4

18 1 0
                                    

"Good morning Miss Ganda!" bungad sa akin ng isang lalaking nakasuot pa ng pajama at plain white shirt nang makalabas ako sa kwarto. Mukhang kakalabas lang din niya sa kwarto na mismong katapat ng tinulugan ko.

Sinuklian ko na lang siya ng ngiti at bahagyang pagtango.

"Ayos ka lang ba? Mukhang puyat ah?" may halong pang-aasar na tanong niya.

Ang totoo, kulang na kulang ang tulog ko kaya pagod pa din ako. Naalimpungatan kasi ako kanina nang mapanaginipan ko si Maris na umiiyak. Madilim pa noong nagising ako kaya di na ako nagtaka nang makitang 3:30 am pa lang noon.

"Ahh, oo. Ayos lang. Kulang lang sa tulog" nakakunot ang noong sagot ko dahil masakit ang ulo ko.

"Ayos lang yan! Makakaadjust ka din sa oras dito" sabi niya. "Tara na sa baba"

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kusina sa baba.

Dinatnan namin sa kusina ang isang babaeng kumakain ng cereal. Nakapantulog pa din siyang damit kagaya namin.

Maganda siya kahit walang ayos, mahaba ang medyo brown na buhok pero nakapuyod iyon sa bun. Sakto lang din ang katawan niya, hindi payat pero hindi din mataba.

Tumingin siya sa gawi namin nang maramdamang naroon kami. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nginitian ko siya nang magtama ang paningin namin pero bigla na lang siyang umirap at ibinalik ang tingin sa bowl ng cereal niya.

"Ahh, tara. Almusal na tayo" sabi ng lalaking kasama ko.

Sumunod ako sa kanya pagpunta sa kitchen at saka nagtimpla ng sarili kong kape.

Umupo kami sa isang round table kasama yung babaeng nang-irap sa akin kanina. Parehas kaming tahimik na lang na kumain.

Hindi na din nagsalita pa yung lalaking kasabay ko kanina dahil busy siya sa pagkain ng cereal niya. Mukhang paborito niya yung kinakain niya dahil nagsalin pa siya uli nang maubos niya yung laman ng unang bowl niya. Medyo nakakailang ang nakakabinging katahimikan sa table na ito.

'Gosh! Bakit ba anv awkward ng atmosphere? May nagawa ba akong masama sa babaeng to?'

Sigurado akong ito pa lamang ang unang pagkakataon na makita ko siya kaya hindi ko maisip kung may nagawa nga ba akong masama.

"Oh Anna! You're awake na pala!" masiglang bati ni Tita Olive nang makakababa siya.

Lumapit siya sa akin at yumakap sa akin. Yumakap din ako sa kanya pabalik.

"So you met each other already huh?" sabi niya nang makita ang dalawang kasama ko sa mesa.

Bahagya akong ngumiti sa kanya, hindi alam ang isasagot dahil hindi pa naman talaga pormal na nagpapakilala sa isa't-isa. Ni hindi ko nga naitanong kung anong pangalan nung lalaking nakasabay ko kanina eh.

"This is Via, my daughter" pagpapakilala niya sa babae. "At siya naman si Ryle, kasama natin dito sa bahay." tumingin naman siya sa lalaki. "Marami kaming nakatira dito, puro OFW at ang ilan ay mga anak nila kaya di ka masyadong mahohomesick. Puro kababayan naman ang kasama"

"Syempre Tita O! Di yan mabobored! Nandito ako eh!" sabi ni Ryle at saka kumindat sa akin bago muling kumain.

Narinig kong bumuntong hininga si Via at saka padabog na tumayo at dumeretso na uli sa taas. Napatingin ako kay Tita Olive na napapailing na lang sa inasal ng anak.

Best, Always!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon