Zeke’s POV
“Clyde.” nadatnan ko si Clyde sa sala ng kanilang bahay. Nabalitaan ko ang nangyari nang sabihin sa akin ni Via ang tungkol sa itay niya. I know Clyde. Alam kong hindi madali para sa kanya ito. Alam ko kung anong sakit ang pinagdaanan niya nung iniwan sila ng itay niya. Nilingon niya ako. Yung mga mata niya, mugtong-mugto. Kitang-kita ang pagod.
“Zeke? Napadalaw ka?” tanong niya habang inaayos ang mga gamit sa sala.
“Nasabi sakin ni Via ang nangyari. I just wanted to check kung okay ka lang ba.” Sagot ko.
“Okay lang kami.” Sagot niya but I know it’s a lie.
“Clyde, bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?” tanong ko at nilapitan ko siya.
Napaluhod siya at unti-unting pumatak ang kanyang luha. Nilapitan ko siya para alalayan.
“Bakit ganun Zeke? Kung kailan nakita na namin si itay, sa ganitong sitwasyon pa siya babalik. Ngayon pang may taning na ang buhay niya? Ni halos hindi ko na nga siya matignan ng diretso. Kahit ano pa ang ginawa niya noon, tatay ko parin siya. Pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya. Ayokong nakikitang nahihirapan siya. Naghihingalo.”
“Clyde. Calm down. Just have faith. There’s a reason behind this.” Niyakap ko siya.
“Hindi ko lang kasi maintindihan. Bakit kailangang ganito.”
“Shhh. Tahan na. Huwag ka nang umiyak. Alam mo namang pumapangit ka kapag umiiyak ka.” I said wiping her tears.
“Thank you Zeke. I’m glad kasi di ka parin nakakalimot. You’re like a brother to me.”
Tinitigan ko siya. hawak-hawak ko parin ang mukha niya.
“Clyde, I’m always here for you. I promise. Gaya ng pangako ko sayo noon. I will always be here for you.” ko.
She looked at me. Just like she did before. Those angelic eyes of hers, I didn’t even know kung bakit ko siya nagawang hiwalayan noon. Bakit ganito ang pakiramdam ko. I looked at her lips, at hindi ko namalayang palapit ng palapit na pala ang mukha ko sa kanya.
“Zeke.” Mahinang wika niya. Lumayo siya sa akin dahilan para magising ako sa kung ano mang kahibangan meron ako.
“I’m s-sorry.” wika ko. Hindi ako makatigin ng diretso sa kanya.
“Ah, s-sige Zeke. Pasensiya ka na pero kailangan ko pang pumunta ng ospital. Pasensiya ka na kung hindi kita maasikaso.” She said.
“No, it’s okay. I’m sorry. At paalis nadin ako. I just dropped by to check on you.” Wika ko.
Clyde’s POV
Pinagmasdan ko ang kotse ni Zeke paalis ng bahay. Hindi ko alam kong anong nangyari. Nabigla lang kami pareho. He used to be my perfect match. Maginoo, mabait, masunurin, walang bisyo, lahat nasa kanya na. Wala ka nang mahihiling pa. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa aming dalawa noon. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko.
Agad akong nagtungo sa ospital. Nadatnan si inay na nakaupo sa sofa pinagmamasdan si itay. Bedridden na si itay. Hindi na siya makausap. Naka-mechanical ventilator na siya. Kahit chemotherapy hindi na pwede sa kanya. Sabi ng doctor, it’s only a matter of time. Hindi namin alam kung anong mangyayari in the future.
“Inay. Kumain na ho ba kayo?” tanong ko.
“Oo anak. Tapos na ako. Ikaw? Diba duty mo ngayon?”
“Opo inay. Dumaan lang po ako dito. Kumusta na daw po si itay?” tanong ko.
Natahimik lang si inay. “Mabuti naman. Sabi ng nurse kanina okay naman daw ang blood pressure niya.”
Pinagmasdan ko si inay. Naging saksi ako sa lahat ng paghihirap niya nang iwanan kami ni itay. Pero eto kami ngayon, paano pa niya nagagawang alagaan si itay sa kabila ng mga kasalanan niya?
“Inay. Bakit?” tanong ko.
“Anung bakit?”
“Bakit sa kabila ng ginawa ni itay noon, nagawa niyo siyang patawarin?”
“Ewan ko ba anak. Siguro masyado nang matagal na panahon magmula noong iniwan niya tayo, kaya halos limot ko na ang lahat.” Tugon ni inay
“Pero wala ho ba kayong galit kahit konti sa kanya?” tanong ko pa.
“Anak, alam ko masyadong masakit para sa iyo ang nangyari noon, lalo pa’t ikaw halos ang umako sa responsibilidad ng itay mo. Pero anak, minsan pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano kalaki ang kanyang kasalanan, magagawa mo siyang patawarin.”
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
“Pinag-pasa-Diyos ko na ang lahat. Dapat matuto tayong magpatawad, tao lamang tayo, nasasaktan, siguro kahit papano, hindi naman ginusto ng mga nakasakit sa atin na saktan tayo. Wag tayong magtatanim ng sama ng loob, galit o poot sa kanila.”
Just like that, I felt relieved. Niyakap ko si inay.
“Siguro nga ho inay, napatawad ko na si itay.”
“Salamat anak. Malaking bagay iyan para sa itay mo.”
“Salamat din ho inay.” Tugon ko.
“Oh siya, male-late ka na.”
“Sige po inay, aalis na po ako. Babalik nalang po ako dito mamaya pagkatapos ng duty ko. Para makauwi po kayo.”
“Sige anak.”
Via’s POV
“Oh Clyde, kumusta na ang itay mo?” salubong ko sa kanya pagdating sa ospital.
“Sabi nila stable naman daw.” Sagot niya.
“Ah pinuntahan ka pala ni kuya sa bahay niyo?”
“Ah oo.”
“Hay, these past months medyo distracted si kuya. Ewan ko ba kung bakit. Siguro stress lang yun sa pag-aayos ng kasal nila ni Loraine at tsaka minsan nag-aaway sila sa phone.”
Hindi umimik si Clyde.
“Oh? Bakit may problema ba?” tanong ko.
“Ahh, wala naman.” Tugon ni Clyde at inayos ang mga gamit sa nurses station.
“Hay naku friend, I know marami kang pinagdadaanan ngayon, sana di ito makaapekto sa trabaho mo.”
“Oo nga eh. I can’t just be calm here samantalang alam kong may sakit ang itay.”
“Alam mo ang gamot diyan?”
“Ano?” tanong ni Clyde.
“Yakapsul at Kisspirin. Reseta ni dok.” Biro ko.
“Alam mo ikaw, hindi ka rin matinong kausap no.”
“Kidding aside. Wala ka parin bang boyfriend? I mean, hello? You’re turning 25 and the last time you ever had a boyfriend was when your 14, which I may had was my kuya who was your first boyfriend and that was 11 years ago. Anong petsa na ngayon?” tanong ko.
“Wag mo nga akong madaliin. Darating yan sa tamang panahon.” Sagot niya.
“Ah ganun? So destiny addict ka na din ngayon? Di na uso yan ngayon. Dapat matuto ka ding maglandi. Di puro pa-demure lang.”
“Madami na akong problema para dagdagan pa ng isa.” Wika pa niya.
“Problema? Tingin mo talaga sa mga lalaki problema? Hay naku. Tulad ngayon, kailangan mo ng crying shoulder.”
“Crying shoulder? Sus, hindi ko na kailangan yun noh, andiyan naman si Gei…” natigilan siya nang makitang nakangisi ako.
“Si Geither? Oh kitamo, ano mo ba talaga si dok ha?”
“W-wala. Just like a brother.” Tugon niya.
“Sus, brother daw.”
“Hay naku. Ewan ko sa iyo.” Wika niya at iniwan ako. “Aayusin ko lang yung mga gamot!” pahabol niya.
BINABASA MO ANG
The Love You Want
RomanceShe is a nurse. He is a doctor. Because of an obligation, she met him. They were enemies turned close friends. And then they discovered they're involved in a love story that needs a reconstruction.