"Ano bang nangyari ha? Ryle? Via?"
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang galit at nag-aalalang boses ni Tita Olive. Mukhang pinapagalitan sina Ryle at Via.
Unti-unti akong nagmulat nang mata upang makita kung anong nangyayari. Bumungad sa akin ang nakatayo ngunit nakayukong si Ryle at Via. Para silang mga batang pinapagalitan dahil sa isang kasalanan at parehong walang magawa kundi pakinggan ang lahat ng sermon sa kanila.
Sinubukan kong bumangon at umupo sa kama ko pero nakaramdam ako ng sakit ng katawan at ulo. Mabilis na lumapit sa akin si Tita Olive nang mapansing gising na ako.
"Anne? Kamusta ang pakiramdam mo iha? Nahihilo ka ba? May masakit ba sayo? Ano iha? Sabihin mo sa akin." mahinahong tanong ni Tita Olive pero bakas ang kanyang pag-aalala.
'Teka, paano ako nakarating dito?'
"May masakit pa ba sayo Anne?" nag-aalalang tanong ni Ryle sa akin.
Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa kwarto pero hindi pa ako nakakakalahati ay sumakit na ang ulo ko kaya napahawak ako rito.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila. "Bakit masakit yung ulo ko?" dagdag ko habang nakahawak pa din sa ulo ko.
Sinenyasan ako ni Tita Olive na mahiga na muna kaya sumunod ako. Inalalayan naman niya akong makahiga muli ng ayos.
"Ano pong nangyari sa akin Tita? Paanong nandito na po ako, eh nasa park po kami kanina?" naguguluhang tanong ko.
"A-ah ano kasi Anne" bigkas ni Ryle ngunit hinwakan ni Tita Olive ang braso niya, senyales na pinapatigil siya sa pagsasalita.
"Magpahinga ka na muna Anne. We will call the Doctor." sabi ni Tita saka kami iniwan sa loob ng kwarto.
Naiwan ako sa loob ng kwarto kasama si Ryle at Via na masama ang tingin sa akin at magkakrus ang mga braso.
Muli akong tumingin kay Ryle, gusto ko sanang magtanong pero wala sa akin ang paningin niya. Mukhang iniiwasang matanong siya.
Hindi nagtagal ay padabog na umirap si Via at saka lumabas sa kwarto. Naging malakas ang tunog ng pagsasara niya ng pinto kaya napaigtad pa si Ryle.
"Aah magpahinga ka na muna Anne. Lalabas na muna ako." sabi ni Ryle saka ako tinalikuran at lumabas din sa kwarto tulad ni Via.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kisame at pilit na alalahanin kung ano ang mga nangyari. Nakapagtatakang hindi ko alam kung paano ako nakauwi gayong hindi naman kami naglasing kanina.
I closed my eyes and tried to remember everything that we did. Mula sa pag-alis naming dito sa bahay hanggang sa park. Naaalala ko naman lahat ngunit may kulang. Putol ang naaalala ko.
BINABASA MO ANG
Best, Always!
Teen FictionAnne Baquillas traveled halfway accross the world to reunite with Maris Villanueva, her childhood bestfriend. Pero nasorpresa siya sa nadatnan niya sa America nang makatungtong siya rito. Maris is still Maris Villanueva she knew physically but livin...