mga pasa mo.” Hinawakan niya ang kamay ko at tumungin ito ng diretso sa mga mata ko.
“Yung pangako mo sakin. Ibabalik mo si Anette sakin. Hahanapin mo siya diba? Para kay Ash, para sakin? Diba Clyde? Hahanapin mo ang asawa ko? Diba?”
“Ku-kuya.” Naiiyak ako. “O-oo kuya. Pangako hahanapin ko si Ate Anette. At ibabalik ko siya dito. Mabubuo din ang pamilya niyo pangako.” Tama si Via, habang tumatagal lalo ko lang pinapaasa si kuya at si Ash. Pero ngayon pa ba ako susuko kung kailan nakita ko na si ate Anette? Kailangan ko lang ng patunay na siya nga yung nakita ko.
Definition of terms
TSB (Tepid Sponge Bath)- Pagpupunas sa buong katawan ng mga taong may lagnat gamit ang tuwalya na binalnawan sa maligamgam na tubig para makatulong sa pagbaba ng lagnat.
BINABASA MO ANG
The Love You Want
RomanceShe is a nurse. He is a doctor. Because of an obligation, she met him. They were enemies turned close friends. And then they discovered they're involved in a love story that needs a reconstruction.