Chapter 12 (Small world)

113 2 0
                                    

The next day sa ER

Geither’s POV

I’ve been trying to avoid Clyde since yesterday but here I am, I need to be here at the ER. She saw me and literally ran towards me. Oh God, this is annoying.

“Geither, ano bang nangyari sa iyo kahapon? Bakit mo naman binastos yung fiancée ni Zeke. Nakikipagkamay lang naman yung tao eh.” She said as if we are the only people inside the ER for God’s sake!

“Good morning to you too miss Fernandez.” I answered.

“Geither, napahiya yung tao, di m…”

“Will you please shut up miss Fernandez. Nandito tayo sa trabaho ngayon. I’m a doctor and not your chat mate.” I can’t help it. Natahimik siya.

“Sorry po dok.” Mahinang wika niya.

“Now hand me that paper over there.” I said pointing at the chart near her.

Iniabot niya iyong sa akin ang papel.

“Tsk. Bipolar!”

“What?”

“Ah wala po dok. May paparating po na ambulance kako.” Tugon niya as she went toward the receiving area.

Clyde’s POV

Ang sungit-sungit nitong doctor na ito. Binilisan ko nalang lapitan yung kakarating na pasyente. Isang matandang lalaki. Kasama nito ang isang babae.

“Misis ano pong nangyari sa kanya?” tanong ko.

“Kanina paggising niya di na niya maigalaw ang kaliwang kamay at paa niya.” Tugon nito.

“Ah ganun po ba? Sige po, doon po muna kayo sa gilid. Kami na po ang bahala kay sir.” Wika ko at nilapitan ko yung pasyente at nilagay ang BP cuff sa braso niya. Nakita kong palapit sa akin si Geither, este si dok pala.

“Dok, 200/160 po ang BP.” Wika ko.

Ngunit niya ako sinasagot. Nakatitig lang ito sa pasyente. Anong problema niya?

“Dok 200/160 po ang BP niya. Tapos po hindi daw niya maigalaw ang kaliwang paa at kamay niya.” wika ko ulit at binigay ko yung chart.

Pero tulala parin siya.

“Dok? May problema ba?” tanong ko tapos tinignan niya ako. Binasa niya ang chart.

“Ah. Sige s-sabihin mo sa kasama niya na kailangan nating pa-CT scan ang pasyente. Ibibigay ko ang request form mamaya.” Tugon nito pero tila wala parin siya sa sarili niya.

“Okay sige dok. Something wrong?” tanong ko ulit.

“Nothing.” Sagot nito habang ina-assess ang pasyente. Maya-maya lumapit yung asawa ng pasyente.

“Nurse, kumusta na ang asawa k…” natigilan din ito nang makita si Geither. Nagkatitigan sila na parang wala ako sa tabi nila.

“Geither? Iho ikaw ba yan?” tanong nito at biglang niyakap si dok.

“Tita.” Tugon ni Geither at yumakap din.

“Nakabalik ka na pala galing ng Amerika? Kumusta na ang papa mo?” tanong nito. Nagtatakang nakatingin ako sa kanilang dalawa.

“Opo tita. Okay naman po si papa, as of now stable na po siya. P-pero si tito po. Na-stroke po siya. Kailangan niyang mapa-CT scan. But don’t worry tita, we’ll take care of him.” Sagot ni Geither.

“O-oo iho. S-salamat.”

“Sige po. Sandali lang po ha.” wika ni Geither, I was about to open my mouth pero tinignan niya ako ng masama, tila alam na niya ang itatanong ko tapos mabilis siyang umalis.

The Love You WantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon