2 - Anna Jazmine Yulo

40 7 5
                                    

Jazmine's Point of View

August 6. First day ng school. Oras na para mag bagong buhay hahaha char.

Eto talaga yung time na nakilala ko yung mga taong importante sa akin ngayon.

Ito rin yung time na hindi ko inaakala na ganito magiging kakumplikado ang buhay ko. Chill lang naman ako sa acads. Focus ko talaga yung sarili kong kaligayahan kasi why not? Minsan ka lang naman mag-high school. Pero 'gets ko naman yung mga nagsasabi na minsan ka lang din bigyan ng chance na mag-aral.

So, nabuo yung tropa namin nung Filipino presentation. Draw lots siya, and ang swerte talaga namin kasi maganda yung groupings !!!

Andyan sina Arielle de Leon, Jen Riel (MVP 'to sa volleyball, pramis), at si Reign Galleros. Silang tatlo yung mga unang naging ka-close ko nung pumasok, and nakakahawa yung mga tawa nilaa.

Si Jen Riel yung tipong taong aasarin mo pero masaya tas tumatawa pa rin. Nakakainis yung tawa niya, napapatawa ka nalang din.

Si Reign Galleros naman yung class top 1 and class pres sa amin. Mamamangha ka nalang talaga by the way he leads the class. Marami rin kaming naipanalong class compets dahil sa kanya. Nakakatawa rin siya, pero minsan ang cocorny ng jokes niya na iisipin mo talaga yung joke for a minute or two bago mo siya magets. Iba talaga magbiro ang matalino. Hahaha.

Arielle de Leon is the student na palakaibigan sa lahat. Magaling siya kumanta, and gustong-gusto ko talagang makipag-duet sa kanya 'pag gumagala kami sa T*mezone.

Walo kami sa grupo. The others were Kate Villegas, Mitch Tupas, Joshua Pamplona, and... Sebastian Madrigal.

Si Kate yung pinaka-artistic sa class! Legit mapapahanga ka talaga sa mga works niya, from charcoal to digital ones. Medyo boyish siya, pero it's totally fine by us. Siya yun eh :). Nakakatawa rin siya, actually.

Si Mitch Tupas and Joshua Pamplona yung dalawang sumo wrestlers sa amin. HAHAHA. Sila yung kadalasang nag-aaway nang palabiro sa group namin. Pero madalas napipikon si Joshua, and nakakatakot siya magalit. Mabilis naman din siya mag-cool down.

Si Joshua yung nakakasama ko rin sa pag-compete abroad. Siya yung nakasabay kong gumala sa Orchard Road sa Singapore, and akalain mo yun, nawala pa kami sa Changi hahaha.

Hmm... Sebastian Madrigal. Siya yung pinaka-tahimik sa grupo namin, honestly. Pero by the end of the school year lang siya umingay. Mahirap kasi siya i-describe, eh. Lalo na during the first three quarters. He's the typical lowkey guy who wears glasses and keeps a low profile at first glance. The first time we met him(kami nina Jen at Reign), una naming napansin ung mga mata niya. Or ako lang ata nakapansin nun.

It sorta looks like small almonds, and it also gives him that "iiyak palang" or "kakaiyak lang" na look. Lam mo yun? Mukha talaga siyang sensitive noon, pero alam ko naman na na hindi siya talaga ganun. He seems shy, I guess.

Yung highlight para sa akin nung Grade Seven is yung field tripp!!

Omg, eto talaga yung pinakamasayang class activity namin. Late ako nakarating, and hindi ko alam na yung section lang pala namin yung nahiwalay :(. Si Reign yung katabi ko sa bus and ang saya niyang kausapin sa umaga. Ang fun din ng mga activities! We went to this camp in Cavite and maputik siya! Pero aside from that, ang daming aesthetic na lugar na dp-worthy.

Mga 5 PM na kami naka-alis, though we could've stayed longer, kung di lang dahil sa traffic sa SLEX at EDSA. Nakatulog na si Reign sa bus kasi di sila natulog the night before, and gusto ko talagang dumaldal and stuff. 7 PM. Stuck pa rin sa traffic. Halos lahat na ata sila nakatulog. Except for Seb.

Hindi ko talaga intensyon na kausapin siya in the first place, kasi I can't really think of any topic that I could talk about with him. Pero, guess what? Siya yung unang kumausap sa akin! Akalain mo yun? Nag-complain siya about sa traffic haha, and our talks progressed from that. It was certainly not one of the best convos that I've had, but it is one of the most worthwhile.

Na-cut short nga lang yung convo namin nung tumawag si Louis. Asa van kasi siya.

Louis Rosales.

Una kong napansin sa kanya yung pagka-balance niya ng sports and acads. Nagustuhan ko rin yung liveliness niya around people and his clique. We've been together for more than two months now.

Di rin siya nag-work sa huli.

Pero, if I can be honest with you?

I realllly feel something empty inside me. Like, mahirap siyang i-fill up ng kahit anumang bagay. My parents never gave me any, puro tadtad lang ng expectations, and nauumay na ako 'ron.

That's why I look for 'that' feeling elsewhere. I search, and search,... and search for it. Kala mo settled ka na sa kanya; you thought that He is the one already. Malas talaga ako sa mga ganyan. And I'm kinda tired of it. I'm tired of having my feelings played at. I'm tired of my feelings getting hurt. Yet I still can't stop myself from searching for love and care that I so earnestly desire.

If I searched for love for another time, will it make me happy? Will I really settle with him? Rerespetuhin at mamahalin niya ba ako, di lang bilang tao, pero as a companion?

I'm pathetic.

[This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental]

Un-FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon