1

27 1 0
                                    

"Okay, class dismissed."


Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko matapos ang klase namin. Gustong-gusto ko nang umuwi at magpahinga dahil wala akong tulog mula kahapon sa dami ng requirements na tinapos ko.


Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong tinignan iyon. Nakatanggap ako ng text mula kay Mami Ella, tita ko.


From: Mami Ella
Call me up asap.
5:05 pm


Lalo akong nagmadali nang mabasa ko iyon. Nararamdaman kong importante ang dahilan ni Mami Ella kung bakit niya ako pinapatawag sa kanya agad-agad.


Nang makalabas na ako sa classroom, tinawagan ko agad si tita habang naglalakad ako sa hallway. Dahan-dahan pa ang paglalakad ko dahil saksakan ng dulas ang hallway na ito. Tsk.


"Hello, Mami Ella?" Bungad ko sa kanya.


{Hello, 'nak? Nasaan ka?}


"Kakatapos lang ng klase ko Mami. Bakit?"


{Ahh, magkita tayo sa mall. I'm on my way. Bilisan mo.}


"Sige Mami. May problema ba?"


{Wala naman. May ibabalita ako sayo}


Binaba na agad ni Mami ang tawag kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod sa utos at makipagkita sa kanya sa mall.


'Ano kaya ang sasabihin niya sakin at kailangan pa naming magkita ng personal?'


Pagod na pagod na ako at gusto ko nang umuwi para makapagpahinga. Nararamdaman ko nang konting oras na lang, tuluyan nang babagsak ang mga mata ko sa antok. Malumanay na din ang kilos ko kaya lalo kong naramdamang umeepekto na sa akin ang puyat.


Nang marating ko ang mall, nagderetso na ako sa paboritong restaurant ni Mami dahil sigurado naman akong dun din kami pupunta.


Hindi ako nagkamali sa hinala ko dahil pagkarating ko doon, nakita kong nakaupo na siya sa isang table, prenteng naghihintay sakin. Tingin ko ay nakaorder na din siya agad.


Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi para bumati. Sinenyasan naman niya akong maupo sa harap niya.


"Anong meron Mami Ella?" tanong ko.


Hindi sumagot si Mami pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Bakas ang excitement at tuwa sa mga mata niya kaya hindi naman na ako kinabahan sa kung anumang ibabalita niya.


Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin at hindi nagsalita hangga't hindi siya sumagsagot sa tanong ko.


Dahan-dahan siyang lumingon sa gilid niya at nakita kong may kinukuha siya sa bag niya.


Best, Always!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon