PART 3

540 18 0
                                    

Part III.


   NGAYONG natapos na ang kanyang kahibangan ay nakapag-isip isip na siya.

"Mali talaga ang ginawa ko." Kastigo niya sa sarili. "Tapos kinuwelyuhan ko pa siya."

"Tama Taylor. Nakakahiya nga ang ginawa mo, tayo na nga ang may kakaibang hiling tapos ikaw pa ang aggressive." Venom.

"Ako lang ba? Nasa iisang katawan lang tayo baka akala mo. Gusto mong hindi na ako magshift?" Nakita niyang napatirik ang mata ng kanyang ma-attitude na wolf.

"Edi tayo. Kailangan nating isipin kung paano hihingi ng tawad because WE. MESSED. UP. BIG. TIME."

Tama. Nakakahiya man pero totoo naman kasi ang sinabi ng lalaki. Siya ang nagbababa sa kanyang sarili. Siya ang parang hayok na hayok sa tulong ng Alpha kaya kung ano man ang impression nito sa kanya ay totoo talagang masama at desperada nga talaga siya. Walang siyang dapat sisihin kung hindi ang sarili.

Nahahapong napaupo siya habang nakasandal sa dingding ng Comfort Room na malapit sa lababo. Paano na ito ngayon? Why is she so careless? Dapat pinaghandaan niya ang ikikilos at i-uugali sa harap ng lalaki.

She felt dull of a sudden. Hindi niya ata kakayanin ang mga plano niya pero nasimulan na. Napaka-talk shit naman niya kung ngayon pa siya susuko, kung saan may development na.

Dapat panindigan niya ang desisyon.

"Dear self, Laban lang, Puso! Este utak pala. Kailangan mong gamitin ang utak mo para makausad sa buhay Taylor." Ipakita mo na you're not just a famous jeweler but also a person who's worth to look up to. She belongs to the family of Woollard because like them she's strong and responsible too.

Dapat niya munang itago kung ano siya. Kung ano ang totoong siya dahil hindi naman sila magkaibigan.

Hindi niya namalayan na bumukas pala ang pinto ng C.R at hindi niya rin nakita ang pag-aalalang dumaan sa mga mata ng Alpha ng makita siyang naka-upo sa sahig , kipkip ang dalawang tuhod at nakapikit ang mga mata. Namalayan niya na lang ang presensya ng kung sino ng hawakan nito ang magkabilang gilid niya at nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"A-are you okay?" Tanong ni Klein.

Nakatitig ito sa kanya pero bakas ang labis na pag-aalala. And for the first time she felt it ,someone is concerned for her sake.

"Yes."  She said sa mahinang boses. Inalalayan siya nito palabas sa C.R.

Nakakahiya na nakakatawa ang itsura nila kung nasa tamang pag-iisip siguro siya. They looked like a couple na tinulungan ng lalaki ang misis ng magduwal ito dahil buntis.

Wait. Ano ba naman iyang naiisip mo Taylor?

Pinigilan niya ang braso ng Alpha at nagtatakang tumingin naman sa kanya ang gwapo nitong mukha. Kumunot ng medyo ang noo nito at ewan ba niya sapagkat nakyu-kyutan siya sa lalaki sa anyong iyon.

" Sorry. " She said it again. The guy just shrugged.

Natakot ata niya ang binata sa kanyang mga mata kaya nagiging mabait ito? Kunsabagay sino ba namang matinong taong lobo ang hindi manginginig kapag bigla nalang naging kulay Lila ang mga mata ng kaharap na kilalang kilala sa Hearth bilang sagisag ng slaughterers, the demons.

Gentleman Series: The Wolf AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon