Zeke’s POV
I was really glad to see Clyde. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakita. Pero sino yung kasama niya kanina? He stared at me like a jealous boyfriend. I didn’t know Clyde is already in a relationship.
“Via, yung Dr. Madrigal na yun, matagal na bang kilala ni Clyde?” diko mapigilang itanong.
“Hmmn. For a few months na rin kuya. Bakit?” Via curiously asked.
“It seems close sila.” I said as I started to drive.
“Hmmn, nagiging close na sila nitong nakaraan.”
“Is he her boyfriend?” hindi ko napigilang itanong.
Humalakhak si Via. “Naku kuya. Di mo maiimagine, mortal enemy nila ang isat-isa noon. Siya yung sinasabi kong doktor na kaaway ni Clyde noon. Nagulat nga ako nung isang araw bigla silang nagkasundo and then ayun. Kinuwento ni Clyde sakin na kapatid nga daw ni Anette si dok. Ayun since then, naging close na sila. Pero boyfriend? Well I don’t think so. Pero sana maging sila.” She answered.
“Ah ganun ba. Kasi when I saw them I thought sila na.” Sinundan iyon ng isang mapanuksong tingin mula sa kapatid ko. “Bakit ganyan ka makatingin?” I asked as I glared at her.
“Kuya? Don’t tell me nagseselos ka?”
“Nagseselos? Bakit naman ako magseselos. Ano ka ba Via.”
“Kasi naman, the way you look at me, the way you asked that question. Iba eh. Parang ganyan ka din nung nililigawan mo palang si Clyde. Protective at parang laging nag-iinvestigate.” Sagot niya.
“Via. Pwede ba. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Siyempre concerned lang ako that’s all.”
“Hay naku. Oo na nga. Pasensiya na baka mamaya makarating pa ‘to kay Loraine.”
Clyde’s POV
“Ate, andami mo namang hinanda. Hindi natin kayang ubusin lahat yan. Kokonti lang ang naimbitahang bisita.”
“Clyde. Kulang pa lahat ng yan sa limang taong hindi na-celebrate ni Ash ang birthday niya. At saka wag kang mag-alala. Relax ka lang, ako na ang bahala sa mga bisita. It’s time for me to be a mother to Ash at ikaw, it’s time for you para bumuo ng sarili mong pamilya.” Tugon ni ate Anette.
“Ikaw talaga ate. Si kuya kaya? Asan na kaya yun? Kanina ko pa siya hinahanap.”
“Nandun siya sa kuwarto ni Ash. Medyo kinakausap na niya ako. Ang saya saya nga ni Ash nung nakita niya kaming nagusap kanina.”
“Hay. Salamat naman kung ganun. Si kuya naman kasi nag-iinarte pa. Alam ko namang pinipigilan lang niya ang sarili niyang kausapin ka.”
‘Sige, maiwan na muna kita, pupuntahan ko lang ang mag-ama ko.” wika ni ate Anette at pumasok sa loob. Just then, nakita ko si Zeke sa may gate.
“Clyde.” Bati niya and embraced me.
“Thank you sa pagpunta.”
“Thank you for inviting us.” Tugon niya at iniabot niya ang hawak niyang malaking regalo.
“Salamat. Bakit di mo yata kasama si Loraine?” tanong ko.
“Ah susunod na siya. She’s just behind me.” Wika ni Zeke.
“Ah, see.” Nakita ko namang paparating si Geither sa kinaroroonan namin. I looked at him at parang hindi siya komportable dito. Kanina pa siya hindi mapakali. Kanina pa siya paikot-ikot.
BINABASA MO ANG
The Love You Want
RomanceShe is a nurse. He is a doctor. Because of an obligation, she met him. They were enemies turned close friends. And then they discovered they're involved in a love story that needs a reconstruction.