2

29 1 0
                                    

"Are you sure na kaya mo nang mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Papa.

Nandito na kami ngayon sa airport at ngayon na ang flight ko.

Ilang buwan na ang nakalipas matapos kong matanggap ang visa ko at ito ang napili kong araw ng flight.

Sa mg buwang iyon, ang daming kong pinagdaanan dahil sa dami ng mga nangyari. Kinailangan ko munang tapusin ang semester para makaalis nang walang isipin. Bakasyon na namin ngayon kaya kahit gaano ako katagal manatili doon ay okay lang.

Hindi naging madali ang nga lumipas na linggo para sa akin. Sobra akong naging busy sa school at aaminin kong sobra ang ibinagsak ng katawan ko ngayon. Namayat ako dahil sa puyat at sa stress na dala ng sandamakmak na school requirements.

I'm just so glad na kinaya kong tapusin iyon at makasurvive this sem.

Isa sa mga naging inspirasyon ko ang kagustuhang makapunta na sa US para pilitin ng katawan kong kayanin ang lahat. Kaya naman hindi mapapantayan ang saya ko ngayong araw ng flight ko.

"Pa, kaya ko na to" pangungumbinsi ko. "Kakayanin ko"

Nginitian ko si Papa para ipakitang kaya ko nang pumunta sa US mag-isa pero nanatili sa mata niya ang pag-aalala. Para namang may magagawa siya kung sabihin kong hindi ko kaya. Tsk.

Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa pagbyahe kong ito. This will be my first out of the country trip at first time ko din makakasakay ng eroplano.

Naeexcite ako pero syempre nalulungkot din kasi hindi ko kasama ang pamilya ko sa unang pagsakay ko. Pangarap pa naman ito ng pamilya namin.

Nakakalungkot din isipin na mawawalay ako sa pamilya ko dahil sa pag-alis ko. Hindi ito ganun kadali dahil ilang milya ang layo namin sa isa't-isa. Sanay pa naman akong kasama sila lagi. Haysssss.

Pero syempre, kailangan kong tumuloy. Bukod sa nakabayad na ako para sa ticket, naayos na din ang lahat. Ayoko namang sayangin ang pagkakataon ko.

"Oh basta tumawag ka lagi sa amin ha?" nag-aalala pa ding sabi ni Papa. "Iintayin ka namin makabalik. Mag-iingat ka anak."

Yumakap siya sa akin at humalik sa pisngi. Alam kong sobrang mamimiss ako ni Papa dahil close kaming dalawa kahit madalas lang kaming nag-aasaran niyan.

Sumunod akong yumakap kay Mama na bagaman nakangiti, mababasa din ang lungkot sa mata dahil mawawalay na naman ako sa kanila.

Hindi na nagsalita si Mama dahil napag-usapan na namin kagabi ang tungkol sa pag-alis ko. Nagpaalam na din siya sakin na hindi na daw siya iimik kapag hinatid nila ako dahil baka daw pigilan lang niya akong umalis kapag dumada pa siya.

Lumapit din ako sa kapatid ko at yumakap. Bagaman busy siya sa cellphone niya, alam kong dinidisctract lang niya ang sarili para hindi malungkot na aalis ako. Narinig ko kasi ang hikbi niya kagabi habang nag-aayos ako ng gamit. Kahit nakatalikod siya sakin, alam kong umiiyak siya dahil gumagalaw ang mga balikat niya.

Huli kong niyakap si Mami Ella para makapagpasalamat sa kanya. Nginitian naman niya ako at muling hinalikan din sa pisngi.

"Oh alam mo na ah? Pagdating mo doon, susunduin ka ng kaibigan ko at doon ka tutuloy sa kanila. Ibinilin na kita sa kaniya okay?" paalala niya.

"Yes Mami" tinanguan ko siya at saka tumalikod na sa kanila para makapasok na ako sa airport.

Alam ko nang malelate lang ako sa flight ko kapag nagtagal pa ako sa pakikipagpaalamanan sa kanila dahil siguradong mag-iiyakan lang kami.

Best, Always!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon