3

19 1 0
                                    

"Welcome to USA Ma'am!" bati ng isang airport personnel nang makalapag kami sa airport.


Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng napakalaking airport na ito. Ang dami kong nakikitang tao pero dahil sa sobrang lawak nito, hindi pa din masikip sa loob. Mas modern din ang itsura nito kung ikukumpara sa airport sa Pilipinas. Kahit gusto kong ilibot ang paningin ko sa bawat sulok ng airport na ito, hindi ko ginawa dahil magmumukha akong tanga. Hehe


'Kahit first time ko, hindi ako papahalata no! Hakhak!'


Medyo mahaba ang nilakad ko hanggang sa makarating ako sa arrival area. Di gaanong madami ang tao doon pero may iilan na halatang nag-aabang dahil sa mga dala nilang placards na may nakasulat na pangalan ng hinihintay nila. 


Sinubukan kong basahin ang mga hawak nila para icheck kung nandoon ang pangalan ko. Sobrang kumunot na ang noo ko kakaaninag dahil sa labo ng mata ko pero wala talaga sa mga iyon ang pangalan ko.


'Sino ba kasi yung susundo sa akin? Huhu! Bakit hindi ako humingi kay Mami ng picture!!?? Ahkk!'


Pinilit kong itago ang kabang namumuo sa damdamin ko kahit na sa isip ko ay sobrang namomroblema na ako kung paano ko ba malalaman kung sino ang susundo sa akin.


Sa huling usapan namin ni Mami Ella, ang tanging sinabi lamang niya ay yung kaibigan na daw niya ang bahalang mag-asikaso sa akin. Ako naman itong si makakalimutin, nakalimot magtanong kung anong itsura nung kaibigan niya. Aishhh. Tanging "Tita Olive" lang ang alam ko tungkol sa kaibigan niya.


'Pano ko naman kaya hahanapin yun dito? Ang daming Olive ata sa America no!'


Nagsisimula nang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanghihina rin ang mga tuhod ko kaya pumunta muna ako sa may side kung saan may nakita akong upuan para umupo. Mahirap na kasi baka magcollapse pa ako dito bigla.


Yumuko ako saglit dahil nararamdaman ko nang malapit nang bumagsak ang mga luha ko. Pumikit ako para pigilan ang pagkawala nila sa mga mata ko.


'Huhu. Maliligaw ba talaga ako? At dito pa talaga sa ibang bansa?'


"Uhm, excuse me Miss?"


Napamulat ako nang may marinig akong nagsasalita sa harapan ko. Malaki yung boses nung nagsalita at medyo husky din kaya alam kong boses lalaki iyon.


Nang magmulat ang mata ko, nakita ko ang binti ng isang taong nakatayo sa harapan ko. Maganda yung sapatos na suot niya, panlalaki at bet ko yung style.


'San kaya niya yon nabili? Meron kayang size ko?'


"Ahmm hey? Miss? Are you okay?" pagsasalita niya ulit.


Dahan-dahan akong nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harapan ko hanggang sa magtama ang paningin namin. Nakasuot siya ng plain white shirt at black shorts tas nakashades din.

Best, Always!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon