PART XXVI.
NAGISING si Klein na nakahiga na sa kanyang kwarto. Nagtataka siya kung bakit siya naroon. Pilit niyang sinasariwa ang kanyang ala-ala.
"Taylor!" Naibulalas niya ng maalala ang babae. He remembered begging her to go home.
Bumalik ulit siya sa pagkakahiga matapos maalala ang mga tingin nito sa kanya. It's so cold at walang emosyon.
"We messed up, Calvin." Ano ba ang pwede niyang gawin para mapatawad siya ng babae?
Kailangan bang maramdaman niya ang naramdaman nito habang may kahalikan siyang babae?
'No!' Sabay nilang angil ng lobo.
'Our mate is ours only Klein.' Mabangis na turan ni Calvin.
'Pero galit saatin ang ating mate Calvin.' Inalala niya ang nangyari kanina, sigurado siyang kaharap niya si Taylor.
'Nakita niya kaya tayong umiyak at himatayin Calvin?' Hindi niya maintindihan ang sakit at pagod na kanyang naramdaman kanina.
'Siguro. Pero wala na akong naaalala pagkatapos ." Paano nga kaya siya nakauwi?
Baka naglakad siya ng wala sa sarili gaya ng ginawa niya kanina. Naglalakad siya ng wala sa sarili hanggang sa dinala siya ng mga paa sa bahay ng mga Woollard kung saan niya nakita ang babae.
Isang katok ang kaniyang narinig. Tiyak niyang ang inang si Beatrice lang iyon. She's been worried to him since last night dahil sugatan siyang umuwi sa bahay. Hindi niya nga sinabi na may sugat siya sa likod.
Napabalikwas ulit siya ng upo sa kama at hinawakan ang sugat niya doon. Pero wala, wala siyang makapa.
"Di kaya naghilom na ang sugat Calvin?" Naaalala niya talaga na may poison na kumapit doon kasi hindi siya halos makakilos. Pero pinilit niya ang sarili na puntahan ang mate dahil miss na miss na niya ito.
Isang malakas na katok uli ang kanyang nadinig na para bang inip na inip na ang nasa kabilang pinto.
"Pasok!" Sino kaya iyon at kumatok pa? Kung tao sa bahay lang ay after kumatok ay papasok talaga ang mga iyon.
'Mate' Pagbukas ng pinto ay sinalubong siya ng halimuyak ng kanyang mate.
Pumasok doon si Taylor na may lilang mga mata. Nakasuot rin ito ng kahel na turtle neck at skinny jeans. Ewan ba niya at naattract siya. Mas grabe sa lahat ng naramdaman niya.
Parang gusto niyang punitin ang suot ng babae and make his way to her body. Nararamdaman niya ang pagiiba ng kulay sa kanyang mata at sigurado siyang kahit ang kanyang wolf ay gustong gusto ng talunin ang dalaga.
He looked at his necklace. It's not glowing pero alam niyang pinipigilan din siya noon.
"Taylor." Umaasa ang kanyang dibdib na baka may pag-asa pa siya sa dalaga . Napakalamig parin ng pakikitungo nito sa kanya pero sapat ng siya ang inuwian nito.
"How do you feel?" Tanong ng babae.
"Alam mo ang nangyari sa akin?" Napakabobong tanong na gusto niyang batukan ang sarili. Nasa harapan marahil siya ng babae nagcollapse at nakauwi siya dahil dito.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Wolf Alpha
WerewolfTaylor Xavier Woollard feels discriminated through out her life. Isinilang siyang kulang sa atensyon because she's a girl. 'Tsk. Kelan pa ba ibinase sa kasarian ang karapatang maging mahal na anak?' She was neglected and down graded by her father. S...