Lockdown # 14

837 73 1
                                    

-Gab

Hayyy napaka praning talaga ng depungal na Zack nayon!
Pagkamalan ba naman akong binasa ko daw yung sulat sa envelope?
Well binasa ko naman talaga pero just to clean up my self yung sa labas lang yun,
Tsaka pake elam ko ba sa crush nya at sa kung ano mang nilalaman ng sulat nayon.

Narito kami ni bakulaw sa sala at kasalukuyang nanonood ng t.v

Actually sya kang naman talaga ang nag eenjoy dahil di ko gusto yung pinapalabas dahil wala akong hilig sa basket ball at iyon ang pinapanood niya.
Kung di rin naman bastos ang hinayupak nanonood ako ng cartoons kanina tapos bigla itong sumingit.
Ang sabi pa nya na meron daw bagong palabas na cartoons kaso sa ibang channel ito, ako namang si uto-uto napaniwala niya kaya nilipat ko sa channel na sinabi niya pero di naman cartoons yung palabas kundi basket ball!!!!

MALAY KO BANG MODUS YUN NG BAKULAW? BWESIT TALAGA!!!!

nung aktong ililipat ko na sana bigla naman niyang inagaw sakin ang remote at ang depungal sumigaw pa ng
FOUL?!!!

Parang tanga lang diba?!


Di na ako nakipag talo sa kanya at hinayaan ko nalang syang manood ng basket ball na yan!

Sa kalagitnaan ng panonood namin ng tv bigla nalang may kumatok sa pinto
Dahil wala naman akong ginagawa at isa pa nabuburyu na ako sa palabas sa t.v ako na ang pumunta roon. Nang buksan ko ang pinto wala namang tao pero may nakalagay na isang box sa lapag at may nakaipit pang sulat doon.

Nagtataka akong kinuha ito dahil wala naman akong inaasahang dumating na delivery dahil wala naman akong inorder na kung ano man at sino namang tanga ang mag dedeliver sa kalagitnaan ng lockdown?!.

Siguro kay bakulaw ito kaya naman pumasok na ako sa loob at inilapag ko ito sa maliit na table sa gitna ng sala.
Napatingin naman si Zack rito

" Ano yan?" Tanong nito sakin habang nanonood parin ng t.v
Dahil inis pa rin ako sa kanya di ko sya sinagot bahala siya jan!

"hindi ba sayo yan? " tanong ko sa kanya at umiling naman siya bilang sagot.

Hindi sa kanya itong box na ito? Eh Kanino to?
Kaya naman kinuha ko yung nakaipit na sulat at binasa iyon.

Napangiti naman ako nang makita ko ang pangalan ni Steve rito, nanunuyang natingin naman si Zack sakin.

" ano namaan ang ngini-ngiti ngiti mo jan para kang baliw" Tanong nito at humarap sakin.
Aktong aagawin sana niya sakin ang sulat buti nalang at listo ako at agad ko itong naiwas sa kanya.

" foul!" ako naman ngayon ang gumaya sa ginawa niya sakin kanina. kita naman sa muka na ang pag ka inis serves him right! gantihan lang yan no.

"para kang sira ayaw mo ngang ipabasa sakin yung sulat don sa study table mo tas itong sulat babasahin mo?! Unfair!" sumbat ko rito.

"tsk. Sabihim mo nalang kase kung kanino galing dami mo pang satsat" ang tila napipikon naman niyang saad at pilit paring inaagaw ang hawak kong sulat.

" ano ba galing kay Steve to!!!" Irita kong sabi rito bigla naman itong nahinto.

"Tsk. Pasulat-sulat pa ehhh meron din ako niyan!!!" Rinig kong bulong nito.

LOCKDOWN ( GAY X STRAIGHT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon