Started Writing: June 01, 2020
Disclaimer: Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
♡♡♡♡♡♡♡
Isa sa pinakamasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang bestfriend.
Yung mayroong taong lagi kang sasamahan, yung may laging nandyan para maging kakwentuhan, yung laging tutulungan ka sa kahit saan.
Lahat ng katangian ng mabuting kaibigan ay natagpuan ko sa bestfriend kong si Maris Villanueva.
Normal lang naman kaming tao pero kaya niyang gawing extraordinary ang lahat basta magkasama kami.
Masaya naman kami palagi. Halos nga hindi na kami magpaghiwalay kapag nasa school kami. Sabay marmeryenda, maglunch, mag-cr, at umuwi. Ayaw na naming mahiwalay pa sa isa't- isa kahit sandaling minuto lang.
In terms of appearance, magkaiba kami. Kayumanggi ang kulay niya at maputi naman ako. Sa height, maliit siya at sobrang tangkad ko naman. Sa unang tingin, hindi aakalain na magbestfriend kami pero kapag nakilala na nila kami, masasabi na solid ang samahan namin.
Marami pa kaming pinagkaibang dalawa pero hindi iyon naging hadlang para magkasundo kami.
Marami akong kahinaan pero siya ang naging lakas ko sa lahat ng iyon. Kahit na maliit siya, siya pa madalas ang nagtatanggol sa matangkad na ako. And I admire her so much for that.
Our friendship was perfect until the moment came that they needed to migrate to US.
We were just in Grade 4 back then when we parted. Milya-milyang distansya ang namagitan sa aming dalawa.
Pero hindi iyon naging rason para kalimutan ko siya. May pangako kami, at iyon ang kailanman ay hindi mawawala sa isip ko.
15 years na ang nakakalipas pero ganun pa din ang turing ko sa kanya. Hindi siya napalitan ng kahit na sino sa puso at isip ko, sa buhay ko kahit sandali.
Isang dipa na lang ang layo ko sa kanya. Mayayakap ko na ulit siya.
"Hi Best! Kamusta ka?" masiglang bati ko nang makalapit ako.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ang tagal kong inasam mangyari ang araw na ito. Yung mayayakap, makakausap at mahahawakan ko na ulit siya sa personal.
Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya dahil gusto kong pagmasdan ang mukha niya. Ang laki ng pinagbago niya pero nandoon pa din yung phisical attributes niya mula bata siya. Mas gumanda lang talaga siya ngayon.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha. Tila ba tinitignan at sinasaulo niya ang bawat parte noon.
Nang bitawan niya ako ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka deretsong tumingin sa mga mata ko.
Tila nagtatanong ang mga tingin na iyon.
Matagal bago ako nakarinig ng sagot pero kaya kong maghintay. Natahimik ang buong paligid na animo'y nag-aabang din sa sagot ni Maris.
"Uhm excuse me lady, may I pass? Why did you hug me?" medyo maarteng sagot niya.
Nanatiling nasa amin ang paningin ng lahat ng tao sa paligid pero nanatili pa din sa kanya ang paningin ko. Hindi na ako nakasagot sa tanong niya.
'Uhm I hugged you because I miss you, my bestfriend. Duhhh' sabi ko na lang sa isip ko.
"I don't even know you!" dagdag pa niya at saka ako nilagpasan at tuluyang tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Best, Always!
Teen FictionAnne Baquillas traveled halfway accross the world to reunite with Maris Villanueva, her childhood bestfriend. Pero nasorpresa siya sa nadatnan niya sa America nang makatungtong siya rito. Maris is still Maris Villanueva she knew physically but livin...