4 - Nuisance

20 6 0
                                    

Someone's Point of View

Sa kaka-enjoy naming magtawanan at magkwentuhan ay nakalimutan namin na kulang pala kami.

"Si Seb? Hala, oo nga noh. Asan kaya siya", sabi ko.

"Oy kayo ha di ko alam naging makakalimutin na kayo", aniya ni Kate.

"Sus, kalimutan mo nga rin eh. 'Di ba gusto mo siya?", pang-asar na tanong ni Joshua na sinabayan niya pa ng pag-ungol.

Teka, gulat ako. Crush ni Kate si Seb?

"Weh, crush mo siya?? Waww nemen telege HAHA", dagdag ko.

"Gago ka Joshua. Wag ka nga magsabi ng mga ganyan. Di naman totoo.", pahinang sabi ni Kate na napansin kong namumutla ang tenga at pisngi.

Napatahimik nalang kaming lahat. Pero parang ako lang ata ang hindi naka-alam nito.

Lumapit ako kay Kate at hinila ko muna siya sandali. Sumilong muna kami sa mga puno para kausapin siya. Halatang hindi siya komportable about sa topic na ito, and I must take on my role as the elder(waw).

"Okay ka lang ba? Since when mo pa siya nagustuhan?", tanong ko.

"Sabi ko nga, hindi ko siya crush.", Sambit niya.

Kita ko na parang iniiwasan niya yung tingin ko. So totoo nga.

"Sorry, dapat hindi ko nalang pala tinanong iyon."

Nagkamali ako sa simula. Dapat hindi ko siya dineretso. I got my curious side over me again. Pabalik na kami nun sa court, at hawak ko ang kanyang kamay. Bigla nalang tumigil ang kanyang paglakad.

"September.", mahina niyang sinabi, na ikinaputla niya pa lalo.

Hindi ko nalang siya sinagot, at bumalik na kami.

"We're backk!", Sabi ko as I try to cool things down.

"O, san kayo nanggaling?", Sambit ni Jaz, na sinilipan ko ng tingin.

"Wala, namasyal lang kamii!"

"Kinontact ko na pala si Seb. Nawala lang pala sila sa daan, pero malapit na sila.", Sabi ni Reign.

Lahat kami ay nagbuntong-hininga nang narinig namin iyon, pero di rin naming maiwasang magkaroon ng sense of guilt sa pagkalimot sa kanya ahaha. He was a really quiet guy back then, pero I really notice his efforts to socialize more and to strengthen his presence sa group.

"O, andito na pala siya!", Sabi ni Reign habang nakatingin sa phone niya.

"Sunduin nalang natin siya sa gate. Nakalimutan natin siya eh.", Sabi ni Jaz.

Pumunta kaming lahat sa gate ng compound, hindi nalang namin sinabi sa iba.

Mga 5 minutes kami naghintay roon, hanggang sa may makita kaming sasakyan.

Un-FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon