3 - The Outing

23 6 0
                                    

Someone's Point of View

Mahirap magkagusto sa kabarkadaThat's what I learned noong high school pa lang ako.

Ahh, I still remember that class outing a few years back. It was somewhere in Montalban, medyo malayo sa sentro ng bayan.

Hayy. Single since birth. Hanggang tagapayo lang sa mga tao at taga-awat sa mga nag-aaway. Ako ata pinakamatandang mag-isip sa friend group, hinde, sa k l a s e ko.

"Arielle, patulong naman sa crush ko."

"Arielle, di na ako kinakausap ng jowa ko. Anong gagawin ko?" (Malay ko ba dyan)

Montalban, Montalban. Tss. Masasabi mong maraming drama na nangyari rito, pero sumentro lang naman yung drama sa iilang mga tao lamang. Ito rin yung time na yung class unity na present na present dati ay unti-unti nang naglalaho na parang abo.

Ano ba kasi nangyari nun?

6:45 AM. Dumating yung carpool sa bahay namin. Kasabay ko sina Jaz at Jen sa sinasakyan namin. Hayy buti nalang nahiwalay kaming tatloo haha. Puro chismisan lang kami sa kotse, and marami rin akong dalang pagkain, pero nahiya akong ilabas yung iba kasi makalat.

Hindi masyadong matagal ang biyahe kung walang traffic. Nakarating na kami sa Montalban around 8:30 AM, sa summer house nina Jen, and kami pala yung nauna roon! Magandang chance ito na i-explore yung 'hacienda' nina Jen. HAHA. Legitt malawak talaga yung bukirin nila, pero modern yung mga gusali roon.

Ang garbo ng garahe nila. Nakadisplay ang iba't ibang sasakyan na mamahalin, na mula pa sa mga pinakakilala at matataas na brands.

"Yung iba dyan ay sa mga kamag-anak naminn. Di samin lahat yan HAHAHA.", tahol ni Jen.

Compared sa typical na hacienda, wala kang makikitang mga taniman dun, except sa mga puno ng mangga at malunggay, and mas lalo nang wala kang makikitang mga hayop of any sort doon. Summer house lang talaga. For leisure and vacation purposes only ;) .

Pinaka-nagustuhan ko is yung wide covered court sa gitna ng compound. It can easily fit a house in there. Samu't saring pailaw at puting tela ang nakasabit sa kawayan na bubong, na nakahugis na parang hexagon.

Infairness yayamanin si Jen, ayaw niya lang aminin. Shuta mapapasanaol ka nalang talaga.

We were led to our rooms by Jen's father, na siya ring nagdrive sa amin sa lugar na ito. Kung mukhang yayamanin yung covered court nila, mukha namang burgis ang guest rooms nila. Ghorl! Ang laki ng kama! Yung tipong magkakasya kaming tatlo roon, may space pa! Hango sa sutla yung bedsheets, at ramdam mo ang ulap na texture ng mga unan.

Sa kaliwa ng kama ay may balkonahe na pwede ka ring tumambay. Binuksan namin yung glass door, and bumubuga talaga yung hangin sa kwarto! I heard that this compound is quite way up, kaya ganun nalang ka-presko ang hangin at paligid.

Jen talaga naku sugar mommy na kita sa pasukan.

"Wow shucks ang ganda naman ng kwarto natinn!" , sabik na sabi ni Jaz.

"Rk talaga tong si Jen oh!", singit ko

"Oy grabe di naman HAHAHAHA", sabi ni Jen na may halong halakhak na di mo malaman.

"Dito rin matutulog yung mga iba ninyong kaklase na babae. Hindi naman lahat, pero maglalatag nalang kami ng kutson. Yung mga iba tsaka yung lalaki sa iba namang mga kwarto.", sabi ng tatay ni Jen.

Kala ko ba naman kami-kami lang andito. Hmph.

Tumambay muna kami sa kwarto. Binuksan ni Jen yung aircon. Nakahiga lang ako sa kama, nakaupo lang si Jaz sa balkonahe, may inaasikaso.

Mga isang oras kaming nakalatay sa kwarto. May Netflix sila, pero di na kami nakanood kasi nagka-away away kami sa papanoorin hahaha.

Dumating na rin yung mga ibang babae sa klase at yung mga lalaki.

"Mga pangit andito na kamii", sigaw ni Joshua na may kasama pang pa-catwalk at kembot papasok sa kwarto. Natawa nalang si Jen.

"Kaw Jen a di ko alam mayaman pala pamilya ninyo. De joke lang HAHA, teka may CR ba dito? Kanina pa ako nagpipigil sa sasakyan ih.", dagdag ni Joshua.

Joshua namann haha.

Sinamahan siya ni Jen papunta sa CR.

Andito na kaming lahat, except for a few.

"Di raw makakapunta sina Deanne at Louis. Di pinayagan si Deanne, tas ewan ko kay Louis.", sabi ni Reign.

Sabay kami ni Mitch tumingin kay Jaz. HAHAHA. Sinimangutan niya naman kami. Sorry, Jaz. HAHA.

Tinawag kami ng mga ate sa kwarto para kumain ng lunch sa court. Aba, may videoke rinn!

"Uyy, may videoke sila Joshua, o! Kanta ka bilis! Magaling ka kumanta, diba? HAHAHA", nakakabinging tawa ni Jen.

"Anong sila? Sa inyo yan eh! Tsaka ayoko kumanta daming tao di ako magaling." pairap na sabi ni Joshua.

"Baka masira pa yang videoke e. Nakakahiya.", pabulong na sabi ni Mitch.

Buti nalang di narinig ni Joshua. Kung hindi nakatikim na ng sapak yan.

Maraming pagkain sa mahabang mesa, and it's really packed with food tas nagdala pa ng potluck yung iba kong classmates. Nahiya naman akong kumuha nang marami, tsaka tataba ako.

Sina Joshua, Mitch, at Kate yung mga mababangis kumain sa amin. Kahit saan, naghahanap ng pagkain. Kahit kumakain, nag-iisip pa rin ng pagkain. Sana bigyan man nila ako ng kahit konting kawalang-hiyaan.

Masaya kaming nakipag-kwentuhan at nagkantahan. Bumirit din si Joshua, at nakatikim na ng sapak si Mitch. Pero parang may kulang...

3:00 PM, nasa court pa rin kami, doing the same things as before. Nag-indulge talaga kami sa saya at tawanan nang biglang nagtanong si Jazmine, na narealize namin after niya sabihin iyon.

"Teka, asan si Seb?"

Un-FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon