DO NOT PLAGIARIZE MY WORKS!
FOLLOW ME AND SHARE YOUR THOUGHTS!
VOTE! VOTE! VOTE! (Libre yan --,)
Ang Mabangis na Lungsod
ni Efren Abueg
Kinagawian na ng paslit na si Adong ang pamamalimos sa simbahan ng Quiapo, maitawid lamang ang kaniyang pagkagutom. Kanina pa niya tinitiis ang pagkalam ng kaniyang sikmura at patuloy na sumasahod sa mga taong nagdaraan, mabibilang ang mga taong maghuhulog ng barya para sa paslit. Darating si Bruno na pilit kukuhain ang pinaghirapang mga barya ni Adong, hindi magawang tumanggi ni Adong sapagkat alam niyang sasaktan siya nito. Matagal na niyang tinitiis ang kasakiman ni Bruno. Panandalian lamang ang mga baryang iyon sa kaniyang bulsa at kailanma'y hindi nagtagal. Patuloy ang pagmamakaawa ni Adong sa mga taong nagdaraan, pagod at gutom na ang bata. Nagbabala ang matandang si Aling Ebeng sa pagdating ni Bruno. Malapit na ang muling pagdating ng sakim na si Bruno, dinama ni Adong ang mga malalamig na barya sa kaniyang bulsa. Natanaw niya si Bruno at tinakbuhan ito, sa kaniyang paglayo sa Quaipo naramdaman niya ang tagumpay. Sa huli'y naabutan pa rin siya ng malupit na palad ni Bruno. Natulig siya at hindi na niya naramdaman ang kabangisan ng lungsod sa kapayapaang kumandong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
School Papers
SonstigesHi! So this is the compilation of my school papers, from senior high school to college. You can read them, look for an idea, barrow some of it parts then enclose it in quotation marks but NEVER PLAGIARIZE them! Thank you! Follow me, share your thou...