Lockdown # 22

706 61 5
                                    

This chapter is dedicated to
KimRamirez408, ANDREABRINGAS and Violet_Cookie.
Thank you for appreciating my story!!!❤️
Paki visit rin po yung story ni Violet_Cookie, Promise Hindi kayo magsisisi....


-GAB

Narito ako ngayon sa aking sala at magisang kumakain.
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng umalis si zack dito samin. At dalawang buwan ko parin dala dala ang sakit at ang sisi sa sarili ko.
Walang mintis akong tumatawag sa kanya palagi kaso di naman niya sinasagot kayat umaasa ako na baka sa text ay mabasa nya ang sasabihin ko kahit na hindi man sya magreplay. Sinungaling ako kung itatanggi kong hindi ko sya namimiss. Miss ko na si zack miss ko na yung mga busitan namin miss ko na si bakulaw.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito.

"Hi baby Gabbie!!!!! Punta ako dyan ahhh!!" Saad ni steve at di na ako pinag salita dahil binaba na niya ito.
Oo tama ang hinala niyo, Boyfriend ko na si steve dahil sinagot ko sya noong paguwi namin galing sa date. Ewan ko ba kung bakit ang bilis nadala lang siguro ako ng aking emosyon kayat nakapagdesisyon agad ako ng ganon kabilis. Mahal ko naman si steve kaya nga nagpaligaw ako diba. Pero inatake lang ako ng depression nung araw na sinagot ko sya. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko lalo na dinagdagan pa ni zack nung araw naiyon dahil umalis ito. Sa isip ko noon wala na akong makakasama wala na akong kadamay kaya naman sinagot ko si steve dahil sa pagkatakot na baka magsawa na ito sa panliligaw at iwanan rin ako gaya ng kaibigan niya. Pero habang tumatagal mas lalo ko nang nakikilala si steve at mas lalo kong napatunayan na kailangan ko nading ibigay ang buo kong pagmamahal sa kanya. Sa 2 buwang nakalipas mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya at masasabi kong mahal ko na talaga siya.
Natigil ako sa pagmuni muni ng may biglang kumatok.
Aktong pagbukas ko ng pinto bigla nalang ako nitong hinalikan.

"HAPPY 2nd monthsary Baby Gabbie!!!!" Sigaw ni steve.
Ngayon ko lang narealized dahil sa sinabi niya na monthsary pala namin ngayon kaya naman para di masira ang mood ng napaka sweet kong boyfriend ehhh di ko na sinabing nakalimutan ko ito.

" Happy monthsary din tevi ko!!!" Bati ko rito at hinalikan ko sya sa pisngi.
Ngunit pagharap ko rito nakasibangot ito.

"Bakit ganyan ang muka mo?" Tanong ko rito.

" wala, di mo ko tinawag na BABY ehh.." Maktol nito. Sa pagiging two months namin masasabi kong naging mas extra sweet si steve sakin sya nga ang nag insist na dagdagan ang endearment namin ehhh. At tulad ngayon para syang batang inagawan ng candy dahil nakalimutan ko syang tawaging baby.

" suss eto naman. O sige na Baby...." At tuluyan na ngang gumuhit ang ngiti nya sa mga labi.
Ngunit bigla nalang itong nagbago ng dagdagan ko ang aking sinabi.
"BABY DAMULAG" sabay peace sign ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kasalukuyan kaming nanonood sa sala ngayon ng paborito kong palabas sa netflix. (Yes naka netflix kami today pinaghandaan ni steve ehhh.) dito namin gugulin ang monthsary namin tutal parehas naman kaming adik sa panonood yun nga lang wala syang hilig sa cartoons gaya ko.

Nanonood kami ngayon ng NANNO GIRL FROM NOWHERE.
Medyo natuwa nga ako dahil pinapanood din pala ito ni Steve ehhh. Kaya masasabi ko na meant to be talaga kame.. Char!!!
Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin at inilagay ang ulo niya sa aking binti at sa ganong pwesto nanood kaya naman para di masira ang moment niya hinayaan ko nalang ito.
Bigla itong lumiyad paharap sakin at ngumuso, ang cute niya sa pwesto na yan. Kaya gaya ng gusto niya hinalikan ko sya.
"Love you"
Saad niya pagkatapos ko syang halikan.
"I love you too!"

"Teka anong oras na ba?" Tanong ko kay steve. Tumingin sya sa kanyang cellphone na naka connect sa T.V
"Mag 5:30 na baby" sagot nito.

"Hala?! di pa ako nakakaluto, dito ka nalang di kumain baby para naman may kasama ako. Promise sasarapan ko ang luto ko dahil monthsary natin"
Bigla namn itong ngumiti sakin at lumapit para yakapin ako.
Ewan ko ba lagi nalang niya akong niyayakap kala mo naman wawala ako ng mawawala sa kanya ehhh.
"Love you! Wag mo kong iiwan baby gabbie ah?"
Tamo? Ang paranoid niya pero cute hihihi
" Ang oa mo tevi! Di kita iiwan kung di ka magloloko!" Biro ko rito sabay hampas sa balikat niya ng mahina at upang kumalas narin sa yakap niya.








LOCKDOWN ( GAY X STRAIGHT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon