Lockdown # 3

1.2K 84 8
                                    


" Garbriel?......Gab? Nand'yan ka ba? "

Ano ba yan? Kay aga-aga ang  ingay!

Yun na ehhhh makikiss ko na si bright vachiwarit sa panaginip ko ehhh kaso istorbo yung kumakatok! Aishhhhhhh!!!

Tumayo na ako para pagbuksan ang istorbo..
Pag bukas ko ng pinto
..

OMO!!!!

Si steve pala?!!!

Oo tama ang nabasa niyo si Steve itong nasa harap ko ngayon.
Malay ko bang seseryosohin niya yung sinabi niya na dadalaw siya saakin noong nakalipas na tatlong araw.

Kunwari ayoko siyang nandito. Hihihi

Enjoy kaya!

Charot!

Pero pag tingin ko kay Steve tulala ito parang nakakita ng ng multo.

" hoy bakit ka tulala d'yan? "
Tanong ko pero ayaw parin nitong sumagot

( O.O ) ganyan parin ang reaction nya...

Hindi mabaho ang bunganga ko?
Kase naman  bumangon ako agad di man lang ako nakapag toothbrush o mumog manlang!

DUGYOT AHHH?!

" ssorry di pa ko nag totoothbrush kaya ganito bunganga ko... Pasensya ka na,.." Nahihiya kong paumanhin kay steve Habang takip ang aking bibig

Inamoy ko yung bibig ko buti nalang di natumba si steve dahil nanununtok ang amoy nito..

" oookk l-lang " sagot nito sabay lunok... Pero tulala parin ito nang sundan ko kung san nakatingin ang mata nya don ko lang napagtantong sakin pala ito nakatingin dahil tanging oversize t-shirt lang itong soot ko!! at kitang kita mula sa pwesto nya ang aking binti.

OMAY!!!!!!!! DI NA VIRGIN ANG LEGS KO!!!

kaya pala ganon nalang ang reaction nitong lalaking nasa harapan ko ngayon...

Dahil sa kahihiyan  dali dali ko munang isinara ang pinto at nagsuot ng short. Pero di ko alam kung ano ang naitulong nito dahil mas maiksi pa ito sa buhay ng butterfly.
Pero keri na yan bago ko buksan ang pinto humarap muna ako sa salamin at nag practice kung papanong ngiti ang igagawad ko kay Steve..

IGAGAWAD TALAGA EHHH?!!!
ano yun award?

Pag bukas ko ng pinto ay pinatuloy ko na siya at pumasok narin ito...

" oyyy bakit ka pala napadalaw?" Tanong ko dito at nasa muka ko parin ang kahihiyan.

" wala lang... Gusto ko lang sabihin na sabay tayong pumasok bukas kung pwede??" Nahihiyang tanong nito, ayan nanaman siya sa pagkamot niya ng batok weakness ko yun eh

Ayy nakalimutan ko nga palang sabihin sainyo na same school lang pala kami nitong si Steve... Kase nung pumunta ako sa dorm n'ya

HOYYY WAG KAYONG BERDE!!!

Pumunta ako don para maiba naman.. Lagi kase syang napunta sakin ehhh.. nakita ko yung logo ng school niya katulad din ng akin.
Nagulat nga ako ehhh dahil di ko sya nakikita don..

Nagtataka pa ba ako ehhh kalaki ng school namin..

Speaking of school may pasok pala kame bukas...
Pero kailangan namin magdala ng mask dahil nga sa corona virus.
Naniniwala kase ang school namin sa katagang

PREVENTION IS BETTER THAN CURE.

At nako sa akin pa nahiya isako kita dyan ehhh
Pero syempre joke lang yun..

"Sige ikaw bahala.. Text mo nalang ako..."

Actually mga te, wala akong number nya ganon din naman sya gusto ko lang kaseng kunin ang number niya without him knowing na gusto ko talagang kunin yung number niya.

LOCKDOWN ( GAY X STRAIGHT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon