PART VI.
NAGISING si Alpha Klein na maganda ang pakiramdam. Maganda ang kanyang gising kahit na may masakit sa kanyang katawan. Tila ba lumulutang siya.
Naalala niya ang nangyari kahapong ambush. Napaka-foul play niyon dahil mga half bloods ang sumalakay sa kanya pero dahil MALAKAS at MATIPUNO siya ay nakaya niyang talunin ang mahigit singkwenta na half bloods.
"Napakagwapo ko pa rin" Nahawakan niya ang kanyang mukha at makinis naman iyon dahil naghihilom na ang sugat. Wala rin siyang pasa kaya mabuti naman. Bukod sa chest at stomach part na naghihilom na ay wala namang masakit. Pero nakakaramdam siya ng pamamaga sa kanyang labi---
Namamaga ang kanyang mga labi?! Sa natuklasan ay napamulagat ang kanyang mga mata at napabangon ng makita si Taylor Woollard.
Nananaginip ba siya at tila nagsa-shine si Taylor sa kanyang paningin. Tanga. Nasisinagan lang pala ng araw ang napakaputi at makinis nitong mukha. Sa paningin niya tuloy ay nagre-reflect ang araw sa balat nito.
"Ang ganda." Mas maganda siguro ang dalaga kapag nakalitaw ang lilang mga mata. Kabaduyan. This is crazy.
"Nakahiga ako kanina pa sa kanyang kandungan?" He asked to himself.
'Kagabi pa' Napahilamos siya. Pero nagustuhan niya naman ang pakiramdam at tulog pa naman ito kaya nahiga siya ulit sa kandungan ng babae.
Napaka-liit ng katawan ng dalaga pero napaka-maldita nito na para bang hinahamon ang lahat ng tao. Kahit na sa paglalakad. Naalala niya tuloy ang una nalang pagkikita ng dalaga. Akala niya talaga ay inosenti at mabait at medyo totoo naman. Baka sabog lang ito nuong araw na iyon at nuong pangalawang araw na inialok nito ang sarili sa kanya na parang paninda.
"Di nga? Nagda-drugs ba siya? Ecstasy? " Hindi. Hindi. Baka lutaw lang ang isip. Matino naman itong kausap at tiyak niyang hindi papayag ang pamilya ng dalaga na magdrugs ito.
Naalala niya rin ang lenggwaheng ginamit ng dalaga sa unang pagkikita nila sa elevator. Napaka-inviting at liberated nito taliwas sa nakikita niya ngayon.
Baka ito talaga ang totoong ugali ng dalaga. Mabait naman si Taylor sa katunayan ay ilang araw niya na itong iniinis dahil nakakatuwa.
Speaking of which, ini-offer nito ang sarili sa kanya. Ibig sabihin kapag tinulungan niya ang dalaga ay pupwedeng na niyang inisin ito dahil hindi pwedeng awayin siya nito.
"That's right!" Napangiti siya at tila nagising niya ang dalaga dahil naramdaman niyang gumalaw ito sa puwesto at ilang minuto pa ay naramdaman niyang tuluyan na itong nagising.
Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang ulo pero hindi dahan-dahang ipinatong sa sofa dahil binitawan lang siya nito. Tumama tuloy ang kanyang ulo sa sofa. Napaka-bully.
Nang siguro ay aalis na ito ay pini-----
"Hoy Alpha!" Nagising siya sa tapik ng Gamma niya.
"What the hell NOT?" 'NOT' ang tawag niya sa Gamma minsan dahil sa initials ng pangalan nito. Norse Oedipus Tristan.
"You're spacing up dude." Nakangisi nitong saad.
"Masyado atang nag-enjoy kagabi at natulog pa sa lap ng Miss." Tukoy nito sa nasaksihan, dahil totoo pala talagang ni-lock ng dalawa kasama ni Joaquin ang pinto para hindi makalabas si Taylor at maalagaan siya . Pero lumitaw naman si Calvin ang kanyang wolf na kay dalang lang makipag-usap at nakakapagtaka dahil nakipag-usap at nagpakita kay Taylor.
"Shut it DAD" Tawag niya sa kanyang Beta ay 'DAD' dahil he's Dylan Adrian Drake.
Nainis ang lalaki na ikinangiti niya. Mabantot kasi ang mga palayaw nito buti pa siya Klein Vinicius tapos Ang kanyang wolf ay si Calvin. They're Calvin Klein tandem.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Wolf Alpha
WerewolfTaylor Xavier Woollard feels discriminated through out her life. Isinilang siyang kulang sa atensyon because she's a girl. 'Tsk. Kelan pa ba ibinase sa kasarian ang karapatang maging mahal na anak?' She was neglected and down graded by her father. S...