Part 13

325 18 9
                                    

Hanggang sa nakarating kami ng condo ni ken pero parang balisa padin sya at malalim ang iniisip.

'Ken? Ako na magluluto'.

'Okay sige, cook for me please'. Sagot ni ken nang hindi nakatingin sa akin dahil abala ito sa paghubad ng medyas nya at ako ay busy sa pag salansan sa ref ng mga pinamili namin.

'Anong gusto mong lutuin ko ken?'.
Sigaw ko rito, at lumabas ito mula sa kwarto.

'Chicken curry please'.

'Okay sige'.

--

Lalalalala lalalala~

Kasalukuyan akong nagluluto sa kusina at tinikman tong niluluto kong chicken curry.

Nagbudbod pako ng asin at natigilan nang maramdaman ko ang mga kamay na pumulupot sa bewang ko.

'Luto na?'. Si ken na isinandal ang ulo nya likod ko.

'Antok kana?'.

'Yeah, pagod'. Inalis nito ang pagkakayakap saken at umupo sa may dining table at nakapangalumbabang nakatingin sa bawat kilos ko.

Nang makahain ay inilapag ko na ang chicken curry at mainit pang kanin sa mesa. Pagkakakuha ko ng tinimpla kong iced tea kanina sa ref ay pumanhik nadin ako papuntang mesa.

--

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nag prisintang maghugas dahil alam kong pagod si ken.

Nag half bath lang ako at nadatnan kong naka harap pa si ken sa laptop nya. Mukhang bagong half bath din ito dahil nagpalit ito ng damit at may tuwalyang nakasabit sa leeg.

'Ken'.

'Hmmmm?'. Sagot nito na hindi tinatanggal ang tingin sa laptop.

'May pasok ka bukas?'. Mabilis lang ako nitong nilingon at bumalik ulit sa pagtitipa sa laptop nya.

'Wala, why?'.

'Bukas mo na tapusin yan'.

'Okay sige'. Pagod nga.

Kinuha ko nag ointment ko sa bag at paglingon ko ay pahiga na si ken. Lumapit nalang ako sa tabi nya.

'Hubadin mo muna damit mo ken'. Takang nilingon ako nito at malamlam ang mga matang nagtatanong.

'Why baby?'. At nitanggal naman nito ang damit pang itaas.

'May ointment ako dito. Dapa ka massage lang kita, alam kong pagod ka'.

Sinunod naman ako nito at dumapa na.

'Thank you for this jah'.

Fire has startedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon