PART 5

467 19 0
                                    

Part V.


   SA NAMUMULANG mukha ay kinuha niya sa Beta ng Soft Stone Pack na si Norse ang plangganita na may maligamgam na tubig at pampunas.Ngingisi-ngisi ang may black eye nito na mukha. Galing kasi ito sa labanan ng mga rouges.

"Please take care of him Ms. Taylor , for the pack." Maikling pakiusap nito bago nag-bow sa kanya at pasipol sipol na umalis.

Tatawagin sana niya at kakastiguhin na mali ang iniisip at nakita nito kaso humarang sa harapan niya ang ngingisi-ngisi din, may bandaid pa sa kaliwang pisnge na si Gamma Dylan.

"What?!" Matinis at malditang tanong niya sa lalaki dahil pareho ito ng expression at ang Beta.

"Take care of him for us Ms. Taylor." Maikling sabi rin nito at mabilis na kumaripas ng takbo sa nag-aabang at nakabukas na elevator at nandoon din ang nakangisi pa ring Beta. Weirdos.

" Ito po ang pagkain niyong dalawa Ms. Taylor." Saad naman ng biglang sumulpot na si Joaquin at agad ding dumalo sa dalawang lalaki na nasa loob ng elevator.

Parehong may nakakairitang ngisi ang tatlong lalaki at talaga namang gustong gusto niyang pawiin ang mga ngisi na iyon.

Napailing-iling nalang siya at pumasok sa nakabukas na pinto ng opisina at isinara iyon gamit ang paa. Doon niya nakita ang lalaking Alpha na nakahiga sa malapad na sofa nito at nakahubad baro.

'Napaka-Yummy naman! " She hissed at her wolf.

"Tumigil ka nga Venom may maraming sugat ang lalaki."

Lumapit siya sa kinaroroonan ng lalaki at ininspeksyon ang mga sugat. Ang mukha ng lalaki ay mabuti naman at kaunting galos lang pero ang katawan ng lalaki ay may tatlong  malalim na kalmot at dalawang medyo malalim na daplis ng bala.

'Hawakan mo ang abs Taylor' Humahagikhik na saad ng kanyang wolf.

"Itigil mo nga iyan Venom. Tandaan mo kung bakit tayo nandito." Pinaaalala niya ba yun sa kanyang wolf o sa sarili?

'Siyempre sa sarili dahil iisa lang tayo' Humagikhik  ulit ang kanyang wolf.

Ng umigik sa sakit ang lalaki ay napaupo siya sa gilid ng katawan nito at walang pagdadalawang isip na hinawakan at hinaplos ang pisnge ng lalaki. Kahit na nakahubad baro ito at nakita na niya ang lahat dito ay mas nangingibabaw ang kanyang pag-aalala kaysa sa hiya.

'Kailangan muna natin siyang gamutin Taylor' Tama ang kanyang wolf.

Kinuha niya ang plangganita na may lamang tubig at herbs na nakakatulong sa paghihilom ng sugat. Binasa niya ang telang nasa kamay at dinala iyon sa mukha ng Alpha.

Una niyang pinadaanan ng basang bimpo ay ang noo nito na may kaunting scratches. Medyo namumula ang mga iyon.

Sunod ay ang mga mata ng binata.

"Ang hahaba ng pilikmata " Puri niya sa binata.

Sinunod niya ang ilong ng lalaki na kay tangos at walang ka-blackheads blackheads o kaya ay whiteheads.

Pababa sa pisngi nito na may mamula-mula at maliliit na scratches din at pababa sa mga labi ng binata na kay pula at namamaga.

Hindi naman nagkaroon ng cut ang tila napaka-perpektong labi ng binata at tila mas pumula lang yata ang labi ng lalaki.

Gentleman Series: The Wolf AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon